meh ship (6): lucy </3

29 0 0
                                    

'A bullet for his happiness'

"Mabubuhay tayo, Lucy." Matatag na sabi ni Tristan at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Tinanguan ko siya at nangingilid man ang luha ay sinubukan ko pa ring ngumiti. Walang panahon para maging mahina.

"Makakalaya tayo dito." Sabi niya, trying to encourage me. Encouraging me to be hopeful. Nginitian ko siya ngunit tuluyan ng bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko.

Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Bakas na bakas sa mukha niya ang matinding pagod, puyat, gutom at ang mga sariwang sugat na malalalim.

"Magaling, magaling!" Malademonyong halakhak ng babaeng kapapasok lamang, pumapalakpak pa siya. Ang puno't-dulo ng lahat ng impyernong ito. "Anong pakana 'to ha?" She said while looking at down at us.

All my inhibitions and last sane had all gone away. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong ilabas ang pighati at sakit ng nararamdaman ko.

"Isa kang traydor!!" Nanggigil na sabi ko. Mas natrigger ang mga luha ko nang makita ko na wala man lang kahit isang bahid ng awa na mababakas sa demonyong nasa harap namin ni Tristan. "Demonyooo!!"

"Matagal na." Ngumisi pa siya at dahan-dahang binunot ang baril sa kaniyang tagiliran. "Traydor man ako. Atleast magagawa ko naman 'to." At tumawa nanaman siya na parang nasisiraan ng bait.

Nagulat ako ng biglang sumeryeso ang mukha niya. Mula sa pagkakangisi ay mabilis na napaltan ang ekspresyon niya.

"Lumuhod ka, Lucy!" Sigaw ng babae sa unahan ko at itinutok sa ulo ko ang baril. "O papatayin kita ngayon mismo."

"Wala kang awa!" Sigaw ko at hirapang-hirapan nang makipagaway.

"Ako ba talaga?" Nagtatanong na sabi niya. Inikutan niya ako at marahang itinaas ang ulo ko. Nakatingala ako sa kaniya habang hawak niya ng mahigpit ang baba ko. "Ikaw dito ang demonyo, ikaw dito ang walang sinasanto."

Tumigil siya sa unahan ko at sumigaw muli. "Luluhod ka o uunahin ko 'tong isang 'to." Sigaw niya at hinila ang ulo ni Tristan at ikinalang sa braso niya.

"Isa!"

Huwag kang luluhod. You swore to never give in to a demon.

"Dalawa!"

Pakatatag ka, Lucy. Think of a way.

"Tatlo!" Kasabay ng pagsabi ng babae ay ang pagharang ko sa kinaroroonan ni Tristan. Mabilis ang pangyayari. Sa sobrang bilis ay tila bang bumalik ako sa alaala naming dalawa ng babaeng bumaril sa akin.

The way she smiled at us, the way she showed love and care. Was it really all an act? Was it really fake?

Ramdam ko ang impact at ang matinding pagkahilo. So this is how you feel when you've been shot right in the head? Hell, it hurts.

Sobrang sakit ng tama ng bala pero bakit mas masakit pa rin na trinaydor ka ng taong inakala mo'y kaibigan, na tinuring mong pamilya.

No matter how much blood is dripping. Bakit mas masakit pa rin na makitang tinalikuran ka ng kaibigan mo? Na hindi ka itinuring na totoo?

"Hey, Lucy." Pagtapik sa akin ni Tristan. "Don't give up."

"Fight. Matatag ka diba?" Sabi ni Tristan at tumutulo na ng sobra ang pawis niya. "I'd pe patient. I'd wait, I promise. Just please don't leave me."

Bagama't nanlalabo na ang paningin ko ay malinaw pa rin sa akin ang mga gusto kong sabihin at gawin.

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinawis ang mga luha at pawis na nagbabadya sa mata niya. "Stay strong."

***

And now I'm staring at my own grave. I'm not a spirit nor a ghost or whatever demon you imagine. Nasa may puno ako na medyo may kalayuan ngunit natatanaw pa rin ang puntod ko.

Buhay ako na inakala nilang patay. Kalkulado ng babaeng iyon ang mga ikinikilos niya at mukhang wala talaga siyang intensyon na patayin ako o si Tristan. Just to get me out of the frame.

After all, may konsensya pa rin naman pala ang demonyong iyon pero hindi ko lang matanggap na after 7 years. Babalik ako dito at masisilayan ko ang ngiti ni Tristan.

..habang may kasama ng iba, "So baka kaya nangyari ang nangyari."

Pinagmadan ko kung paano sila nakaupo malapit sa puntod ko. Paano mo nakakayang puntahan ang puntod ko kasama ang babaeng kulang na lang ay itarak sayo ang lahat ng maaaring itarak? Paano mo nagagawang ngumiti at maging masaya habang kasama ang babaeng muntik ng pumatay sa atin?

Malungkot akong tumitig sa kanila mula sa itaas ng punong itinanim ni Tristan noong ako pa ang babaeng mahal niya, noong naghihintay pa siya. "Ganon mo rin ako tingnan noon, hindi na nga lang ngayon." At eto nanaman ang mga luha na magsisipatakan nanaman.

In another life, I'd still be yours; your girl even if you're not mine anymore.

Masakit. Sobrang hapdi. Akala ko kasi hihintayin mo ako. Akala ko kasi walang magbabago. Akala ko kasi ako pa rin. Akala ko kasi walang katapusan yung pagmamahal. Kasi yun yung ipinangako mo.

"Mamahalin pa rin kita sa malayo." Tanging nasambit ko kahit alanganin ako na magbitaw ng salita. Saka sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha ko habang nakangiting tinatanaw si Tristan na sobrang saya habang nakatitig sa babaeng pinakamamahal niya.

A bullet for your happiness, saving you is still the greatest decision in my life.

-킅-

medj lumayo sa orig plot na dapat walang kinalaman don sa killer yung makakatuluyan ni trestan pero ays na ren.

-kyotie♡

DS SCENARIOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon