softie ♡ twenty

31 2 0
                                    

DANIEL KANG
active now •

daniel
aerin, bakit di ka
pa bumababa sa
kwarto mo?

daniel
nandito ako sa inyo
saka kinakausap
ako ni mama mo.

aerin
anak ng tipaklong
naman daniel kang,
bakit ka napadpad
dito sa bahay saka
bakit mo kausap si
mama?
cleared

aerin
bakit ako bababa?
hindi na ako papasok!
bahala ka, bakit ka
nandito.

daniel
sinusundo kita, syempre.
by the way, ang sarap ng
cookies ni mama mo.

aerin
COOKIES? NAGBAKE PALA
SI MAMA? BAKIT HINDI KO
ALAM YAN?! HOY BURAOT
WAG MONG UUBUSIN YAN
BABABA PA AKO.

daniel
dalian mo, ubusin ko to.
seen

♡♡♡

Kahit na takang taka ako kung bakit sinusundo pa ako ni Daniel ngayon, at first time na mangyari yun sa akin na sunduin ako ng someone bukod kay Somi and Daehwi. Kahit naman kaclose ko si Jihoon ay never kaming nagsabay sa pagpasok at pag uwi.

Kinuha ko yung school bag ko kahit na mabigat saka agad na tumakbo pababa ng living room. Wala na akong pakialam sa chance na malaglag ako, kailangan ko ng cookies!

Pagkababa ko naman ay tumambad sa akin ang nakangiti na si mama, habang tumatawa si Daniel sabay kumakain pa ng cookies. Pota? Anong meron?

"Oh, Aerin, narito ka na pala. Hindi mo man lang sinabi sa akin na may kaibigan ka palang tulad ni Daniel," sabi ni mama, at napatingin naman ako kay Daniel na nakangiti lang din sa akin.

Kaibigan. So hindi niya sinabi kay mama na mag-on kami? Dahil kung oo, lagot ako nyan. Saka first time na may mamimeet si mama na boyfriend ko, ayaw ko naman na peke lang yun.

I smiled back, at saka tinignan yung plato ng cookies. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko kung anong nasa tabi ng plato ng cookies.

PHOTO ALBUM KO NUNG BATA PA AKO.

"MAMA NAMAN, E. BAKIT MO NAMAN PINAKITA SA KANYA YAN? NUNG MINSAN, KAY JIHOON. NGAYON KAY DANIEL NAMAN?!" sabi ko, at tumawa naman si mama.

"E, mas mabuti nang makita ng mga kaibigan mo yung kung ano ka nung bata ka. Ang cute mo nga, e," sabi ni mama, in which I groaned.

"Oo nga, ang cute mo dyan. Mukha kang teletubby sa mga ipit-"

"MAMA! INAAWAY AKO NI DANIEL!" sabi ko, at mas nagtawanan naman sila ni mama.

"Hijo, osige na, pumasok na kayo. Ingatan mo si Aerin, ha? Hindi kasi kasama si Changbin na pinsan niya sa school, e," sabi ni mama, kaya naman tumayo na si Daniel at nagbow.

"Sige po, papasok na po kami," sabi ni Daniel, at kumuha naman akong cookies sa plato bago kami umalis ni Daniel.

Paglabas na paglabas namin ay tumambad sa akin ang isang kotse, kaya naman tinignan ko si Daniel. Nagkotse pa talaga siya papunta dito?

"Sakay na," sabi niya, saka binuksan yung door ng passenger seat.

Kahit na naiilang ako, sinunod ko naman siya while he went to the driver's side. Seryoso naman sana ako, kaya lang ay may nakita akong mga maliliit na plushie ni Apeach na nakabitin sa may mirror saka nakapatong sa may likod.

"Softie-"

"Isang softie pa, ipapakita ko sayo kung gaano ako hindi ka softie-"

"D-Daniel!"

"HAHAHAHA-"

"Hindi ko isosoli si Apeach!"

"No, isosoli mo siya, sa ayaw at sa gusto mo,"

"Pano pag ikaw gusto ko? Ayieee, kiligin ka, Mr Produce! Ayieee, dali! Hoy, isang ngiti lang!"

Seryoso naman siya pero nang asar asarin ko siya ay ngumiti naman siya hanggang sa natawa na siya.

"Wag ako, baka seryosohin ko yan," sagot niya, kaya naman tumawa ako.

"Mas mahal ko pa si Apeach kesa sayo. Hmp,"

"Edi kay Apeach ka magpahatid-"

"Joke lang! Hehe,"

softie ♡ kang danielWhere stories live. Discover now