Chap. 07

0 0 0
                                    


Nandito ako ngayon sa kwarto ko, di ko parin matanggap na wala na sya. I mean, sa aming magkakaibigan sya ang pinaka close ko, parang ate ko na nga sya eh. Pero bakit sya pa? Out of all people na pwedeng biktimahin ng killer na yun, bakit si Mika pa?

Habang umiiyak ako sa kwarto, may bigla namang tumawag saken.

"hello Adrian?" saad ko habang halos mawalan na ako ng boses sa kakaiyak kanina.

"[" hello Irene-... Teka, umiiyak ka ba? "]

" umm, hindi. " saad ko habang pinahid ko ang aking mga luhang nanuyo na sa aking mukha.

[" neknek mo wag ka nang mag sinungaling."]

Sa totoo lang, napangiti ako sa sinabi nyang yun...

" Adrian, magkita tayo dun sa cafe na tinatambayan natin. May sasabihin ako. " paliwanag ko at dun na muli ako umiyak.

["sige, sige papunta nako"] 

["okay bye."]

Agad naman akong tumungo sa cafe, at nakita ko sya doon. Agad syang tumayo at niyakap ako. Inalalayan naman nya akong umupo, habang ako di parin tumitigil sa pag-agos ng aking luha.

"Mika... Was the next victim." ani ko

"w-what?! Putangina pat ba naman sya?!" aniya.

"o-out of all people. Bakit sya pa?" bulong ko. After awhile, napalaki ang akin mata sa naisip ko at tumingin naman ako kay Adrian.

"h-hindi kaya... May atraso sya dun sa killer kaya sya pinatay?" ani ko.

"Irene, psychopath yung killer na yon. Wala syang pinipiling biktima." saad nya. At napabuntong hininga na lamang ako.

"gusto ko nang mahuli yung salarin na yon. Para wala nang buhay na madamay pa." ani ko. At hinawakan naman ako ni Adrian sa balikat

"mahuhuli din sya. Magtiwala ka lang, Irene." aniya at tipid akong ngumiti

I don't know why but... Every time na nandyan sya sa tabi ko. I feel so calm.

____________

Nandito nako sa dorm, hinatid ako ni Adrian pauwi, at agad naman akong tumungo sa kwarto ko, agad ko naman sinalampak ang sarili ko sa kama. At biglang bumalik sa isipan ko ang masasayang ala-ala namin ni Mika.

Sa aming magka-kaibigan, parang sya ang pinaka-ate sa amin, kaya sobrang sakit para samen lalo na saken, na wala na sya...

Diko namalayang umaagos na pala ang luha ko, at biglang bumukas ang pintuan ng aking silid.

Lumingon naman ako at nakita ko sila Alliyah, Rhea, at Nicole

Napansin nilang umiiyak ako, kaya agad nila akong niyakap at nagsimula na kaming mapa-hagulgol

"magiging okay din ang lahat. Bibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ni Mika." ani Nicole

Si Nicole ang pinaka-matapang sa amin, wala syang inuurungang away. Kapag may gumalaw sa amin. Isang pitik lang lagot na sila sa kanya

Si Rhea naman, ang pangalawang ate sa aming magkakaibigan, kapag may problema ako minsan sa kanya ako lumalapit

Si Alliyah naman ang pinaka bunso sa amin, sya ang madalas kong nakakasundo kasi dalawang buwan lang ang agwat namen

Kahit magkakaiba man kami ng katangian, personalidad, ugali... Magkakaibigan parin kami

_____________

Kinaumagahan, napabangon ako bigla mula sa isang masamang panaginip

Hindi masyado maintindihan ang panaginip na iyon, pero madami akong naririnig na umiiyak, nagmamaka-awa or something

Pagtingin ko naman sa kamay ko,laking gulat ko nalang ng makita kong...

May dugo

Nangyari nanaman. Nangyari nanaman na sa tuwing umaga, lagi akong may nakikitang dugo sa kamay ko

Ano bang nangyayari?

______________

Adrian POV

Nasa police station ako ngayon kasama si dad, naguusap kami ngayon regarding dun sa case na matagal nang di pa naso-solve

"ayon sa aking research nasa tabi-tabi lang ang suspek." pag-uumpisa ni dad, dahilan para kumunot ang noo ko

"a-anong ibig mong sabihin dad?" tanong ko

"what i mean is, baka nagtatago ang suspek sa di kalayuan. Malay natin nagdi-disguise sya para di sya makilala." aniya

"paano natin malalaman kung sya na yon?" tanong ko

"sabi nila lagi lang syang nakasuot ng itim na hoodie at pantalon." sagot nya, at tumingin nalang ako sa kawalan.

Bigla namang nag-ring ang telepono ko at agad ko namang sinagot ito

"hello?" pag-uumpisa ko

[h-hello. A-Adrian... S-Si Irene t-toh] nauutal nyang ani habang humahagulgol

"oh napatawag ka-... Teka, bakit ka umiiyak?" tanong ko

[k-kailangan nating mag-usap.] sagot nya

_____________

Nandito kami ngayon sa parke, at tulad ng inaasahan umiiyak parin sya

"anong pag-uusapan natin?" tanong ko

"k-kaninang umaga, n-nakita ko yung kamay ko... May bahid ng dugo. H-Hindi ko alam kung saan galing ang dugo na yon, basta pag-gising ko nalang may dugo na ko sa kamay ko." paliwanag nya, at napalaki naman ang mata ko

"p-paano kaya nangyari yon?" bulong ko pero narinig nya

"hindi ko din alam." aniya

"malay mo... Nags-sleep walking ka, tapos biglang umano kamay mo sa kung anong matulis na bagay or something." ani ko

"tuwing umaga nalang nangyayari ito Adrian. Kung totoo man na nags-sleep walking ako, edi sana may mga sugat ako ngayon." aniya, may point naman sya don

At may biglang sumagi sa isipan ko, at tumingin naman ako kay Irene

"pumunta kaya tayo sa isang psychiatrist, baka dun natin malalaman ang sagot sa mga tanong natin." ani ko, at agad syang sumang-ayon

Sana hindi totoo yung kutob ko

___________

Sorry for the late update

Don't forget to vote and comment

Who am I?Where stories live. Discover now