Irene's POVNandito ako sa kwarto ngayon, nagre-review dahil may exams kami...
Habang nagre-review, biglang nag-ring ang cellphone ko
Tinignan ko kung sino ang tumatawag, at si Adrian iyon, agad ko namang pinindot ang green button at itinapat ito sa aking tainga bago magsulita
"hello?" pagsisimula ko
["Irene, anong ginagawa mo?"] tanong nya.
"nagre-review bakit?" tanong ko rin.
["ah, wla. Hehe, good luck nalang sa exams bukas. Sorry kung naistorbo kita sa pagre-review mo. Okay, goodbye."] Ani nya at agad binaba ang telepono.
_________
Nandito kami ngayon nila Rhea sa living room, nanonood ng palabas nang biglang lumipat sa balita
[" pasensya na sa pagabala sa inyong panonood, may nagbabagang balita na ang suspek daw ay nasa tabi tabi lamang. Magiingat po kayo lalo na ang mga bata. Salamat po." ]
Nasa tabi tabi lamang?
_________
Adrian's POV
Nandito ako sa kwarto ngayon, at naisipan kong tawagan si papa...
" hello, pa? " pag-uumpisa ko
[" oh, Adrian napatawag ka? "]
" umm, pa kailangan ko ng tulong mo. May kaibigan kasi ako na naging biktima dun sa krimen na nababalita ngayon halos 2 years na. Gusto ko syang tulungan sa paghahanap." pagmamakaawa ko.
["oh sige, we'll do our best para mahanap yung suspek."]
"really? Thank you pa!" pagkakasigaw ko at agad na binaba ang tawag.
Pagkatapos nun, agad ko naman tinawagan si Irene...
["bakit?"]
"Irene good news, tutulungan tayo ni papa na hanapin kung sino yung suspek!" sambit ko.
["anak ng tokwa... T-Talaga? Walang eme eme?"]
"walang eme eme." saad ko, at narinig ko namang sumigaw sya sa kabilang linya dahilan ng pagka ngiti ko.
["salamat Adrian! Salamat talaga! Ang swerte ko't nakilala kita!"]
Her words, easily makes me smile...
"wala yun Irene. Basta, para sayo. Sige na marami pa akong gagawin, bye!" saad ko at agad nang binaba ang tawag...
_______________
Irene's POV
Sobrang tuwa ko at tinutulungan ako ni Adrian ngayon..
Bumaba ako galing sa kwarto ko, at nagtaka naman ako kung bakit wala doon si Mika..
" oh, nasaan si Mika? " tanong ko sa mga kasama ko.
"may pinuntahan lang daw sya." sagot ni Alliyah..
"okay." sagot ko.
_______________
Kinabukasan....
Pagkagising ko bumaba agad ako galing sa kwarto ko, at nakita kong umiiyak sina Alliyah, at diko parin nakikita si Mika hanggang ngayon...
"oh, b-bakit kayo umiiyak?" utal kong sabi at tinuro naman ni Nicole ang TV at tumingin naman ako doon.
Laking gulat ko nalang na nasa balita... Ang patay na katawan ni Mika.
["isang dalagang natagpuang patay, alas-dose ng madaling araw. At isa rin sa mga nabiktima. Sinasabing pauwi na daw ang dalaga nun, nang mapatay sya.."]
Napaupo nalang ako sa sahig, at hinayaan ko nalang na magsiunahan ang aking mga luha...
Bakit nangyayari ito?
_________
And wuzzup guys! Sorry sa late update, grammatical errors, at wrong typos. Pramis gagalingan ko pa para sa inyo. Salamat sa pagbasa, at mahal ko kayo!
YOU ARE READING
Who am I?
Mystery / ThrillerAno ang gagawin mo, kung may multiple personality disorder ka?