"Aerin, ano, sinabi ba niya sayo kung bakit?" Tanong ni Somi sa akin, kaya naman kinagat ko ang pang ibabang labi ko at saka umiling.
Nakakagago naman e. Kung kailan Mr and Ms Produce na, saka naman mangyayari to. Magpapatalo nalang yata ako.
Or ayoko nang sumali. Basta. Hindi na siguro. Bahala na sila dun.
Nandito na halos lahat ng kasali sa may makeup room, kaya lang ay hinihintay pa na makumpleto kami. Si Somi kasi, sabi niya ay siya na lang daw ang magmemakeup sa akin and to be honest, it looked fine.
Nanginginig ang mga daliri ko habang iisang bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Si Daniel kaya? Asan ba siya?
"Aerin? Luh?" Sabi ni Somi, kaya naman nagising ako sa katotohanan.
"Hindi ko alam-"
Parang dinurog ang puso ko. Akala mo ay kinuha to tapos tinapak tapakan pa ng bonggang bongga matapos na saksakin ng paulit ulit.
Totoo ba tong nakikita ko? Hindi naman sana, di ba? Sana magpinsan lang sila.
Si Daniel, pinupunasan ang pawis niya ng isang babae. And she is not just an ordinary girl. She is Chungha Kim. Dating nag aaral sa Produce Academy and judging by the uniform she was wearing ay bumalik na siya dito.
"Putangina? Si Chungha ba yun? At si Daniel? Ano to, nakipagbreak siya sayo para makipagbalikan kay Chungha?" Sabi ni Somi, kaya naman naramdaman ko na nangilid ang mga luha ko.
Napuno yung puso ko ng sakit at galit, kaya hindi ko na namalayan na tumayo na pala ako. Dala dala ko pa si Apeach, kaya naman I bit my lower lip at saka pumunta na sa lugar kung nasaan sina Daniel at Chungha. Wala akong pakialam kung may tumingin man sa amin.
Napansin siguro nila ako, kaya naman tinignan nila ako. Daniel looked at me as if he was warning me, kaya lang ay hindi ko pinansin yun. Wala akong pakialam. You are such a fucking heartbreaker, Mr Produce.
You are so fucking hard on my heart. You're not the softie I fell for.
"So this is it, Daniel?" Panimula ko, and he closed his eyes.
"Aerin, please," sabi niya, and saka ko lang naramdaman na tumulo na pala yung mga luha ko.
"Tangina naman, e. Minahal mo ba talaga ako o ginawa mo lang akong panakip butas mo?" Tanong ko sa kanya, kaya lang ay hahawakan na sana niya ako but I stepped away.
"Don't touch me," sabi ko, at saka pinunasan ang mga luha ko. "Minahal kita. Iniyakan kita dahil hindi ko alam kung saan ako nagkulang kaya ka nakipaghiwalay sa akin tapos kinabukasan makikita kitang kasama ang ibang babae?"
"She's my-"
"Oo, alam ko. Nauna mo siyang minahal sa akin. Pero diba dapat ako yung ngayon? Bakit siya pa rin? Panakip butas talaga ako, ganun? Rebound? Mamahalin kapag wala si Chungha?" Tanong ko and he wanted to say something pero hindi ko yun pinansin.
"Shut up, girl. Akin siya-"
"Edi sayo na. Sayong sayo na. Ayoko sa mga tao na aabusuhin lang pala ako," sabi ko, at nasa naramdaman ang panginginig ng mga tuhod ko.
Tumingin ako sa baba at nakita kong hawak hawak ko din si Apeach kaya naman ngumiti ako ng mapait.
"Oh, ayan. Kunin mo na yang si Apeach. Hindi ko na siya anak. Sayong sayo na siya. Wala na akong pakialam sa kanya. Pinuputol ko na lahat ng ugnayan namin tulad ng pagputol ko ng sa atin. You're a jerk, Daniel Kang," sabi ko, and then threw Apeach at him saka tumakbo palayo.
I ignored his calls for me, hanggang sa nakarating na ako sa exit ng makeup room. Nakita ko naman si Jihoon, kaya agad kong nilapitan, kaya lang ay-
"AERIN-"
I blacked out.
YOU ARE READING
softie ♡ kang daniel
Fanfic[ wannatwoball series #1 ] "who would have known that the school's genius is a softie?" in which seo aerin discovers that kang daniel, despite coming off as manly, is actually a softie. cover by @venleyy