Kabanata 11 - Video

13.2K 337 12
                                    

Kabanata 11

Video

Umaga palang ay busy na ang lahat ng tao na nag-aasikaso para sa gaganaping party sa bahay ng mga ford. Kailangan ay perpekto ang lahat at kailangan na magandang maganda dahil isang ford na naman ang magdidiwang ng kaarawan. Nagkaset na rin ang mga catering service na galing sa hotel ng mga ford na syang umasikaso sa motif ng venue at mga chair, tables, stage, dance floor, big screen at pati ang tila pang prinsipeng upuan na uupuan ng magdidiwang na binata. Ang mga ihahaing pagkain naman ay iba't-ibang sikat na foreigner chef pa ang nagluto para lang sa araw na ito.

Hindi naman mapakali si Catherine habang panay ang tingin sa sarili sa salamin at suot-suot ang dress na binigay sa kanya ni Samuel. Ang kanyang buhok ay kinulot ang dulo habang nakapusod ang buhok nya na nahahati ang pagkakatali sa gitna. May mga accessories din syang suot sa tenga at leeg, ternong diamond earings and necklace. Napatingin sya sa kanyang paa at suot nya ang isang peach stelletos na pasunod na bigay sa kanya ng binata. Masayang-masaya sya dahil made with 'Ms. A' pa iyon. Ibig sabihin ay mismong design at gawa ng Tita Beatrice nya iyon. Pakiramdam tuloy nya ay sya ang may birthday dahil imbes na sya ang dapat na magbigay ng regalo ay sya pa ang nireregaluhan, kaya tuloy kinakabahan sya na animo'y sya ang may kaarawan.

"Catherine! Are you done? Let's go! We have one hour before the party begin!"

Agad syang napaalis sa salamin sa katok at tawag ng kanyang ina na tila ba sobra silang malelate kapag hindi nya binilisan. Sobra itong excited na hindi nya malaman.

Kinuha nya ang silver pouch nya at tinignan nya kung nandoon sa loob nito ang press powder, panyo, at cellphone nya. Nang nandoon na ay naglakad na sya palabas ng kwarto nya bitbit rin ang regalo nya para sa binata.

Sa baba, nakita nyang nandoon na lahat kabilang si Nesya na suot ang itim na gown. Bagay na bagay sa ugali nito ang kulay ng gown nito. Lihim syang napangiti sa naiisip at napailing na lumapit sa pamilya na nakatingin na sa kanya.

"Saan galing 'yang dress na iyan at ngayon ko lamang nakita?" tanong ng kanyang ina habang titig na titig sa dress nya.

"Samuel gave me this dress and stelleto." simpleng tugon nya at tumayo na animo'y kandidata sa pagent.

Tinignan nya si Nesya at kita nya ang inggit sa mata nito habang titig na titig sa kanyang suot. Nagflip sya ng hair at ngumisi dahil kitang kita nya ang inggit rito. Sarap sa piling na makita itong ganun. Hindi sya ganun mag-isip sa ibang tao, pero kung katulad kasi ni Nesya ang gaganunin ay matutuwa ka nalang.

"Okay, let's go. Tiyak na hinihintay na rin tayo nila Dimitri.." ani ni Alexander.

Naunang maglakad palabas ang parents nya kasama si Zach, at sumunod sya maging itong si Nesya tila sinasadya na makasabay sya.

"Maganda ang dress mo, ha."

"Ofcourse, are you insecure?" walang paligoy-ligoy nyang tanong na hilaw na kinangisi nito.

"Ofcourse not. Bakit naman ako maiinggit? Sige lang, enjoyin mo lang ang tila prinsesa mong ayos, baka sa susunod maging sumpa na sa'yo 'yan."

"Okay, sabi mo e." aniya at inirapan ito bago nya iwanan ito.

Sumakay sila sa kotse kahit ilang metro lang ang layo ng bahay nila sa bahay nila Samuel. Hassle kasi kung maglalakad sila tapos nakagown at dress sila. Sa bintana lamang sya nakatingin habang over sa space ang pagitan nila ni Nesya. Pagdating sa bahay nila Samuel ay napansin agad nya ang pagdami ng taong dumadalo. Kitang-kita rin nya kung gaano kabongga ang venue. Buong bahay nila Samuel ay pinailawan. Pinarada ng dad nya sa libreng lugar ang kotse nila.. At dahil excited sya, bumaba na sya agad kahit kakapatay palang ng kotse.

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon