MICHELLE"Naloloka ka na ba?" Singhal ni Tatay ng sabihin ko sa kanila ang balak kong gawin.
Dumalaw kami ni Zac sa kanila isang Sabado at habang naglalaro ng basketball ang anak ko kasama ang Tito Alex at Roman niya, kinausap ko naman ang mga magulang ko.
"Bumalik yung tao para ayusin ang pamilya ninyo tapos ikaw naman itong nag-iisip na makipaghiwalay sa kanya. Ano bang nangyayari sa'yo?"
Nasa sala kaming tatlo habang nag-uusap.Magkatabi sila ni Nanay sa mahabang sofa at okupado ko naman ang single chair sa gilid nila.
"Tay, alam niyo naman ang sitwasyon namin noon pa. Sana nga hindi na lang ako nagpakasal sa kanya dahil halata namang napilitan lang siya." Katwiran ko.
"Michelle, kung ayaw niya talaga na magpakasal sa'yo, kahit tutukan ko pa siya ng baril sa sintido, hindi siya papayag." Katwiran ni Tatay.
Si Nanay naman, tahimik lang na nakikinig.
"Pero kilala niyo si Edward. Hindi iyon makapagdesisyon sa sarili niya. Kung ano ang sabihin ng mama niya, iyon ang gagawin niya. Kung hindi sana kayo nakialam noon baka kahit magkahiwalay kami, okay ang pagsasama namin. Kesa naman ganito na pareho kaming hindi masaya sa piling ng isa't-isa."
Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko.
"Magtapat ka nga sa akin bata ka." Tinitigan ako ni Tatay.
"May iba ka ba?"
"Wala po." Sagot ko.Hindi kasali yung nangyari sa amin ni Carmen dahil hindi naman natuloy.
Kumunot lalo ang noo niya sa sagot ko.
Naglabasan tuloy ang mga malalalim niyang kulubot.
"Imbes na pakikipaghiwalay ang gawin mo, bakit hindi ninyo ayusin ni Edward ang relasyon ninyong dalawa? Baka naman kulang ka lang sa..."
Pinandilatan ko siya.
"Tay, kadiri ka."
"Oo nga naman, Ernesto. Mahiya ka nga sa sinasabi mo." Saway ni Nanay sa kanya.
"Ang sa akin lang, isipin mo ang kapakanan ni Zac. Lalaki siya ng walang ama."
"Eh di ba nga iyan ang ginagawa ko? Ang isipin ang kapakanan niya. May nangyari ba? Kung alam niyo lang na pati siya, naaapektuhan dahil lagi kaming nag-aaway ng ama niya. Siya na nga itong nagsabi na mas mabuti pa nung kaming dalawa lang dahil masaya naman kami at tahimik sa bahay."
Hindi nakakibo si Tatay at ginamit ko ang pagkakataon para sabihin sa kanila ang saloobin ko."Lagi kong sinusunod ang gusto niyo para sa akin. Mula elementary hanggang high school, bahay at eskuwela lang ako lagi dahil hindi kayo pumapayag na lumabas ako kasama ang mga kaibigan ko. Nung college, gusto niyong mag-accounting ako kaya kahit gusto kong kumuha ng pre-law, pumayag ako dahil ayokong madisappoint kayo sa akin. Aaminin ko na hindi ako naging maingat nung naging kami ni Edward pero hindi ako nagsisisi na nabuntis ako. Mahal na mahal ko si Zac at ikamamatay ko kung mawala siya sa akin. Ang pinagsisisihan ko lang ay ang magpakasal kay Edward. Ang araw na yun ang naging simula ng kalbaryo ko pero nagtiis ako. Masama ba kung hilingin ko na maging masaya naman ako?"
Iiling-iling si Tatay.
Si Nanay naman, tumayo at hinawakan ako sa balikat.
Sa bahay namin, si Tatay ang laging nasusunod.
Bihira lang siyang kumibo dahil malaki din ang takot niya sa asawa.
"Ito ba talaga ang gusto mo anak?"
Tumingala ako at dahan-dahang tumango.
"Mariana, huwag mo nga kinukunsinti ang anak mo." Galit na sabi ni Tatay.
"Ernesto, di na bata si Michelle. Mas gusto mo bang nakikita na naghihirap siya? Alam naman natin ang hirap na pinagdaaanan niya sa piling ni Edward lalo na ng mama niya. Hanggang kelan ka mananatiling bulag sa katotohanan?"
"Pero anong mangyayari sa kanya at sa apo natin? Siya lang mag-isa ang magtataguyod dito? Mahirap ang buhay, Mariana.""Ano bang pinagkaiba sa ginagawa ko ngayon, Tay? Ako lang din naman ang bumubuhay kay Zac."
Natigilan siya sa sinabi ko.
"Kaya kung buhayin ang anak ko at hindi ko siya pababayaan."
"At kung pumayag nga si Edward na maghiwalay kayo, anong gagawin mo? Makikipagboyfriend ka tulad ng ginagawa ng mga babae ngayon? Anong iisipin ng mga tao sa'yo? Kaladkarin ka?"
Nagpanting ang tenga ko.
"Ganyan ba ang tingin niyo sakin, Tay?" Tumaas ang tono ko.
"Ang sa akin lang, ayokong makita na kung sino-sinong lalake ang makikilala mo. Bata ka pa, may itsura ka. Ang mga lalake ngayon, sex lang ang hanap sa mga babae lalo na kung may anak na. Yun ba ang gusto mo?"
Nasashock ako sa mga lumalabas sa bibig ni Tatay.
Pati si Nanay, napapailing na lang.
"Hindi niyo ba ako kilala? Si Edward lang naman ang naging boyfriend ko. Kung gusto kong magwala eh di sana noon pa."
"Gusto ko lang na maging maayos ang buhay mo at ng apo ko. Kung makahanap ka ng magmamahal sa'yo, gusto ko yung rerespituhin ka at mamahalin ang anak mo na parang tunay na anak niya.""Sisiguraduhin ko yun, Tay, dahil iyon din naman ang gusto ko."
Bumuntong-hininga siya.
"Nakausap mo na ba si Edward?"
Umiling ako.
"Gusto ko na kayo muna ang kausapin ko bago siya."
"Ikaw ang bahala. Basta nandito lang kami kung kailangan mo ng tulong."
Hinatid kami ni Kuya Alex pabalik sa Cavite ng hapon na iyon.
Nakatulog si Zac sa backseat dahil napagod sa paglalaro.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" Tanong ni Kuya.
"Oo. Ayokong dumating ang oras na magpatayan kami ni Edward dahil hindi na namin matagalan ang isa't-isa."
"Sabi ko na nga ba na tama ang kutob ko diyan kay bayaw eh?"
"Anong kutob?"
"Na mama's boy siya." Hindi niya inalis ang tingin sa kalsada.
"Ba't mo naman nasabi?"
"Eh paano nung nag-inuman kami dati, baka daw magalit mama niya kapag nalasing siya. Akala ko nagbibiro lang. Totoo pala.""Bakit di mo sinabi sa akin?"
"Eh kung mali ang hinala ko? Baka awayin mo lang ako."Di ako nagsalita.
Tama naman kasi siya.
Dati, lagi kong pinagtatanggol si Edward kapag meron silang hindi sinasabing maganda dito.
"Ito ba ang salubong mo sa 2020?" Nilingon ako ni Kuya.
"Anong salubong?"
"Bagong buhay. Kalayaan. Luminaw na din ang paningin mo sa mga bagay-bagay." Tumawa siya."Ang weird ano? Parang perfect vision.20/20." Ngumiti siya sa akin.
Napangiti din ako.
Tama si Kuya.
Sa loob ng matagal na panahon, tinanggal ko na din ang takip sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Maybe Next Time
Romance"The hardest part about moving on is not whether it's the right time but whether you are doing the right thing in doing so." Fifteen years after manirahan sa Canada, bumalik si Carmen sa Pilipinas pagkatapos ng trahedyang nangyari sa asawang si Hele...