MICHELLEMula ng kausapin ko ang magulang ko tungkol sa amin ni Edward, hindi ko siya matiyempuhan.
Habang tumatagal at hindi ko nasasabi sa kanya ang gusto kong mangyari, bumibigat ang dibdib ko dahil nawawalan ako ng lakas ng loob.
Meron na akong nakarehearse na speech at sa paglipas ng bawat araw, napagbabali-baliktad ko na ang mga namemorize ko.
Alam ko na hindi madali ang gagawin ko pero hindi naman pwede na ganito ang set-up namin.
May pader sa pagitan namin at lalong lumalawig ang hindi namin pagkakaunawaan kung hindi kami magkikibuan.
Pagkatapos ng huling away namin , si Zac lang ang kinakausap niya.
Nagu-guilty ako dahil pati ang bata, naiipit.
Maraming tanong sa mga mata niya pero hindi naman ito nagsasalita.
Ano nga ba ang masasabi niya eh kahit ako, naguguluhan din sa sitwasyon?
Hindi ko alam kung ano ba ang gustong mangyari ni Edward dahil hindi naman siya gumagawa ng paraan para kausapin ako.
Naisip ko na i-text siya pero parang hindi tama.
Ang problema, hindi ko naman siya maabutan dahil magkaiba ang schedule namin.
Pag-alis ko sa umaga, tulog pa siya.
Pag-uwi naman niya, tulog na ako.
Nagbibihis lang siya tapos diretso higa na.
Ang sabi ni Yaya Imelda, kumakain lang ito ng pananghalian tapos diretso na din sa trabaho.
Lagi daw nitong tinatanong kung kumusta na si Zac.
Hindi naman daw ako hinahanap.
Kailangan ko na talagang umaksiyon.
Hindi pwede na ganito kami palagi.
Ang tanong, kelan ko siya mahahagilap?
Nakatira nga kami sa isang bubong pero daig pa namin ang hindi magkakilala.
Nagulat na lang ako ng isang hapon pag-uwi ko, naabutan ko siya sa bahay na nanonood ng DVD.
Wala si Yaya dahil sinundo niya si Zac sa school.
Nagkatitigan kami ni Edward pero hindi siya nagsalita.
Binalik niya ang tingin sa pinanonood na war movie na hindi ko alam ang title.
Ang nakita ko lang sa screen ay mga sundalo na pinangungunahan ni Brad Pitt.
Pinatong ko ang bitbit na purse sa ibabaw ng glass-topped center table.
"Edward, kailangan nating mag-usap."
Kinuha niya ang remote at pinause ang TV.
"I agree. I think this talk is long overdue." Sumandal siya sa sofa at tiningnan ako ng diretso.
"Gusto kong makipaghiwalay sa'yo." Walang kagatol-gatol na sinabi ko.
Kumunot ang noo niya at nanigas ang panga."What?"
"Narinig mo ang sinabi ko. Di ko na kailangang ulitin pa." Pagmamatigas ko.
"Michelle, why are you doing this? Bumalik ako para ayusin ang relasyon natin tapos ngayon you're telling me you want to separate?"
BINABASA MO ANG
Maybe Next Time
Romance"The hardest part about moving on is not whether it's the right time but whether you are doing the right thing in doing so." Fifteen years after manirahan sa Canada, bumalik si Carmen sa Pilipinas pagkatapos ng trahedyang nangyari sa asawang si Hele...