meh ship (2): crysjett

24 0 0
                                    

"Crystal paabot nga nito!" Turo ni Jett sa malayong parte ng classroom. Kumunot naman ang noo ko pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Oh." Inihagis ko iyong walis na ipinapaabot niya at umupo sa tabi ni Yasmin. Bubuka na sana ang bibig ko upang magsalita nang biglang humirit nanaman ng isa pa si Jett.

"Isa pa nga crys. Ihiram mo nga akong pencil na maganda." Sabi niya at tutok na tutok sa kaniyang pagdrodrawing. Mas lalo namang naginit ang ulo ko nang makita na ang pinapakuha niya sa aking walis ay ipinakuha lang sa kaniya ni Keisha.

Walanghiya. Ako ba talaga yong nililigawan? Baka naman ako yong nanliligaw.

Padabog kong hinarap si Yasmin at tinapik ito ng malakas.

"Aray, kingina." Nakangiwing sabi ni Yasmin. Hinimas-himas niya pa ang parte na aking hinampas at sinamaan niya pa ako ng tingin. "Kung galit ka, wag mo sa aking ibuhos. Takte, nandadamay pa eh." Sabi niya at iningudngod sa mukha ko yung lapis niyang pangmalakasan niya. (Nalimutan ko yong tawag don sa lapis, edit niyo na lang. Basta yon yong kulay blue na walang pambura HAHAHA)

Hinawakan ko ito at ibibigay na sana kay Jett nang sumigaw nanaman siya. "Huwag na pala. Naibigay na ni Keisha. Tagal mo eh." At talagang ako pa? Huh!? Gigil mo ako ha.

"Tarantado talaga. Huwag kang papakita sa akin mamayang uwian." Mahinang bulong ko pero humagikhik naman sa tabi ko si Yasmin at si Morice na nasa unahan ko. Pinanlakihan ko sila pareho ng mata.

Pero inilingan lang ako ni Morice at tumawa pa ng malakas. "Kung hindi mo ramdam na nililigawan ka, ikaw ang manligaw. Tingnan natin kung saan kakayanin ang karupukan non." Syempre hindi si Morice ang nagsabi non. Pangmalakasan 'tong linya eh kaya dapat ibigay kay Haydee.

--saad ni Hayds.

"Kung hindi ka pala gusto, don ka na nga naman sa mas maliit, doon sa mas mataba. Morice Jalbuena!" Pagkanta ni Martial sa favorite niyang jingle noong halalan na JV Ejercito. Di lang makamove-on eh.

"Sige lang. Ang saya niyo eh." Nakangiwing sabi ko at umub-ob na lang sa table. Narinig ko pa ang hagikhikan nila sa pangunguna ni Gabby.

Pusta tayo nasa sahig na yan at naglulupasay na sa katatawa. "HAHAHAHAHAHA!" Ang lakas ng tawa niya grabe. Ang daming effects, feeling ko nga kasabay ng pagtawa niya may nalabas na kidlat eh.

***

Labasan na at aayain ko sana sina Lucy na mag-fishball kaso umayaw sila at kung ano-ano ang dinahilan.

"Samahan niyo ako magtutusok-tusok." Pagaaya ko pero inilingan nila akong walo nang sabay-sabay. Walo lang ha. As in Shawn, Amber, Haydee, Lucy, Yasmin, Crystal, Martial at Morice lang. Walanghiya kasing Jett, nagpaiwan sa classroom kasama si Keisha.

Anong magagawa ko? Pesteng yawa siya. Napairap na lang ulit ako nang maalala ko ang pagmumukha nilang dalawa.

"May lakad ako!" Sigaw ni Amber at tumakbo na agad.

"May date ako." Sabi ni Haydee at kumindat pa sa amin.

"Kasama ko si Shawn at Martial." Sabi ni Yasmin at hinigit na yung dalawa.

"My Shawmin and Yastial heart♡" Natatouch na sabi ni Gabby at nasa ere pa ang kamay.

"Mukha kang kalog." Pagkokomento ni Morice. "Oops. Gotta go!" Tumakbo siya ng mabilis palayo pero tumakbo na rin si Gabby papunta sa direksyon ni Morice. Another ship, pangalanan na lang natin silang, Moby or Garice.

"Oh ikaw anong idadahilan mo? Make sure kapani-paniwala yan ha." Mataray na sambit ko kay Lucy.

Tinitigan niya lang ako at ininguso yung nasa likod ko. Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Tristan.

Okay. Naniniwala na ako. Napangiti na lang ako ng otomatiko lalo na ng nakita ko kung paanong mabagal na naglakad si Lucy papunta kay Tristan at kung paano naipakita sa mukha ni Trsitan ang pagkainip.

Napailing na lang ako at pumunta na sa fishballan. Ang daming taong nakapalibot doon kaya sumiksik ako.

Bigla namang may tumulak sa akin mula sa mga tao kaya sumigaw ako ng malakas. "Huwag niyo akong ipagtulakan. Oo na, nahulog na ako sa kanya. Tama na!" Inis na sigaw ko at marahan na kumuha ng stick at agad na timusok ng kwek-kwek.

"Kuya isa!" Sabi ko. "Tsaka nga po palamig." Inis na banggit ko.

"Ilan?" Tanong ni kuya manong.

"Kuya ilan ba ako? Magisa lang ako kuya, malamang isa lang. Iniwanan ako nong nanliligaw sa akin eh. Pinagpalit ako don sa ex crush niya. Di hamak naman na mas gusto ko siya kesa sa babaeng yon." Mataray na sabi ko at nagtusok naman ng tatlong fishball na magkakasunod.

"Kingina mong paasa ka. Ayoko na sayo." Pagtusok ko sa isang fishball.

"Kingina mo, umasa ako sayong manloloko ka. Ayoko na talaga sayo!" Pagtusok ko pang muli.

Sa panghuling tusok ko ay isinigaw ko na lahat ng gusto kong sabihin. "Kingina mo, Jett. Gusto kita tapos papaasahin mo ko. Ayaw ko na talaga, paynal na. Liligaw-ligawan mo ko tapos hindi mo paninindigan. Asan ang hustisya. Alam ko namang hindi mo sinabing gusto mo ako, sabi mo lang pwede ba akong manligaw pero automatic naman siguro yon diba?! Kase di mo naman ako liligawan kung hindi mo ako gusto--" hindi ko na natapos ang litanya ko nang may manghalik sa akin sa pisngi. "AMPOTA!"

Agad akong napalingon sa tabi ko at nakita ko si Jett na nakangising nakatingin sa akin. "Gusto kita." 2 words lang yon pero tarantadooo kinikilig ako.

Nanghihina ako at nangingig. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko na naging dahilan ng pagtawa ni Jett at ni Kuya manong na nagtitinda ng fishaball.

"Ineng siya ba yong manliligaw mo na iniwan ka?" Nakangiting sabi ni Kuya manong. "Mukha namang gustong-gusto ka ah."

"AYIEIEYIEIEE! POTA! KINIKILIG AKO!" Sigaw ni Yasmin sa hindi kalayuan. Kasama na niya ngayon ang siyam na kaibigan ko (plus tristan) at lahat sila ay nakangiti sa amin.

"Ganon na ganon dati si Lucy at Tristan eh." Sabi ni Haydee kay Amber. Sumulyap pa yung dalawa kay Tristan at Lucy.

Napangiti lang ng patago si Tristan at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Lucy at itinago sa bulsa ng jacket niya.

"Kinikilig ako! My ships are sailing!" Sigaw ni Gabby at tumalon-talon pa.

"Grabe! Hahaha." Sabi ni Shawn at iyon lang ang naiambag niya sa chapter na ito.

Bumalik lang ako sa reyalidad ng may magtapat sa akin ng cup na may laman na mga kwek-kwek, fishball at kikiam.

"Oh." Abot sa akin ni Jett. Pinipigilan ko naman ang sarili kong tumili dahil takte may pride pa rin naman ako at sa pocket books ko lang 'to nababasa.

Naglalakad na kami patungo sa direksyon nina Lucy nang biglang maramdaman ko ang pagsiklop ng kamay ko.

Napatingin ako sa kamay namin ni Jett. "Gusto nga sabi kita." Naramdaman ko ang papel na nakapaloob sa kamay ko kaya't ibinuka ko ito.

Pandak ka lang talaga kaya hindi mo nakikita ang nararamdaman ko.

Gusto kita

Ang ganda! Ang gandang itapon. May pashading-shading pa siyang ginawa pangit pa rin naman. Lyk gumamit pa siya ng sosyalin na lapis kung ganyan lang din naman ang outcome like duh.

"Kingina layas! Bawal may jowa dito!" Sigaw ng isang babaeng hindi namin kilala. "Respeto sa single." Ang hindi namin alam ay siya pala si Ashlyn, ang babaeng magpapagana sa isang siopao na slow.

Pero sa ngayon, binabawi ko na ang sinabi kong ayaw ko na kay Jett. Gusto pele eke hihe.

-킅-

meh ship ver. 2

Binabalik ko lang ulet. Dinedelete e.

-Hayds

DS SCENARIOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon