MICHELLE"Babe, not now." Sabi ni Carmen habang nakatayo ako sa harap ng salamin sa dresser at inaayos ang buhok na nagulo dahil sa ginawa namin.
Nakatayo siya sa likod ko at pinagmamasdan habang mabilis na nagsusuklay.
"It's your dad's birthday. Let him enjoy it before you tell them anything."
Humarap ako sa kanya.
"Are you sure okay ka lang na ganito ang set-up natin?" Inayos ko ang kuwelyo niya na nagusot.
"Oo naman. Ayoko silang mabigla. Isa pa, they just met me today. Let them get used to my presence. Malay mo, kapag nasanay sila sa akin, they may not even question why we're always together."
"How did I get to be so lucky?" Hinawakan ko siya sa pisngi.
Kibit-balikat lang ang sagot niya.
Being with Carmen made me very happy.
Pakiramdam ko , ngayon ko lang naranasan ang main-love.
Ang weird kasi I was married once.
Pero ang naramdaman ko kay Edward ay iba sa nararamdaman ko para kay Carmen.
Kung si Edward, natutunan kong mahalin, I was head over heels in love with Carmen.
Lagi ko siyang namimiss.
I'm needy for her affection at kapag magkasama kami, kung pwede lang na lagi akong nakasiksik sa tabi niya, gagawin ko.
I get to do that kapag nasa kuwarto kami.
Kapag kasama namin si Zac, rated-GP dapat.
Kapag umaalis siya, hindi ako makahintay na magkita kami ulit.
Kahit alam ko na darating siya at susunduin ako tuwing Biyernes, I count the days hanggang dumating na siya.
Kapag wala siya, sinusuot ko ang damit pantulog niya kahit nagmumukhang daster dahil sa haba at ang laki sa akin.
Hinahanap ko kasi ang mabangong amoy niya.
Hindi ako mahilig magtext pero pinupuno ko ng mga sweet messages ang inbox niya.
Nangangarap ako ng gising at iniisip na sana, magkasama kami sa isang bubong para lagi ko siyang nakikita.
Hindi naman ako possessive dati pero pagdating sa kanya, nag-aalala ako na baka kung sinu-sinong chicks ang nakikipaglandian sa kanya kapag hindi niya ako kasama.
Napapansin ko pa naman na kapag nasa mall kami, lagi siyang tinitingnan ng mga babae.
Yung iba, ngumingiti na akala mo nakakita ng artista.
Ang galing naman kasi niyang pumorma bukod sa cute naman talaga siya.
Kapag naiisip ko ang mga ganung bagay, nawawala ako sa mood pero kapag nakakatanggap ako ng message galing sa kanya tulad ng "I miss you" o di kaya yung eye heart emoji, okay na ako ulit.
"Why don't we go back downstairs? Baka magtaka sila kung saan tayo pumunta." Hinila niya ang kamay ko.
Bago ko binuksan ang pinto, hinalikan ko siya ulit.
BINABASA MO ANG
Maybe Next Time
Roman d'amour"The hardest part about moving on is not whether it's the right time but whether you are doing the right thing in doing so." Fifteen years after manirahan sa Canada, bumalik si Carmen sa Pilipinas pagkatapos ng trahedyang nangyari sa asawang si Hele...