Nakapikit ang mga mata ko habang ang dalawang kong kamay ay nakalagay sa sentido ko.
HOW I LOVE MATH!! I LOVE HATING MATH!
Nasa mtap competition ako ngayon at nagsosolve ng isang question na sobrang dali. Sa sobrang dali parang mahihimatay na ata ako sa pagkahaba ng solution.
Tinatapik na ako ng katabi ko kaya't nagmulat ako ng mata. Ininguso niya ang mga kalaban namin, specifically yung 'KyotSiA Integrated Highschool'
Chill lang na nagsosolve ang babaeng may mahabang buhok na nagalaw-galaw ang kamay. Lucy ata ang pangalan niyon.
Samantalang ang katabi naman niyang lalaki ay nakasandal lang sa upuan niya at hawak ang kaniyang papel na pabiro-birong nagcocompute.
Like sana all matalino.
Nagtuloy lang ako sa pagsasagot at halos lahat ata ng braincells ko ay naubos.
1st year non nung una kaming magkalaban. 3rd lang kami pero ayos na. Nakakaubos ng dugo ang laban na iyon.
Proud na proud noong naglakad si Benedict sa stage habang nakatungo lang si Lucy sa isang tabi at ang kanilang isa pang kasama na nakangiti lang sa paligid.
***
Second year at hindi ko inexpect na magkikita ulit kami sa kumpetisyon na ito. Hindi dahil hindi sila matalino, dahil himalang nakapasok ulit ako.
Ilang balde ng cells ang iniluha ko para lang makapasok sa letcheng mtap na 'to.
Nagkatabi-tabi pa kami noon. At nginisian ako nong Benedict.
Nag, "Tss." pa siya sa harap ko noon at kitang-kita ang pagtaas ng noo niya noong dumaan sila harap namin.
Dahil sa gigil ko ay isinumpa ko ang lalaking iyon. Matatalo ko siya.
Kaso sa pangalawang pagkakataon. Binigo ako ng tadhana at nawalan pa ng place.
Paano ba naman? Tama na sana ang sagot namin kaso nakita ko ang sagot nila na 7x tapos lyk siraulo pinabago ko yung sagot namin.
TAPOS TAMA NA YUNG TOTOO NAMING SAGOT! LIKE GUSTO KO NA LANG MURAHIN NG MARAMING BESES SI BENEDICT NA MAS LALONG LUMAWAK ANG NGISI.
TAKTE! IT'S A BAIT!
Computation lang pala niya iyon at iba talaga ang sagot niya. Nahulog ako sa patibog niya.
Pagkatapos ng laban ay agad akong dumiretso sa canteen ng school na nilalabanan namin at gigil na gigil na nagreklamo sa mga kasama ko.
"Tama na sana tayo eh!" Gigil na sabi ko. "Kaso peste yang animalistic na yan! Nahulog ako!"
"Nahulog saan?" Akala ako ay ito ang aking isa pang kasama kaya gigil akong sumagkt habang hindi pa rin humaharap sa kaniya.
"Sa patibong nung pesteng pandak na taga-KYAIS."
"Ahh." Naguluhan naman ako sa narinig kong boses. "Akala ko kasi nahulog ka sa akin." Tuluyan na akong humarap at napahinto ako sa aking kinatatayuan.
SIRAULO! SI BENEDICT. NAKANGISI KASAMA ANG KANIYANG DALAWANG ABUBOT NA SI LUCY AT SI HAYDEE (wag niyong kinukwestiyon kung pano ako nakapasok sa mtap, mga animalistic kayo po)
Sumimsim siya sa minute maid na hawak niya at nagtaas-baba ng kilay at kinawayan pa ako bago tuluyang lumisan.
isangdaang mura para sayo
***
At sa pangatlong pagkakataon, siya nanaman ang nakalaban ko.
Takte, through the years hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya. Hindi ba siya napapagod? Mapapangiwi na lang talaga ako eh.

BINABASA MO ANG
DS SCENARIOS
Randomdahil siraulo kayo! wag kayong magkalat don sa mismong story. dito kayo manggulo -hayds da opesyal kyotie