2 years ago...Isang madilim at tahimik na gabi, may mag-asawang naglalakad sa isang madilim na alley. Nang maramdaman nilang may sumusunod sa kanila.
Pagkalingon nila, may nakita silang babae, di makita ang kanyang mukha dahil natatakpan ito ng hood...
Matapos na mahabang titigan. Binaril ng babae ang mag-asawa.
Napangisi ito at tumawa ng maladimonyo dahil sa dalawang bangkay na nakikita nya ngayon, lumuhod sya at kumuha sya ng kaunting dugo gamit ang kanyang kanang kamay.
______________
Present day...
Irene's POV
Nagising akong pawis ang mukha at hingal na hingal.
At nakita ko ang aking kanang kamay.. May dugo?
Di ko nalang ito pinansin at tumungo nalang sa banyo para makapag-ayos, since may pasok ngayon.
Nakatira kami sa isang dorm kasama ang mga kaibigan kong sina Rhea, Alliyah, Nicole, at Mikaela.
__________
"good morning." bati nila sakin.
"good morning." bati ko sa kanila at tumabi kay Nicole. At nag-umpisa na kaming kumain.
_________
Nakarating na kami sa school, at dumiretso muna kami sa principal's office para kunin ang aming schedule.
"nice,music ang first class natin." sambit ko.
"tara na. Baka ma-late pa tayo nyan." saab ni Mika kaya pumunta na kami sa aming classroom.
Pagpasok namin dun, ang ingay na naririnig namin kanina ay napalitan ng katahimikan nung nakita nila kami. Napunta ang atensyon nila samin.
Nang may nakita kaming bakante sa likod, nagpasya kaming dun nalang umupo. Pero, nung papunta na kami sa likuran, may bigla kaming naririnig na nagbubulungan.
"mga baguhan ba yan?"
"baka, ngayon ko lang sila nakita ehh."
"pfft! Akala mo naman magaganda."
"mukha namang malalandi-"
Napatigil ako sa sinabi nung babae, kaya hinarap ko sya at hinampas ang table nya dahilan para tumahimik ang buong classroom.
"Rene." Rhea mumbled.
Tinaasan ako ng kilay nung babae, at ngumisi.
"baguhan palang kayo pero ang tatapang nyo na, kilalanin nyo muna yung kinakalaban nyo-" di ko na sya pinatapos nang bigla akong nagsalita.
"kilalanin mo rin yung kinakalaban mo. Oo baguhan kami dito, pero wala kaming pakialam. Di kami katulad ng mga ibang transferee na pagti-tripan ninyo. Ibahin nyo kami. And if i were you.... Shut. Your. Damn. Mouth." sambit ko sa kanya may pagkamadiin ang aking boses.
Halata sa babae ang pagkakatakot sa kanya mukha. At bigla syang napalunok.
" kaya mo rin naman pa lang tumahimik. " dagdag ko pa, at pumunta na kami sa upuan sa likod.
Pagkatapos ng ilang minuto, pumasok na yung teacher.
"okay, i see na may bago tayong makakasama sa klase natin. Would you please come in front so you could introduce yourselves?" sambit ng teacher. At agad kaming pumunta sa harap.
"ako si Rhea Mae Globa. Rhea nalang." nahihiyang sambit niya.
"ako si Alliyah Go." masiglang sambit ni Alliyah.
"ako si Mikaela Dilig." nakangiting sambit nya.
"ako si Nicole Chavez." she said while crossing her arms against her chest.
"Irene Castillo." i said coldly.
And i can see in the corner of my eye, that someone's staring at me. I looked at the person, and it's a guy who's staring at me.
Jusmiyo marimar ang pogi..
"nice meeting you girls, pwede na kayong bumalik sa inyong kinauupuan para makapag-umpisa tayo ng lesson." sambit ni Ma'am kaya agad kaming pumunta sa aming mga upuan.
_____________
Recess time na, at napagdesisyunan kong maglibot muna sa school. Nang may narinig akong nagpa-piano sa music room.
Sumilip ako sa music room, at parang familiar yung nagpa-piano...
Sya yung lalaki kaninang tumititig saken kanina...
YOU ARE READING
Who am I?
Tajemnica / ThrillerAno ang gagawin mo, kung may multiple personality disorder ka?