Kabanata 14 - Tattoo

15.5K 387 6
                                    

Kabanata 14

Tattoo

Mula ng magtanan ay wala ng balita pa sa pamilya si Catherine. Pinagbawalan sya ni Samuel na buhayin ang phone, at manood ng television. Hindi man nya maunawaan kung bakit ayaw sya nito na panoorin ng palabas sa t.v ay hindi na nya sinuway ito dahil baka may dahilan ito.

Natutulog pa ang binata ng magising sya, kaya dahil sa pagkainip ay naisipan nyang lumabas muna upang maglibot libot.

Sumakay sya sa elevator at naglibot libot sa lobby ng hotel. Tinungo nya ang labas sa pinakagarden kung saan ang daan patungo sa swimming pool. Hindi naman masyado marami ang naliligo, kaya medyo tahimik sa parteng iyon.

Sa sun-loungers, naupo sya at tumingin sa kalangitan. Napakaganda ng langit dahil namumutakti ang mga bituwin, at maliwanag na maliwanag ang buwan. Mabuti nalang at nagsuot sya ng cardigan kaya ang ihip ng hangin ay hindi masyadong nakakalamig sa balat nya.

Napatingin sya sa isang foreigner at sa ginoong nakita nya sa lobby na may tattoo na kagaya ng pangalan nya. Masinsinan na nag-uusap ang mga ito, at base sa ayos ng ginoo ay tila nakakaangat ito sa buhay lalo't ang kausap nitong foreigner ay tila respetado.

Napatingin ang ginoo sa kanya kaya napaayos sya ng upo. Nakita nya na nagpaalam ang ginoo sa kausap nitong foreigner, at kinabahan naman sya ng lumapit ito sa kanya.

"Ikaw ang nakita ko sa lobby, right?"

Naupo sya at tumayo, nakakahiya na kinakausap sya nito na gayung nakaupo sya.

"Ako nga po.. Pasensya na po kung naistorbo ko po kayo kanina."

Ngumiti ito at pumamewang, hindi nya maintindihan kung bakit ang gaang ng loob nya sa ginoo kahit ngayon lang naman sila nag-usap. Pero pakiramdam naman nya ay mabait ito, iyon agad kasi ang nararamdaman nya rito.

"Anyway, I'm Richard Villegas.." naglahad ito ng kamay kaya malugod nyang tinanggap.

"Catherine Andy Ford po."

Napakuno't ito ng noo at tila natigilan, gaya ng reaksyon nito ng tawagin ni Samuel ang pangalan nya.

"Catherine?" pag-uulit nito.

"Yes po. Pasensya na po sa sasabihin ko, pero nakita ko po kasi yung tattoo nyo na may nakasulat na 'Catherine'.. Sino po iyan at bakit kapangalan ko po?"

Naupo sila sa sun-loungers, at tumanaw ito sa mga naliligo habang sya hinihintay ito na magsalita.

"Pangalan ito ng babaeng mahal na mahal ko. Isang araw, nalaman ko nalang na wala na sya at hindi ko alam kung saan sya naroon mapahanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit sya umalis."

Ramdam nya ang pangungulila, pagsisisi, at pagmamahal sa babaeng kapangalan nya. Nakaramdam sya ng lungkot para rito, kaya naman kahit nag-aalangan ay nilapat nya ang kamay sa balikat nito at hinawakan upang iparamdam ang pagdamay nya rito.

"Siguro po ay may dahilan sya kung bakit sya umalis. Pero alam ko po na balang-araw, ang mga taong umaalis ay muli ring lilitaw sa harap nyo."

Tumingin ito sa kanya at kita nya na ang pag-aliwalas na ng mukha nito. Napangiti ito at umayos ito ng upo na medyo nakaharap sa kanya.

"Alam mo, napagaang mo ang loob ko.. At nang marinig ko na kapangalan mo na Catherine din ay parang nasa tabi ko lang din ang Catherine na mahal ko."

Napangiti naman sya at hindi nya mapigilan na sumaya sa sinabi nito.

"Ako din po, magaang po ang loob ko sa inyo.. Pakiramdam ko po ay kasama ko si Daddy."

Nalungkot naman sya ng maalala muli ang pamilya nya. Napayuko sya at napahinga ng malalim.

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon