Kabanata 3 - Galit

18K 388 18
                                    

Kabanata 3

Galit

Ang halik na kanilang pinagsaluhan ay ang halik na hindi nya makakalimutan. Unang halik na kakaiba sa pakiramdam na gustong ulit-ulitin ni Catherine. Napahawak ang dalaga sa kanyang labi habang ramdam na ramdam parin nya hanggang ngayon kahit na ilang buwan na ang nakakalipas. Walang nabago sa kanila at katunayan ay parang naging hobby na nila ni Samuel iyon kapag silang dalawa lang. Palagi syang sinusunggaban ng halik ng binata kapag nasa isang tagong lugar sila..

Naalala nya na halos grabe ang halik na huli nilang pinagsaluhan. Hindi nya maunawaan kung bakit kapag nahahalikan sya nito ay nawawalan sya ng ulirat. Umiinit ang kanyang pakiramdam at halos ibigay nya ang lahat para lamang sa binata.

"Uy! Tulala ka."

Tumingin sya kay Pinky na suot ang pink gown nito habang nakamessy buns ang buhok nito. Naayon sa gaganaping okasyon ngayon sa kanilang bahay.

"Wala, may naalala lang ako."

Tumayo sya mula sa pagkakaupo at humarap sa salamin. Kinuha nya ang hikaw at kanyang isinuot.

"Ano naman iyon?"

"Wala.." halos pigilan nya ang matulala na naman tuwing eeksena sa utak nya ang halik na iyon. Hindi nya maalis alis at parang isang majika ang ginawa sa kanya ni Samuel.

"Ah okay.. Oo nga pala, kailangan mo ng bumaba dahil marami ng bisita sa labas nyo."

"Sige, pagkatapos ko rito ay bababa na ako."

Iniwan na sya ni Pinky kaya napahinga sya ng malalim at napatingin sa kanyang sarili mula sa salamin. The yellow gown inspired in Belle. The fairytale theme of her nineteen'th birthday.. Last year; her debut is fine. Hindi man nya nacelebrate nung last year dahil nasa abroad sya ay naging maganda parin dahil namasyal sila ng pamilya nya sa Paris. Her dream destination. Kaya ayos lang sa kanya ang ganun kahit na dapat ang event ngayon ay para noong last year. Pero ngayon ay mas ayos dahil atleast ngayon ay naririto sya sa pinas at naririto lahat ng kamag-anak nya na tiyak na dadalo.

Isang katok ang nagmumula sa pinto kaya binaba nya ang lipstick at hawak ang dulo ng kanyang gown na lumakad sya palapit sa pinto. Tumambad sa kanya ang tila isang prince charming na si Samuel. Agad itong pumasok at napangiti sya na napayakap sa leeg nito ng halikan agad sya nito. Halos hindi sya makahinga sa sobrang pagkakasakop ng binata sa kanyang labi. Sabik na sabik at mapang-angkin.

Hingal na hingal na nagbitaw sila at napangiti sa isa't-isa.

"Alam mo, mula ng halikan mo ako ay naadik na ako sa labi mo. Ang sarap mong humalik."

Isang ngiti ang ginawad sa kanya ng binata habang hapit-hapit sya nito palapit sa katawan nito.

"Tandaan mo ito, Catherine. Ako lang dapat ang hahalik sa'yo. Wag kang magpapahalik sa iba. Ako lang."

"Huh? Bakit ikaw lang?"

Hinawakan sya nito sa baba at pinisil bago ito napangiti lalo habang nakatitig sa mga mata nya.

"Iyon ang kasalanang magagawa mo. Alam mo ba na tiyak na magagalit ang parents mo kapag ginawa mo iyon sa iba? Kaya dapat ako lang. Ako lang ang pagkakatiwalaan mo, hmm?"

Tumango sya at ngumiti kaya nakita nya sa mga mata nito ang tuwa. Muli sya nitong hinalikan at ilang segundo lang iyon bago sya binitawan.

Inaya na sya nito kaya naglipstick syang muli bago sila lumabas ni Samuel. Inalalayan sya nito sa grand stair habang nakatapat sa kanila ang spot light. Maraming mga nakadisenteng kasuotan ang nakatutok ang mga mata sa kanila. Napangiti sya at nakaramdam ng kaunting nerbyos, pero kampante sya dahil katabi nya ang binata.

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon