Time skip...Irene's POV
Uwian na namin, at nakita kong nakatayo malapit sa gate si Adrian...
Lumapit ako sa kanya ng may kasmang ngiti.
"tara?" tanong nya sa akin, at kumunot naman ako ng noo.
"saan?" pabalik kong tanong sa kanya.
"kain tayo sa labas. Libre ko." saad nya. Bago pa man ako makapagsalita, hinawakan nya ang aking pulso at agad na umalis sa eskwelahan..
Nicole's POV
"asan na si Irene?" tanong ko kila Rhea.
"saglit text ko sya." sambit ni Alliyah at agad nyang kinuha ang kanyang cellphone.
"mauna na daw tayo umuwi. Kasama daw nya si Adrian?" saad ni Alliyah...
"umm, okay. Tara na." sambit ko at nagsimula na kaming maglakad.
_______________
Irene's POV
Nandito na kami sa isang restaurant, at nakapag-order na din kami..
"dapat pala nilibre mo nalang ako sa malapit na isawan." sambit ko. Then he chuckled.
"bakit naman? Alam ko kapag galing sa maharlikang pamilya, di kumakain sa ganun na kainan." saad nya.
"oo mayaman kami. Pero pinalaki akong simpleng tao lang. Yung kuntento na ako kung anong meron ako." paliwanag ko sa kanya.
"alam mo, ngayon lang ako nakakilala ng isang babaeng tulad mo." sambit nya, at parang umiinit ang aking pisngi. Teka, namumula ba ako?
_____________
Adrian's POV
Napakasimpleng babae lang pala ni Irene. Akala ko isa sya sa mga babaeng wala nang ibang alam kundi ang magpaganda at mag-shopping. Pero sya? Ibang iba sya...
Naglalakad na kami papunta sa kanyang bahay, habang naglalakad kami, naisipan naming magusap...
Maya maya lamang ay nakarating na kami sa kinaroroonan nya..
"sige na. Magingat ka sa pag-uwi." saad nya.
"okay. Goodnight." sagot ko at nginitian nya ako.
"goodnight." sambit nya at agad na ako umalis...
____________
No one's POV
Hating gabi na, at halos wala nang katao-tao..
May lalaking tumatakbo sa isang alley, habang may humahabol sa kanyang babae.
Biglang tumigil ang lalaki sa pagtakbo ng may nakita syang pader sa harap nya..
It's a dead end.
"katapusan mo na." bulong ng babaeng naka-hood, at di sya nag-dalawang isip na saksakin ito sa likod..
"maglandian na kayo ng babae mo sa impyerno." bulong ng babae at tumawa ito ng malademonyo..
___________
Hey guys! Sorry for the wrong typos and grammatical errors, and sorry for the long update and short chapter. I've been very busy because of school activities.. Hope you understand. By the way, love you guys!!
YOU ARE READING
Who am I?
Mystery / ThrillerAno ang gagawin mo, kung may multiple personality disorder ka?