I groaned, nang mabasa ko na yung post sa PASF, yung tungkol sa amin daw ni Daniel. Naiinis lang ako. Ano bang mukhang couple sa amin nung ugok na yun? E nagpapatutor lang naman ako kasi may goal ako.
Nagpapatutor ako kasi gusto kong malagpasan yung expectations nila mama sa akin. Lagi nalang nilang sinasabi sa akin na ayos lang kahit hindi na ako yung maghighest sa scores, pero napapansin ko naman na masakit para sa kanila na hindi na ako yung anak nila na laging top pa din.
Bakit nga ba naging ganito? Kasi masyado akong naging kampante kahit na alam kong may iba rin naman akong matatalino na kaklase.
I moved to the other side of my side, at tumambad naman sa akin yung Apeach ni Daniel. I pouted, at saka kinuha yun.
Sa totoo lang, feel ko naattach na ako sa Apeach na to. Gabi gabi kasi, kinakausap ko siya at sinasabihan ko ng mga bagay na hindi ko masabi kahit na kina Somi. Nakakalimutan ko pa nga minsan na kay Daniel talaga to, at hindi sa akin. Minsan din naman, dinedelay ko talagang ibigay sa kanya to dahil natatakot ako na wala na akong masabihan ng mga problema ko. Ang bata lang pakinggan, no? Pero yun ako, e.
"Apeach, alam mo ba, binibigyan ako ng problema ng daddy mo. Yung Dani K na yun, pinagkakamalan akong girlfriend niya kahit na napakalabo. Kung hindi ko lang kailangan ng tutor na hindi ako irereveal dahil nakakahiya yung malaman ng iba na nagpapatutor pala ako sa Maths this year, hindi ko naman guguluhin yung daddy mo e. Pero imbes na siya yung magulo, naguguluhan din ako dahil sa issues. Anong gagawin ko?" Sabi ko kay Apeach, at saka naramdaman na tumulo yung luha ko.
"Para akong tangang kinakausap ka, hahaha. Pero namimiss ko na yung mga reaction nila mama na talagang nabibilib sila sa achievements ko. Alam ko naman na pinepeke nalang nila yung reaction nila ngayon para wag akong masaktan, e." Dagdag ko pa.
Niyakap ko naman si Apeach, at saka dun na ako mas napaiyak.
"Anong gagawin ko? Natatakot akong pumasok. Natatakot ako na baka mawala na din sa akin kahit kalayaan ko," sabi ko.
Nakarinig naman ako ng katok sa pinto ko, kaya napaupo ako bigla. Kinumutan ko nung peach na kumot ko si Apeach, at saka pinagbuksan na ng pinto yung kung sino man ang kumatok matapos na punasan ang nga luha ko.
"Aerin, are you crying?" Tanong ni mama, at agad naman akong umiling at saka nginitian siya.
"Si mama naman, mukha ba akong palaiyak?" Sabi ko, at nagshrug naman siya saka humigop sa cup ng tea na dala dala niya.
"Alam mo anak, nung nag aaral din ako, pinipilit kong abutin yung pinakamataas. Pero nung bumababa yung grades ko, nakilala ko naman si papa mo. Si papa mo yung nagbigay sa akin ng lakas at inspirasyon, kaya naman imbes na dagdag review at anuman yung nakatulong sa akin, nakatulong sa akin yung papa mo," sabi niya which made me furrow my brows.
"Ano pong nais niyong iparating nyan?" Tanong ko, and she smiled at me as she caressed my hair.
"Don't focus too much on your studies to the point na para ka nang robot na umaasam ng pinakamataas na grades. Have fun with friends too, and find love. Maybe, sa school mo rin makilala ang prinsipe mo," sabi ni mama, and I bit my lip.
She knew exactly just what I wanted. Comfort from her, from my mum.
I guess I'd be spending more time with my friends. And what about love? Hahayaan ko muna yan. Kung darating, edi dumating. Kung hindi, then hindi.
Napalingon ako sa kama ko at nakita si Apeach, kaya naman napangiti ako.
Apeach, napagaan ninyo ni mama yung nararamdaman ko.
God, I'm such a softie.
![](https://img.wattpad.com/cover/191787118-288-k597633.jpg)
YOU ARE READING
softie ♡ kang daniel
Fanfiction[ wannatwoball series #1 ] "who would have known that the school's genius is a softie?" in which seo aerin discovers that kang daniel, despite coming off as manly, is actually a softie. cover by @venleyy