Lucy's Point Of View
Nakatitig lang ako sayo habang naglalaro ka ng mobile games sa cellphone mo. Seryosong-seryoso ka sa nilalaro mo at hindi mo na nga namamalayan ang titig ko sayo.
Hays. Okay lang naman ako, Tristan. Napapikit na lang ako at sumandal na lang sa pader na nasa likod ko.
Inaya mo pa akong makipag-date. Napailing na lang ako at umupo sa katapatan ng upuan mo.
Inilabas ko ang cellphone ko at padabog na binuksan ang notes. Madiin kong tinitipa ang bawat letra ng pinipindot ko.
Mamatay na sana yong taong nasa unahan ko. Mamatay ka na, wala kang kwenta!
Dahil hindi pa rin ako pinapansin ni Tristan at nababagot na ako. Tatayo na sana ako ng hatakin ni Tristan ang kamay ko.
"Stop." Tipid na sabi niya. Lumingon ako sa kanya at nakita ko namang in-end na niya ang laro niya at itinabi iyon sa bulsa niya.
Kumunot naman ang noo ko at agad na kinuha ang kamay ko kaso hindi na niya iyon pinakawalan at hinawakan pa iyon ng mas mahigpit.
Namula naman ako at pinipilit pa rin na kunin yong kamay ko.
"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Tristan. Pinipigilan niya ang sarili niyang tumawa kaya naging blangko ang mukha ko.
"Don't talk to me." Marahan na sabi ko at malakas na hinatak ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Sinamaan ko pa siya ng tingin at kumain ng ice cream sa harap ko.
"Tampo ka na niyan?"
"Sinong kausap mo?" Pabalang na sabi ko at tinaasan pa siya ng kilay.
Ngumisi lang siya at umiling. Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin pa.
Natapos kaming kumain sa isang kainan nang walang kibuan at nakaikot na rin sa buong mall nang hindi ko pa rin siya iniimikan.
ANG GUSTO KO LANG NAMAN EH KAHIT YUNG MAGING SWEET MAN LANG SIYA SA AKIN. HINDI NIYA PA MAGAWA?! BABAE PA RIN NAMAN AKO!
YONG HAHAWAKAN NIYA ANG KAMAY KO HABANG NAGLALAKAD SA DAAN KAHIT MAGKAUSAP LANG KAMING BUONG ARAW NANG WALANG CELLPHONE.
GINIRLFRIEND PA NIYA AKO?! BAKIT HINDI NA LANG YUNG CELLPHONE ANG SHINOTA NIYAN.
Gustong-gusto ko iyong sabihin sa kanya ngunit manhid talaga siya at mapapahiya lang ako. Kasalukuyan kaming nasa jeep at hawak nanaman niya ang cellphone niya at naglalaro ng mobile legends.
Napabuga na lang ako hangin at nilagay ang kamay ko sa hita ko. Napapikit na ako gigil sa lalaking nasa tabi ko.
Maya-maya ay naramdaman ko naman ang paggalaw ng kamay ko. Napatingin ako doon at nakitang pinagsiklop niya ang mga kamay naming dalawa.
"Kung gusto mo akong maging sweet sa'yo, sabihin mo lang." Seryosong sabi niya habang nakahawak pa rin sa kamay ko habang naglalaro ng laro niya sa cellphone niya.
Nanatili akong blangko at mamula-mula. Nakatunganga lang ako sa daan at mukhang naramdaman naman niya.
Tiningnan niya ako at natatawang pinagmasdan ako. Pinatay niya ang cellphone niya at hinawakan ang dalawang pisngi ko.
"Huwag ka ng magtampo." Sabi niya at ngumiti ng malaki. "Mahal pa rin kita kahit hindi ako sweet sayo." At ginulo ang buhok ko.
Pumara na ako sa sinasakyan kong jeep at bumaba na ako. "Si Tristan ba talaga yon?" Lutang na sabi ko sa sarili ko at napahawak pa sa tigkabila kong pisngi. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako ng malaki.
Pero hindi ko inaasahan na kasunod ko pa rin si Tristan. Nasa likod ko siya at ngiting-ngiti ng malaki. "Yon naman pala ang gusto. Tsk, tsk." Sabi niya.
Ngumuso siya sa harap ko at hinawakan ulit ang dalawa kong pisngi. Kinunot niya ang ilong niya at inilapit iyon sa ilong ko.
"Lucy!" Biglang sigaw ng kung sino. "Ay awts, ano 'to?!" Sigaw ni Amber.
"Anong ano-- Hala, Lucy!" Gulat na sigaw ni Gabby. Nanlalaki ang mata nilang dalawa na sinundan naman nina Yasmin.
"Close your eyes!" Malakas na sigaw ni Haydee at nauna nang pumikit. Nagsisunuran naman sina Martial kaya't mas lalo akong namula.
Shocs, nakakahiya. "Akala ko ba gusto mo 'to. Ba't ka nahihiya?" Nakangising pangaasar ni Tristan.
"Heh-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa pisngi.
Nanlaki ang mata ko at literal na napanganga ako. What the actual fudge?!
"Lucy Fernandez stopped working!" Sigaw ni Morice. "Mission accomplished."
"Galawan 101! Yes!" Sigaw ni Crystal. "Kinikilig ako, kingina!" Sigaw niya at pinaghahampas si Jett na nasa tabi niya.
"Oo na! Oo na! Wag mo kong hampasin!" Sigaw ni Jett at hinuli ang kamay ni Crystal at hinawakan ito.
"My Luctris heart!" Sigaw ni Gabby at nag-heart shaped hand pa at nagtibok-tibok pa ng puso.
-킅-
Binalik ko lang ulet HAHAHA.
-haydssss na kyott
BINABASA MO ANG
DS SCENARIOS
Diversosdahil siraulo kayo! wag kayong magkalat don sa mismong story. dito kayo manggulo -hayds da opesyal kyotie