Kabanata 9 - Caught In Act

16.1K 384 11
                                    

Kabanata 9

Caught In Act

Agad na umakyat sa tree house si Samuel ng makita na doon pumunta ang dalagang si Catherine. Napahinga muna sya ng malalim bago pumasok at sinara ang pinto. Napapikit sya ng agad na sumalubong sa kanya ang pagtama ng isang unan sa kanyang mukha. Dumilat sya at napatingin sa dalaga na nakahalukipkip at masamang nakatingin sa kanya.

"Sinungaling! Kakasabi mo lang na hindi ka mambabae!"

Pinipigilan nya ang mapangiti sa naging reaksyon at sinabi nito. Nilock nya ang pinto at lumapit sa table para ilapag ang dala-dala nyang pagkain para sa dalaga.

"Nagseselos ka naman agad, nakasalubong ko lang si Felicia."

Nilabas nya ang mga dala nyang pagkain at binuksan. Nang maiayos na nya ay tumingin sya sa dalaga na nakatalikod habang nakatanaw sa bintana. Lumapit sya rito at yumakap mula sa likod nito.

"Kumain ka na, kinuha ko pa ito sa bahay namin." bulong nya habang inaamoy-amoy ang leeg nito at binibigyan ng halik.

"Ayoko, busog pa ako."

Napangiti sya at pinasok nya ang isang kamay sa short nito na pipigilan sana sya ngunit huli na dahil nahawakan na nya ang pwerta nito.

"Busog ka ba dahil sa tinanim ko?" pilyo nyang bulong at pinaglaruan ang pwerta nito na kinahalinghing nito. Gumapang ang isang kamay nya papasok sa t-shirt nito at mariing pinisil-pisil nya ang isang dibdib nito na kanyang pinanggigigilan.

"A-Ano ba...uhh!"

"Bago pa mangyari na busugin kita sa sarap, dapat na kumain ka muna dahil ayokong walang laman ang tiyan mo, Misis ko."

Hininto na nya ang pagchansing sa dalaga at hinawakan nya ang kamay nito at hinila nya ang dalaga palapit sa table nya. Hinila nya ang upuan at dahil iisa lang ito kaya naupo sya at hinila ang dalaga paupo sa pagitan ng hita nya. Nilapit nya rito ang pagkain at sinandal ang kamay sa lamesa.

"Kain na."

Pinanood nya lang ito ng magsimula na nitong galawin ang pagkain. Napansin nya na nahihirapan ito dahil sa buhok nitong nahuhulog sa mukha ng dalaga kaya inalis nya ang maluwag na pagkakatali ng buhok nito at sinakop nya lahat bago itali muli ng mahigpit para hindi na makatakas pa ang ilang hibla ng buhok nito.

"Pagkatapos mo d'yan ay ihahatid na kita sa inyo?" imbes na sabihin nya lang ay para lumalabas na naging patanong pa ang sinabi nya. Kaya nga sya nagsabi na hindi uuwi sa bahay ay dahil kasama nya ang dalaga tapos ay bigla-bigla ay magsasalita sya ng ganun. Nasaan ang utak nya?

Natigilan ito sa pagsubo at lumingon sa kanya habang puno ang bibig nito. Umiling ito kaya napatango sya. Nagpatuloy muli ito sa pagkain kaya napangiti sya dahil makakasama nya pa ng ganito ang dalaga na para silang mag-asawa.

Pagkatapos nitong kumain ay tumayo na ito kaya niligpit nya ang pinagkainan nito.

"Samuel, dito muna ako matutulog, ayoko pa munang umuwi sa bahay."

"Oo ba." aniya at tumingin rito. Naupo ito sa kama at nag-indian seat. Lumapit sya rito at naupo rin paharap rito, "Ano ba talaga ang nangyari?"

Sumandal ang likod nito sa pader at inunat ang mga binti bago ipatong sa hita nya kaya hinawakan nya.

"Paano, parang wala ng pakialam sa akin sila Daddy simula ng dumating si Nesya na 'yun. Tapos malalaman ko na pumasok pa sa kwarto si Nesya para daw gisingin ako. Hindi naman ata ako ginising ng babaeng iyon, dahil hindi naman ako nagising. Tapos si Daddy ay nagalit agad porket nasigawan ko si Nesya at binanggit ko muli ang topic sa dress ko na sinuot nya."

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon