Kabanata 20 - Biological Father

23.7K 478 24
                                    

Kabanata 20

Biological Father

Gaya ng sabi ni Samuel sa kanya ay inaya sya nito upang magtungo sa simbahan. Panay ang panuksong tingin ang ibinibigay sa kanila ng mga kapatid ni Samuel ng makababa sila mula sa kwarto ng binata. Pinamulahan tuloy sya ng pisngi dahil pakiramdam nya ay may alam ang mga ito sa nangyari sa kwarto kaya sila nagtagal.

"Tatay, saan po tayo pupunta?" tanong ni Star na nakakandong kay Catherine na nakaupo sa front seat ng kotse ni Samuel, habang si Samuel ay nagdadrive.

"In church, baby. Magpapakasal na kami ng Mama mo."

Ngumiti si Catherine habang sinusuklay ang buhok ni Star na niliguan muna nya bago sila umalis. Kaya basa pa ang buhok nito.

"Yehey! I'm the flower girl, Tatay!" napapaindak ito sa pagkakaupo dahil sa tuwa.

"Ofcourse, you are the special flower girl."

"Pero Samuel, sure ka ba na hindi tayo pagtatabuyan ng simbahan? Alam mo naman na blood related tayo." aniya at tinignan ito na tumingin saglit sa kanya pero tinuon din ang pansin sa daan habang maingat sa pagdadrive.

"Ofcourse, I know what I'm doing. Masyado kang nag-iisip d'yan ng negatibo, relax ka lang at akong bahala."

Napailing nalang sya dahil pursigo talaga ito. Inipitan nya ang buhok ni Star at nilagyan ito ng pulbos sa likod, leeg, at maging sa mukha para hindi agad ito pagpawisan.

"Sabi ni Mommy ay sya na ang gagawa ng wedding gown natin, maging sa mga abay. Kaya ang gagawin nalang natin ay kausapin ang simbahan at pagplanohan ang motif at maging ang venue ng kasal natin." pagkaraan ay sabi ni Samuel.

"Hmm, gusto ko sana na kulay dilaw at parang mga diwata ang mga abay. At gusto ko na sa harap ng beach ang venue." tugon ni Catherine.

Ngumiti si Samuel at hininto na ang sasakyan ng makarating sila sa harap ng simbahan. Bumaba na sila. Si Catherine ay bitbit ang ilang kailangan na dokumento para sa kasal nila at ang bag na bitbit nya, habang si Samuel ay buhat-buhat si Star.

Sabay silang lumakad papasok ng simbahan kung saan ang daan patungo sa office ng pare na nais nilang magkasal sa kanila.

Nakausap nila ang mga membro ng simbahan at pinag-usapan kung kelan ang kasal nila. Nagulat pa si Catherine ng sabihin ng binata na sa susunod na linggo na agad ang nais nitong petsa ng kasal nila.

Wala na syang naging tutol dahil naisulat na iyon ng mga membro ng simbahan sa takdang araw ng kasal nila.

"God Samuel! Bakit sa susunod linggo agad? Hindi pa nga tayo nakakapagplano ng maayos."

Talagang binulyawan nya ito ng makasakay sila ng kotse. Naiinis kasi sya dahil wala itong pasabi.

"'Di ba, gusto mo ng yellow motif at parang mga diwata ang mga abay, habang ang venue ay sa harap ng beach?"

"Oo, pero--"

"Ayun na nga iyon. Madali nalang iyon, kaya wala kang dapat na ipangamba. Kung ano ang ineexpect mo sa kasal natin ay ganun ang ipapakita ko sa'yo. Sinisiguro ko na espesyal at maganda ang magiging kasal natin."

Wala na syang nasabi dahil nagkaroon sya ng kapanatagan sa loob nya ng bigyan sya nito ng panghahawakan.

Dahil weekends, kaya naisip nila na magbonding ng mag-anak para sa kanilang first bonding together. Sa mall sila nagtungo at tuwang-tuwa si Star na unang beses na makakaapak ng mall.

"Wow! Ang laki-laki rito. Ang daming ilaw at tao. Tapos ang daming tinda."

Napangiti si Samuel at hinalikan sa pisngi si Star na kilik-kilik nya, habang akbay-akbay nya si Catherine na nakangiting nakatingin kay Star.

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon