Wakas

38.3K 856 98
                                    

Thank you so much for reading this story! Sana ay suportahan nyo rin ako sa susunod ko pang gagawin. Labyu!

Wakas

Pipikit-pikit na ang mga mata ni Samuel habang nakaupo sa sofa. Hindi nya akalain na darating sya sa point na mahihirapan sya ng ganito. Tila na-karma pa sya sa hiling nya noon.

"Dada!"

"Dada!"

"Dada!"

"Dada!"

Napabalikwas sya ng upo at wala sa sariling napatingin sa apat na bata na nasa harapan nya. Napasabunot sya ng buhok at pagod na pagod na napabuga ng hangin.

"Mga anak naman, pagpahingahin nyo muna si Dada." sabi nya.

Napahagikgik ang mga ito at nanlumo nalang sya ng makita na parang smoky mountain na naman ang bahay nila sa kinalat ng mga ito. Kakalinis nya lang at wala pang ilang sandali ay magulo na naman ang bahay.

"Candy ko!!! Ayoko na!!"

Nahiga sya sa sofa at sinabunutan ang buhok. Damn his hormones! Kung hindi nya siguro tinaon-taon na binuntis si Catherine ay baka maginhawa sya ngayon.

Napaubo sya ng daganan sya ng apat. Si Skylar na sunod kay Star, five years old. Sunod rito ay si Suri, four years old. Sunod naman kay Suri ay si Sadie, three years old. At ang huli ay si Sue, two years old.

All girls at puro kay iikli ng name dahil naisip nila na mahihirapan ang mga ito sa pagsulat ng pangalan kung hahabaan pa nila.

Tila maaga syang mapapanutan ng buhok sa kakulitan ng mga ito. Nung mga sanggol palang ay sobra syang cute na cute sa mga ito, pero ngayon ay takot na takot na sya.

"Dada.."

"Okay, I prepare your food. So please, behave mga babae ko."

Binuhat nya ang apat para dalhin sa dinning area. Pinaupo nya sa kanya-kanyang upuan. Hindi nga nya mapagtanto kung bakit napakakulit ng mga ito. Walang araw na hindi mga nagpapasaway kapag sya ang naiiwan sa bahay, pero kapag ang nasa bahay ay si Catherine ay parang kay babait na mga bata.

"I don't want that."

Pumalumbaba si Skylar habang nakatingin sa pagkaing nilagay nya sa plato nito.

"Skylar, you should eat this. This is good for your eyes."

Ang nilahad nya kasi ay kalabasa, at alam nyang hate na hate ni Skylar iyon.

"I don't want nga po. I want chicken or hotdog." bugnot na sabi nito.

"Bahala ka, pag nalaman ng Mommy mo na hindi mo ito kinain, hindi ka no'n papansinin." aniya na may tonong pananakot.

Napanguso ito kaya napangiti sya at si Suri naman ang nilagyan nya. Mabuti nalang at kumakain ito ng kahit ano kaya wala itong reklamo. At sunod naman na nilagyan nya ay si Sadie. Napabuntong-hininga sya ng umiyak ito ng sabunutan ni Sue.

"Hey! Stop, Sue! Don't hurt your sister."

Agad nyang tinulak palayo ang upuan ni Sue dahil sa apat ay ito ang matapang kahit dalawang taon palang. Ang hilig sabunutan ang mga kapatid. Parang gabriella silang ang katapangan.

Syempre, gagamitan sya nito ng puppy eyes kapag nagagalit na sya. Kaya wala syang magawa kundi ang mapabuntong-hininga.

"Stop crying now, Sadie... Hindi dapat Sadie pinangalan sa'yo, dapat happy. Palagi ka nalang umiiyak."

Pinunasan nya ang luha nito gamit ang damit nya at pinasinga nya ito sa damit nya kaya napangiwi sya.

"Dada! Dada! Dada!"

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon