Amber's Point Of View
Sa pagiyak ko ng maraming beses, namamanhid na ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat maramdaman. Magalit, malungkot o masaktan? O all of the above.
Benedict, my first everything and I was his first too. Love, kiss, relationship, date, promise, hug at lahat na. But why did I ended up being the epilogue when I started being the prologue.
Lahat ng sakripisyo, challenges nalampasan niya ng kasama ako or so I thought. Ako ba talaga ang nakasama niya sa lahat o baka naman sa worst ko lang siya nakasama at sa mga memories na akala ko ay best pero hindi naman talaga best sa kanya.
Bakit ngayon ko lang narealize na sa una pa lang ay si Haydee na talaga. Bakit hindi ko nakita na hindi talaga ako ang mahal niya?
Am I really that blind? Did I closed my too tight?
Dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin si Benedict.
Malungkot akong ngumiti nang mataman ang nakangiting si Benedict habang nakatingin kay Haydee. "Isang sabi mo lang ng mahal mo pa ako, ipaglalaban kita kahit mali na." Mahinang sabi ko.
***
Haydee's Point Of View
Hindi ko naman inaasahan na ako ang ikakasal. Hindi naman talaga ako dapat ang ikakasal.
I was with Benedict through worst and good times. I saw him cry, smile and laugh through the years but I know I am not his happiness.
Hindi ko lang maiwasan na balikan ang mga alaala na kinimkim ko sa loob ko. I never loved him and I will never love him kaso kailangan
..para sa bata
Si Amber naman talaga ang mahal. Nakakatawa lang na walang nagexpect na ako ang ikakasal. Na ako ang makakatuluyan niya. The kikay girl na dakilang chismosa and the pandak boy who hates english. Sinong magaakala na maghihiwalay itong dalawa at ako pa ang dahilan.
I suddenly smile when I remember na ako ang dahilan kung bakit naging sila at ako rin ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.
Naramdaman ko naman ang tingin ni Benedict sa akin kaya tiningnan ko siya at nginitian pabalik.
"You'll be okay." Pareho naming banggit ng walang boses. Alam kong nasasaktan din siya, ako rin naman. Kaso wala kaming magagawa.
Ako naman ang kakanta ngayon. "Kingina, pengeng mic! Ako ang kakanta." malakas na sigaw ko at maangas na naglakad sa direksyon ni Amber na malungkot na nakangiti habang pinipigilan na umiyak.
Nanginginig niya iyong binigay sa akin.
"Para sa'yo 'to." Sabi ko sa hangin.
1
2
3
"Siya ba ang dahilan
Kaya ako ngayo'y iiwan
Siya ba ang dahilan
Kaya di mo na ako kailangan
Siya na nga ba ngayon
Ang bago mong mahal~"
First verse pa lang yan pero nakita ko na ang pagiyak ni Amber sa isang tabi. Gusto kong matawa pero ako pala ang kontrabida dito kaya wag na pala.
Pinikit ko ang mata ko at dinama ang kanta. Parang tanga, bakit ako naiyak?
Di ko naramdaman na may tumutulo na pa lang luha sa mata ko. Oh right, kaya kayo nagkamali ni Benedict dahil nareject ka, nalasing.
Kahit mali sa lyrics, sa tono at ibang kanta 'to. "I WILL ALWAYS LOVE YOU!~" malakas na pagkanta ko at biglang napaupo sa sahig.
Masakit pa rin pala, pagnapapapaupo ka sa sahig. Kingina, sakit sa pwet.
Nakapikit ako at naramdaman ko namang may yumuyugyog sa akin.
"Langya, gising na, Haydee. Late na tayo sa kasalan." Malakas na sigaw ni Crystal sa tenga ko. Napakurap ako at napatingin sa paligid. Nasa loob ako ng trycicle at nakasuot ako ng kulay violet na gown.
Ow shet, nanaginip nga pala ako. Kengens, ako nga pala ang maid of honor. Napailing na lang ako at malapad na ngumiti at paeleganteng bumaba ng kotse.
"Siraulo, mukha kang tanga." Ngiwi sa akin ni Jett at itinulak na si Crystal. "Tabi nga!"
"Aray, kingina mo!" Sigaw pabalik ni Crystal at sinakal si Jett.
"Amp! Bitawan mo ako!" Pagmamakaawa ni Jett.
"Lolo mo." Ngiwi ni Crystal. Binitawan naman siya ni Crystal at nilayuan.
"Mahal kita." Biglang sabi ni Jett at niyakap sa likod si Crystal. Sabay halik sa tuktok ng ulo.
"Kingina, galawan 101 eh. My innocent eyes." Sabi ko pero kinikilig naman ako. Tuluyan na akong pumasok sa simbahan at nakita si Benedict na kinakabahan mula sa unahan. Oh malabo pa mata ko niyan ha.
Ngumiti ako ng malaki sa kanya. Maya-maya pa ay nagsimula na ang seremonyas at gandang-ganda naman si Amber sa sarili niya pero ako naman talaga ang pinakamaganda.
At ayon na nga ang iniintay ko sa lahat. Napangiti ako ng malaki.
"I do." Matamis na sabi ni Benedict.
"I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride." at ayon na nga. Nangyari na ang inaasahan ko at napasigaw ako ng malakas sa kilig at diri.
"HAYDEEEEE!!" Malakas na sigaw nila. Napa-peace sign na lang ako at kumindat sa kanila.
Tumingin ako sa bestman ni Benedict at inirapan iyon. Hinayupak ka, ikaw ang nangreject sa akin.
And they lived happily ever after.
—킅—
______________________________________May happy ending naman pala ang Benber eh. HAHAHAHA PERO SINO MUNA YONG NANGREJECT SA KAKYOTAN NI HAYDS? Ang ganda nong plot twist no.
Subukan niyong mag-hindi HAHAHAHA.
-Hayds
BINABASA MO ANG
DS SCENARIOS
De Tododahil siraulo kayo! wag kayong magkalat don sa mismong story. dito kayo manggulo -hayds da opesyal kyotie