"Oh, break muna tayo. Shoot tayo bukas ng pang People's Choice Awards photos ninyo, ha?" Sabi nung isang magoorganize ng event.
Nakaupo ako sa may gilid, habang magkakasama naman yung mga magkakaibigan na candidates. Hindi kasi ako napuntahan nina Somi kaya mag isa lang akong nagpapahinga dito.
Yakap yakap ko pa si Apeach, dahil ayaw ko siyang bitawan. Anong ingat ko nalang sa kanya.
Uminom naman ako nung iced tea na binigay sa amin kanina, and then nagsigh. Tatayo na sana ako, nang makaramdam ako nang umupo sa tabi ko.
"Puta, sila na talaga. Nakita niyo ba yung kaninang umaga? Di pa kasi aminin, di naman tayo masyadong mambabash,"
Si Daniel nanaman. Nakangiti siya sa akin, kaya naman gusto ko siyang sabunutan. Kinakabahan kasi ako. For some reason, hindi ko alam kung paano ba ang mag act like a couple. Sabi ko nga, hindi pa ako nagkakaroon ng karelasyon sa buong buhay ko.
"Kinakabahan ka?" Tanong niya, kaya naman napatango ako at saka nag iwas ng tingin.
"Sino ba namang hindi? Hindi ko alam paano mag-act," bulong ko, sabay yakap kay Apeach.
Lumapit naman siya sa akin kaya inilayo ko si Apeach, sa pagaakalang kukunin na niya yun. Tumawa siyang kaunti, saka umiling.
"Just follow my lead. Di kita papabayaan,"
Tangina?
"GOD COUPLE, TAMA NA MUNA YAAAAN, PRACTICE NA,"
"Nakooo, nakooo, may nanalo na!"
Nginisian ako ni Daniel, kaya naman I grimaced and turned away. Tatayo na sana ako, kaya lang ay bigla siyang nagsalita.
"What do you mean by pinapatigil kang umiyak ni Apeach?" Tanong niya, kaya naman natigilan ako.
Bakit ko ba kasi sinabi yun?
"Ayoko sabihin," sabi ko, but he looked at me disapprovingly.
"E bakit ayaw mo siyang ibigay sa akin?" Sabi naman niya, in which I bit my lower lip.
Pwede naman akong bumili ng Apeach ko, yung kagaya nitong kanya, pero hindi ko kayang ilet go yung Apeach niya. We connected every night na kasi, and Apeach became my rock.
Bakit nga naman ba kasi ako nagrely sa Apeach na hindi naman sa akin?
"B-Basta," sabi ko, pero tumayo na rin siya saka nilapitan ako.
"Daniel, Aerin. Practice na,"
"Actually, sir, pwede po ba kaming magskip ng practice ngayon? Alam naman na po naming dalawa yung drills nito," sabi ni Daniel, holding my wrist, na siyang nagsend ng sparks.
Pota?
"Um, uh, osige. Basta't bukas ay practice rin natin, half day,"
♡♡♡
SOMI JEON
active now •somi
gags, bakit kayo
nasa cafe ni danik
e may practice yung
mga reps? natanggal
na ba kayo? hala?aerin
hindi, hahaha.
bastaaaa.somi
hay nako girl.
for sure kayo nanaman
sana mananalo if
magpractice kayo e.aerin
hindi rinnnsomi
okay so nandito kami
ni daehwi sa same
cafe pero nagkatinginan
kami ni danik. gotta go!aerin
la?♡♡♡
"Kachat mo si Somi?" Tanong ni Daniel, kaya naman itinago ko yung phone ko at saka nginitian siya ng nahihiya.
"Kakachat lang," sabi ko, and he sighed then leaned back on his chair.
"Tell me, may problems ka ba? Bakit si Apeach ayaw mong pakawalan?" Sabi niya, kaya naman nag iwas nanaman ako ng tingin.
Hindi ko yata kayang sabihin sa kanya.
"Do you trust me?" Tanong niya, at sa totoo lang, hindi ko alam ang isasagot ko.
Sino ba siya sa buhay ko? Siya lang naman si Daniel Kang na napagtripan ko dahil sa Apeach niya, na ginawa kong tutor pero ngayon fake boyfriend ko din. Although hindi naman kami mukhang couple.
Pero bukod dun, so far naman ay hindi siya ganung totally nagrereklamo. He does my requests at sa tingin ko naman kahit paano ay kaibigan ko na siya. Kaunti.
But then he saves me. He doesn't care about what they say wag lang akong malugmok sa mga maissue niyang fangirls.
And now, do I trust him?
"Yes,"
And so I told him about myself not caring about the consequences.
YOU ARE READING
softie ♡ kang daniel
Fanfiction[ wannatwoball series #1 ] "who would have known that the school's genius is a softie?" in which seo aerin discovers that kang daniel, despite coming off as manly, is actually a softie. cover by @venleyy