Irene POVNandito kami ngayon sa waiting room, inaantay namin ngayon ang psychiatrist. Hanggang sa matawag ang pangalan ko, at nag-antay nalang dito sa upuan si Adrian.
Di ko alam pero... Habang papalapit na ako sa pinto, lumalakas ang pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba
"hello, Ms. Irene. Please, have a sit." alok ng psychiatrist, at agad naman akong umupo sa parang sofa
"ano ang maitutulong ko sa iyo?" tanong nito
"g-ganito po kasi yon... Tuwing umaga, nakikita ko nalang na may dugo yung kanang kamay ko. H-Hindi ko alam kung bakit. Parang gumagalaw ng kusa yung katawan ko habang tulog?" ani ko, at tumango tango na lamang ang psychiatrist
"hmm, ganito nalang. Gagawin natin ang hypnosis. Okay ba sayo iyon?" tanong nya, at tumango nalang ako kahit kinakabahan ako
Kumuha naman sya ng isang parang relo mula sa kanyang drawer, at saka tumingin sa akin
"sundin mo lang ito, and when i snap my finger, you will fall asleep." aniya, then she started to swing the watch. Sinundan ko lang ng tingin ang relo, at parang nakakaramdam na ako ng pagkahilo, and then she snapped her finger and i fell asleep.
Third Person POV
Kasalukuyan ngayong natutulog si Irene dahil sa hypnosis na ginawa sa kanya
"Irene... Ikaw pa ba yan?" kalmadong tanong ni Ms. Sanchez ang psychiatrist
"hinde..." sagot ni Irene, at agad na kumunot ang noo ni Ms. Sanchez
"k-kung ganon... Sino ka?" tanong ni Ms. Sanchez
"ako... Ang second personality ni Irene... At oo, ako ang suspek sa pagpatay sa kanila. Kaya tuwing umaga, may bahid ng dugo sa kamay si Irene, at tuwing hating gabi akong pumapasok sa utak nya." ani ng 'second personality' ni Irene. At napalaki naman ang mata ng psychiatrist
"at mamayang hating gabi... May bago nanaman akong bibiktimahin. At kung ako sa kanya, dapat mapigilan nya ako." ani nung second personality ni Irene
Ms. Sanchez immediately snapped her finger, dahilan para maalimpungatan si Irene at mapaupo
"a-anong nangyari?" tanong ni Irene, at agad na hinawakan ni Ms. Sanchez ang magkabilang balikat niya
"Irene, listen to me... May multiple personality disorder ka, at yung second personality mo... Ang pumapatay tuwing hating gabi sa alley way. And you need to stop it, kundi may mamamatay ulit." mahabang litanya ng psychiatrist, at nagsitaasan na ang balahibo ng dalaga
" don't worry... Tutulungan kita. " ani Ms. Sanchez
" s-salamat po, Ms. Sanchez. " sagot ng dalaga
"Andy, Andy nalang itawag mo saken." ani Ms. Sanchez
_________
Lumabas na ng office ni Andy, si Irene. At agad namang tumayo si Adrian
"ano nangyari?" tanong ni Adrian
"Adrian... May multiple personality disorder ako." mangiyak ngiyak na sagot ng dalaga, at napanganga naman ang binata, agad naman nyang niyakap si Irene
"at kailangan ko daw pigilan iyon, para wala na syang isusunod na inosenteng tao." ani Irene, at agad na naguluhan ang binata
"s-sinong sya?" tanong ni Adrian
"ang second personality ko... All this time, sya pala- i mean, yun pala ang pumapatay, at ginagamit nya lang ang katawan ko." paliwanag ni Irene
"tutulungan din tayo ni Ms. Sanchez." dagdag ni Irene
Irene POV
Di parin ako makapaniwala
So all this time? Edi parang ako na din ang pumapatay
No, Irene. Yung second personality mo ang may kagagawan ng lahat ng ito
Binanggit ko din sa mga kaibigan ko ang tungkol dito, at handa din silang tumulong
11:57pm na, kaya agad na kaming umalis ng dorm at tumungo na sa alley kung saan 'nya' ginagawa ang pagpatay
Nakarating na kami sa alley, at nandun na din sina Andy at Adrian
"okay, pagsapit ng alas-dose. Dun na sya aatake. Kailangan mo 'syang' pigilan, para wala syang mapatay." paliwanag ni Andy at tumango naman ako
Tumingin naman ako sa relo ko at saktonf alas-dose na ng hating gabi, at may naririnig kaming mga paang naglalakad patungo dito sa alley, kaya agad nang nagtago sina Andy, at eto ako nakatayo sa gitna ng alley
Isang dalagang patungo dito sa alley way, kaya inihanda ko na ang aking sarili. Ngunit bigla nalang nandilim ang paningin ko, parang wala akong makita. At narinig ko naman sina Adrian na sumigaw at dun na ako biglang nawalan ng malay
__________
Dahan-dahan kong ibinukas ang aking mga mata, at nakita ko namang nakapaligid sina Adrian, Rhea, Alliyah, Nicole, at Andy. Kahit nahihilo, ay pilit ko parin umupo, pero buti nalang inalalayan ako ni Adrian
"a-anong nangyari?" tanong ko
"hindi mo na-control. Irene... Napatay mo yung babae..." ani Nicole, kaya napahawak nalang ako sa aking bibig sa sobrang gulat
"p-putangina, di nga?" bulong ko, pero sapat na iyon para marinig nila
"totoo ang sinasabi ni Nicole." ani Alliyah, kaya diko na mapigilang maluha
I just took, an innocent person's life..
__________
Author's note:di talaga ganun ang sistema ng multiple personality disorder, iniba ko lang yung version. And as i said, this is just work of fiction
Don't forget to vote and comment

YOU ARE READING
Who am I?
Bí ẩn / Giật gânAno ang gagawin mo, kung may multiple personality disorder ka?