Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 6

133K 4.1K 673
                                    

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at nagsaing pa talaga ako ng bigas na mas marami para sa akin. Dahil ba 'to sa sinabi ni Death na magluluto sya ng ulam para sa aming dalawa? Why is he doing this by the way? I should decline his offer about this right? Dahil hindi pa ako nagtitiwala sa kanya?

'Di bale, sa susunod tatanggihan ko na talaga sya.

Pero paano kung wala ng susunod dahil ito na pala ang huling hapunan ko? What if Death is really one of my enemies?

Pero paano naman pala kung hindi?

I don't want to judge him this easily but knowing that there are so many people wanting me dead, I can't help it. Hindi talaga ako nagtitiwala kahit kanino ng basta-basta. Lalo pa sa isang kapitbahay na bagong lipat lang.

Pumunta nga si Death sa bahay ko para dito na mag-lunch. May dala syang isang caldero na sa tingin ko ay nilagang baka ang laman. He's smiling widely when I let him in that made me wonder if he put something again on the food.

Sabay naman kaming kakain kaya kung malason man ako, sya naman ang susunod.

"Ako na." I offered when he was about to go to the kitchen. Ayos, ah. Feel at home lang sya at talagang dederetso sana sya sa kusina kung hindi ko pa pinigilan.

Nakakahiya naman sa may ari ng bahay.

Bukod sa hindi ako sanay na may ibang taong nangingialam sa kusina ko, gusto ko din makasigurong wala talagang gagawin na masama sa akin si Death. Paano kung hindi pala ang ulam ang nilagyan nya ng lason kundi ang plato o kutsara o ang baso na gagamitin ko? I had to make sure that I am safe.

Merda! I feel like I'm going crazy with all this thoughts that's going on in my head. Here is the man in front of me that looked like he just went down from Mount Olympus yet I had the nerve to think ill of him. Kung siguro ay makikita sya ni Violet at malalaman ang iniisip ko ay baka mapagkamalan akong baliw.

Death really looks so hot. Mukha syang modelo o artista o prinsipe o greek god o kung ano pa man. Hindi talaga sya mukhang masamang tao. Kaya nga noong pinagbuksan nya ako ng pintuan nya ay napatulala talaga ako. That was a first for me. Unang beses kong humanga sa itsura ng isang lalaki that I even let my guard down. Lalo na nang tumambad pa sa akin ang hubo't baro nyang katawan.

Naalala ko na naman tuloy ang abs at v-line nyang mukhang inukit para maging perpekto.

Merda! I really felt like a pervert!

"Let's eat?" he asked nang matapos ako sa paghahain. Makatapat kami ngayon sa dining table ko. Ako na rin mismo ang naglagay ng ulam at kanin sa mga plato namin. I made sure na kung anong inilagay ko sa akin ay ganoon din ang inilagay ko sa kanya.

"Hm." I answered.

Nagsimula syang kumilos at ako ay binabagalan ko lang. Gusto ko ay sya ang maunang makakain. Saka lang ako makakampante kapag nailagay na nya sa bibig nya ang niluto nya.

Nakamasid lang ako sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi sya mapagmasdan. His hair was damp making it obvious that he took a bath before he went here. Kaya naman amoy na amoy ko ang pinaghalong shower gel at pabango nya dito sa buong bahay ko. It's suffocating me yet there's something inside me that wants his smell.

When I saw him chewing down the food, that's when I started to eat. Maliit lang parte ng ulam ang kinuha ko maging ang kanin. Napatitig pa ako sa kutsara ko bago kumain.

At nang matikman ko na ang niluto nya, halos manlaki ang mga mata ko sa sobrang sarap noon!

"Well?" tanong ni Death na parang nag aabang sa opinyon ko doon sa niluto nya.

Engagement ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon