"Yasmin tara na!" Sigaw ni Amber sa bintana ng classroom. Nakadungaw siya doon at tarantang-taranta na. Parang uod na binudburan ng asin eh.
"Teka nga lang!" Sigaw ko at inayos ang gamit ko. Naglagay ako ng kaunting pulbo.
"Bilisan mo, Yas! Magsisimula na!" Sigaw ni Crystal at nauna nang tumakbo pababa ng hagdan.
Kumunot naman ang noo ko sa inasta ni Crystal. Atat na atat lang manood ng basketball game?
Ikaw rin naman, Yasmin. Kaya ka nga nagpapaganda diba? Psshh. Lumabas na rin kami nina Haydee.
"Pagbigyan mo na." Bulong sa akin ni Hayds.
"Minsan lang makasali si Jett sa basketball, bwahahaha. Excited na yung makitang mapahiya yung boyfriend niya." Sabi ni Gabby at tawang-tawa sa iniimagine niya nanaman.
Luminga-linga ako sa paligid at napatigil nang parang may kulang.
"Si Lucy?" Napansin kong wala si Lucy sa tabi namin at tanging sina Shawn, Morice at Martial lang ang nasa unahan namin. Si Gabby at Haydee naman ang nasa likod.
"Sinamahan si Tristan. Tamang moral support lang din si Tristan sa mga asungot niyang kaibigan eh." Natatawang sabi ni Amber.
"Bangko lang din naman si Benedict ah." Pagsasabi ko ng totoo. Inilingan lang niya at imbis na magalit ay ngumiti pa siya ng malaki.
"Atleast player, nyahaha." Sabi niya at kumindat pa sa akin.
"Psshh. Underheight kaya yung jowa mo." Bulong ko na narinig naman ata nina Martial kaya't napatigil siya sa paglalakad at inuna ang pagtawa.
"Sige lang, mars. Kaya mo yan!" Sarkastikong sabi ko at hinampas pa ang likod niya. Kingina, bilisan niyo na. Maglalaro na yung asungot kong crush.
***
Nasa gym na kami at nowhere to be found ang mga kaibigan ko. Tanging si Amber lang ang nakikita ng mata kong matanglawin at hindi na nakita pa sina Morice.
Nakanguso akong umupo sa bleachers na malapit sa unahan upang may maganda akong view habang nanonood.
"Ay yes, present ang chix ni boss oh." Sabi ni Benedict habang nakaakbay kay Amber na mukhang sinasakal naman talaga niya.
"Sinong boss?" Painosenteng tanong ko.
"Ayan oh!" Turo niya sa likod ko kaya't agad akong lumingon.
Si Calyx. Nakasuot ng jersey at nakangiti sa mga tao sa paligid. May tulo ng pawis sa mukha niya ngunit nanatili ang freshness sa mukha niya.
Sana all.
"Gwapo 'no?" Nanunudyo na sabi ni Benedict.
Ngumiwi naman ako sa kaniya. "Gwapo pala eh. Bakit hindi mo syotain." Sabi ko.
Napairap naman ako nang makitang halos lahat nang makasalubong niyang babae ay kinakamayan niya. Ineentertain amp.
"Kalma, Yas, Hahaha!" Paghalakhak ni Morice. Tulong-tulo namang ang pawis sa mukha niya kahit may dala siyang electric fan na maliit.
"Saan kayo galing?" Takhang tanong ko. Nakita ko sa likod niya ang naglalakad na sina Gabby.
Mga nakasuot nang kung ano-ano. Mga muntanga. Si Crystal ay nauunang naglakad habang may hawak-hawak na pompoms at nakataas pa ang kilay na naglalakad. Ang taray talagang tingnan
BINABASA MO ANG
DS SCENARIOS
Randomdahil siraulo kayo! wag kayong magkalat don sa mismong story. dito kayo manggulo -hayds da opesyal kyotie