softie ♡ twenty two

23 1 1
                                    

"Ganyan nga! O, let's wrap it up, bukas nanaman yung practice," sabi nung baklang nagpapractice sa amin.

We all sighed in relief, saka nagsibabaan sa stage. Yung ibang girls, nagsama sama sila at yung boys naman ay nagsama sama din sa pagbaba. Ang eksena, mag isa ko lang na bumaba dahil wala si Daniel ngayon.

Ni hindi ko nga alam kung bakit wala siya sa practice. Last practice na namin bukas, and nagskip pa siya ngayon.

Nang makababa na ako ay nagulat ako nang lapitan ako nung ibang girls na candidates. Pwede kasi na maximum of three ang lalaban per section na, bahala kayo kung mix o puro boys or puro girls.

Nakangiti sila sa akin, and mukha naman na maarte yung iba kaya I bit my lower lip. Nako.

"Aerin! Hang out ka naman kasama namin, o! Ngayon lang, one hour lang tayo sa may cafe," sabi ni Sakura, yung isa sa ibang reps.

Nanggatong naman yung iba, kaya hindi ako makatanggi. Nagcheer sila nang pumayag na ako, pero inilibot ko pa rin ang mga mata ko sa paligid sakaling nandyan si Daniel.

Naalala ko pa yung messages niya sa akin kagabi. Paano ba ako makakapagconcentrate ngayon kung naaalala ko pa rin yung mga sinabi niya kagabi?

Tinignan ko ulit yun habang papalakad kami sa may cafe, kaya naman naramdaman ko ang pagbuhay ng puso ko. Bakit ganito?

♡♡♡
DANIEL KANG
active 16 hrs ago ¤

12:12 am

daniel
aerin? may sasabihin
ako sayo. pero wag
ka sanang magulat.

daniel
hindi ko rin naman
alam paano nangyari
yun, e.

aerin
ano ba yun? hating
gabi naman na, kang.
natutulog na sana kami
ni Apeach ngayon.

daniel
sana ako nalang
si Apeach, no? hahaha

daniel
kasi lagi mo siyang
nakakasama, sa kanya
mo nasasabi lahat.
niyayakap mo siya
at higit sa lahat, my
Apeach can make you
feel better.

daniel
gusto ko din na ako
yung someone na
maging ganun mo, e.
nung una naman,
naiinis ako sayo dahil
hindi mo ibinabalik
sa akin si apeach at
dahil sa anumang
nangyari nun, pero
ngayon nasanay na
ako sa presensya mo.

daniel
aerin, sa tingin ko,
totoong gusto na kita.
kinakabahan ako saka
lumalakas ang tibok
ng puso ko kapag
nandyan ka. kapag
kasama kita, palihim mo
akong napapasaya.

daniel
tawagin mo na akong
softie ulit. kasi yun ako,
yun na ako pagdating
sa mga bagay na may
kinalaman sayo. tangna,
aerin, ano bang ginawa
mo sakin?

aerin
god, daniel. hindi ko
alam yung sasabihin ko.
potangena naman, e.

aerin
kapag ba kinakabahan
ka at saka bumibilis ang
tibok ng puso mo sa tuwing
nandyan yung tao, sa
tuwing hinahawakan niya
yung kamay mo at napapasaya
ka niya ng hindi naman
sinasadya, ibig sabihin ba
nun, gusto na rin kita?

daniel
G A G O? SERYOSO
KA BA DYAN? wala
namang paasa o.

aerin
seryoso ako.

daniel
o paano pag sineryoso
kita, seseryosohin mo
din ba ako?

aerin
natatakot ako magmahal
daniel. hindi ko pa alam
kung paano tong mga ganito
cannot send

aerin
potangena, bakit ayaw?!
cannot send

aerin
ughh, i'm such a fucking
mess.
cannot send

NETWORK NOT AVAILABLE. TRY AGAIN LATER.

♡♡♡

Nang mabasa ko ulit yung usapan namin kagabi ay hindi ako mapakali. Hindi pa rin ako nakareply dahil walang signal. Nakakainis nga, e.

Nakaupo na kami ngayon sa cafe at may kanya kanyang nga inumin na. Nagkukwentuhan naman sila, at hindi ako makarelate. Magkakaibigan na kasi sila, e.

"Ah, oo nga pala, kayo ni Daniel, di ba?" Tanong ni Doyeon sa akin, at tumango naman ako.

Pero sa totoo lang, matapos nung kagabi, hindi ko na alam. Totohanan na ba to, o wala pa rin? Teka, wala naman kaming sinabi na totohanan na.

"Nag I love you na ba siya sayo?" Tanong nila sa akin, at mas lumapit naman sila sa akin.

Napayuko ako. Hindi naman.

"Hindi pa."

"Nagsend ng bouquet?"

"Hindi pa."

"Nagdate sa fine dining restaurant?"

"Hindi pa."

"Binigyan ng gift?"

"Hindi pa."

Nagtawanan naman sila, at naramdaman ko na napapahiya na ako sa kanila. Saka ko lang narealize.

Tinawag nila ako dito ngayon hindi para makipaghang out sa kanila, kundi para ibaba ang self confidence ko. Para ipamukha sa akin na hindi kami bagay ni Daniel, na hindi ako  gusto ni Daniel.

"Hindi ka naman yata mahal ni Daniel, e. Pampalipas oras ka lang yata-"

Nagtawanan pa sila, kaya naman agad na akong tumayo at saka tumakbo palayo sa kanila.

Paglabas ko ay saka ko lang narealize na umuulan na pala.

Bwiset naman e, wala akong payong!

Dahil dun, mas naiyak pa ako sa sitwasyon ko. Mukha ako ditong bata na iniwan ng nanay, o kung sino mang kinawawa.

Nanatili akong nakatayo sa gitna, habang basang basa na.

Putangina. Ang sakit pala. Ang sakit sakit.

"Aerin!"

softie ♡ kang danielWhere stories live. Discover now