Kabanata 18 - The Father

21K 514 3
                                    

Kabanata 18

The Father

"Four years ago, natagpuan sya ni Marco Estrella sa dalampasigan.. Wala pang nakakaalam noon kay Veronica dahil itinago ni Marco ang totoo kung saan nya nakita si Veronica."

Napakuyom ng kamay si Samuel habang nakatanaw sa glass window kung saan ay tanaw na tanaw ang dagat. Narito sya sa isa sa mga hotel ng isla kung saan sya namalagi.

"Wala bang namagitan sa dalawa sa loob ng apat na taon?" tanong nya kay Ren na syang pinagkuhanan nya ng impormasyon. Kilala nito ang bawat tao sa isla, kaya ito ang hiningan nya ng impormasyon ukol kay Veronica or let's say Catherine.

"Ang alam ko ay nililigawan ni Marco si Veronica, pero hindi ko alam kung ano nga ba ang tunay na relasyon ng dalawa."

Lumingon sya kay Ren habang may seryosong mukha na mababakas.

"Salamat, Ren, sa impormasyon. Sapat na iyon at gusto ko muna na mapalapit sa anak ko, bago magpakita kay Catherine."

Ngumiti ito at lumapit sa kanya, tinapik nito ang balikat nya.

"Hangga't naririto ka ay tutulungan kita hanggang saan ang makakaya ko.. At sana ay maisama mo na rin pauwi ang mag-ina mo."

"Salamat."

Ngumiti sya rito at tinapik rin ang balikat nito.

"Sige, mauna na ako.. Teks-teks nalang."

Tumango sya kaya tumalikod na ito at umalis. Lumapit muli sya sa bintana at tinanaw ang dagat.

Kaya pala ng hanapin nila si Catherine sa islang ito ay hindi nila mahanap. Itinago at iniba pala ang pangalan nito na syang kinainit ng dugo nya. Apat na taon syang nalugmok sa lungkot at sakit sa pagkawala ng dalaga. Kamuntikan na rin syang sumuko at hindi na umasa na buhay pa ito, tapos 'yun pala ay naririto lang sa isla'ng ito ang mag-ina nya. At ang kinaiinis nya ay nakadaop-palad na nya ang anak nila ay hindi pa pala nya nalalaman.

Kaya pala iba ang pakiramdam nya habang kausap at nahahawakan ang bibong bata na si Star. Anak at dugo nya ang dumadaloy sa batang iyon na nakuha ang talento nya sa arts.

Pero ngayon, hindi na nya hahayaang palagpasin pa ang oras. Sisiguraduhin nyang uuwi sya na kasama ang mga ito.

"Si Star walang tatay! Haha!"

"Meron akong tatay!"

Tinulak ni Ayin si Star kaya napaupo sa sahig ng classroom ito at nangilid ang luha.

"Wag kang imbento! Sabi nila Nanay, wala ka daw tatay. Siguro daw ay nabuntis lang ang nanay mo, kaya si kuya Marco ang nilalapitan nya para akuin ka."

Napaiyak ng tuluyan si Star dahil sa sinabi ni Ayin. Tinukso na rin sya ng ibang bata kaya nagsusumigaw sya ng 'Mama'.

"Hey, bakit nyo inaaway ang anak ko?"

Natigil ang mga bata sa pagtutukso kay Star ng biglang sumulpot si Samuel na akala nila ay hindi na muling magpapakita pa.

"Idol!"

Namilog ang mata ni Star at nawala ang pag-iyak nito. Napapahid ito ng luha at tumayo bago humarap kay Samuel na napapangiti.

"Akala ko ba ay matapang ka? Bakit umiiyak ka?"

Napayuko ito kaya naman nakaramdam sya ng pagbihugno ng damdamin dahil sumasakit ang dibdib nya ng makitang umiyak ito.

"Inaasar po kasi nila ako na walang tatay."

Napatikom ang bibig nya at hinawakan nya ito sa balikat habang nakaluhod sya sa harap nito.

"Don't cry, baby.. I'm here now." aniya.

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon