MICHELLEAng first coffee outing namin ni Carmen ay nasundan pa ng bigla siyang magtext nang Miyerkules ng umaga.
Pinupuno ko ng tubig ang plastic water bottle ng tumunog ang phone ko.
Akala ko si Yaya ang nagmessage kaya nagmamadali kong hinugot ang phone sa bulsa ng palda ko.
Si Carmen pala.
Tinanong niya ako kung libre ako ulit sa Friday.
Gusto niya daw bumawi sa nangyari nung huli kaming lumabas.
"I wasn't very nice to you the last time we went out."
Yun ang text niya.
Nagtatakang binasa ko ang message.
Si Carmen ba talaga ang nagtext?
Baka naman prank lang ito?Hindi ko man lang inisip kung anong ire-reply ko dahil mabilis akong nagtype.
"May lagnat ka ba?"
Smiling emoji ang sagot.
May lagnat nga siya siguro.
Mabait naman siya pero mukhang bugnutin at sobrang prangka.
Kulang sa brake fluid dahil kapag nayayamot, walang preno ang bibig.
Pero kung iisipin, okay din naman siya kasi siya yung tipo ng tao na sasabihin sa'yo kung may muta ka o kung nagmumukha ka ng tanga.
Hindi niya hahayaan na lalo kang maging katawa-tawa kaya uunahan ka na niya.
"Hindi ako pwede ng Friday night."
Pinindot ko ang up arrow icon para i-send ang text.
Nang sumagot, kelan daw ako pwede.
Sinabi ko na pwede kaming maglunch sa Friday.
"Sounds good."
Eleven ang lunchtime ko at hindi ako nagbaon dahil nga lalabas kami ni Carmen.
Dahil isang oras lang ang lunch break, nagsuggest ako na mauna na siya sa Max's at kung pwede, mag-order na din siya.
Oo daw.
Tinext ko sa kanya ang gusto kong kainin—half-chicken, lumpiang sariwa at iced tea.
Pagdating ko, sakto namang kasi-serve lang ng order namin.
Bukod sa inorder ko, dinagdagan pa niya ng buko pandan with ice cream.
Tumayo si Carmen pagdating ko.
Nakangiti din siya at nakakapanibago dahil kapag nakikita ko siya, salubong lagi ang kilay at akala mo naghahamon lagi ng away.
Hindi nakalagpas sa akin ang ibang customers na napatingin sa kanya.
Maporma kasi siya at magaling magdala ng damit.
Para sa lunch namin, dark na maong ang suot niya na medyo bitin kaya kita ang sakong.
Open ang black jacket niya at kita ang puti at plain cotton T-shirt.
Suot niya ulit ang white Nike rubber shoes na gamit niya noong pumunta kami ng Tagaytay.
Hindi lang ang suot niya ang napansin ko kundi ang pabango na amoy dagat minus the lansa.
BINABASA MO ANG
Maybe Next Time
Romance"The hardest part about moving on is not whether it's the right time but whether you are doing the right thing in doing so." Fifteen years after manirahan sa Canada, bumalik si Carmen sa Pilipinas pagkatapos ng trahedyang nangyari sa asawang si Hele...