Kabanata 21 - Settle Down

24.4K 490 17
                                    

Kabanata 21

Settle down



Makulay at punong-puno ng saya ang simbahan habang naghihintay ang mga tao para sa kasalang magaganap kela Catherine at Samuel.

"Relax, Son."

Napatingin si Samuel sa Dad nya ng tapikin nito ang balikat nya. Gabi palang ay hindi na sya mapakali kaya hindi sya nakatulog ng maayos. Sobra ang pananabik nya para sa araw ng kasal nila ni Catherine kaya ngayon na nga ang pinakahihintay nya ay kinakabahan naman sya.

"Dad, kinakabahan ako. Parang hindi ako makahinga at baka hindi rin ako makapagsalita mamaya."

Natawa si Dimitri at napailing, "Tila kasama na sa nararamdaman ng lalake yan kapag ikinakasal. Nang kami ng Mommy mo ang ikakasal noon ay ganyan na ganyan din ang nararamdaman ko. Pero lahat ng iyon ay nawalan ng sumipot ang mommy mo sa kasal namin. Nakakatakot na hindi ako siputin ng Mom kaya sobra pa d'yan ang kaba ko."

Natawa sya at medyo gumaan ang pakiramdam nya sa sinabi ng Dad nya. Huminga sya ng malalim at niluwagan nya ang kurbata nya para makahinga sya ng maluwag.

"Nandyan na si Ate!"

Napaayos sya ng tayo ng banggitin iyon ni Bettina na maid of honor ni Catherine. Napalunok sya at kumabog ng mabilis ang puso nya habang nakatingin sa pintuan ng simbahan.

Nakangiting tinapik sya sa balikat ng mga kapatid nya at mga nagsiayos na ang mga ito. Pumunta sya sa aisle at katabi ang parents nya upang maglakad sa red carpet na sa magkabilang gilid na dadaanan nya ay maraming bulaklak na kulay dilaw na ayon sa nais na motif ni Catherine.

Kumuha rin sila ng magaling ma photographer para sa kasal nila upang maging maganda ang kuha ng bawat segundo ng nangyayari sa kasal nila.

Umayos sya ng tayo ng makarating sa harap ng altar habang katabi nya ang parents nya. Lumakad na rin ang mga kapatid nya na kapartner ang mga asawa nito. At napangiti sya ng lumakad ang baby Star nya na mag-isa habang ang cute-cute nito sa ayos at suot nitong gown.

"Baby.." agad nyang kinilik ito ng makalapit ito at hinalikan nya sa labi, "You're so pretty, baby." aniya at inayos nya ang pabilog na bulaklak sa ulo nito.

"Gwapo nyo naman po, Tatay." sabi nito kaya lalo syang napangiti.

"Thank you, baby." yumakap ito sa kanya kaya hinaplos nya ang likod nito at muling tumingin sa aisle. At doon ay nakita nya ang unti-unting pagbukas ng pinto ng simbahan.

Tumunog ang kantang pinili nila para sa kanilang kasal.

Forevermore by A1

Binaba nya si Star sa tabi nya habang nakatingin sya kay Catherine na unti-unting pumasok. Agad nyang kinuha ang panyo sa bulsa ng slocks na suot nya at nagpunas sya ng luha na hindi nya napigilan ng makita si Catherine.

Sa wakas, ang pinapangarap nyang babae na noon ay kay hirap makuha ay ngayon ay konting oras nalang at tuluyan ng mapapasakanya.

"She's here." bulong ng Dad nya kaya napangiti sya at tumango.

Napangiti si Catherine habang lumalakad sya sa aisle kasabay ng Dad nya at Papa nya na maghahatid sa kanya sa harap ng altar at palapit kay Samuel.

Kitang-kita nya na lahat ng tao sa simbahan ay nakasunod ang tingin sa kanya. Pero natuon lamang ang mga mata nya sa lalakeng papakasalan nya at sa anak nilang katabi nito.

Kanina pa sya kinakabahan at hindi mapakali. Parang bawat patak ng oras ay lalong nagpapakaba sa kanya.. Kita nya na napakagwapo ni Samuel sa suot nitong puting tuxedo.

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon