softie ♡ thirty five

29 1 1
                                    

Ilang oras ko na rin nalilibang si Changbin dito sa bahay, nang hindi siya nagtatanong ng tungkol kay Daniel. Kasama din namin si Somi, kaya naman hindi ako masyadong kinakabahan dahil alam kong may sasalo sa akin sa panahon na hindi ko alam ang isasagot ko kay Changbin.

Akala ko naman, nakaligtas na ako, kaya lang ay nang bandang mag-aalas kwatro ay nagsalita na si Changbin.

"Ayoko nang magpanggap pa na hindi ko alam na nililibang niyo lang ako. Nasaan na si Daniel? Akala ko ba mamahalin ka nun? Bakit anong nababalitaan ko na nagbreak na kayo?" Sabi ni Changbin, kaya naman hindi ko malaman kung paano ba ako sasagot sa kanya.

Tinignan ko naman si Somi, but she just smiled at me at saka hinarap si Changbin.

"Si Daniel? Kasi, nagbreak sila dahil sa isang babae na nagbabanta kay Aerin. At kay Daniel." Sagot ni Somi. Sana nga, yun lang. Pero may Chungha siya.

"Bakit di niyo ipaglaban? Agad susuko yun? Aba, gago pala siya," sabi ni Changbin, kaya naman hinawakan ko siya.

"Kasi naman. Hindi naman basta basta yun." Sabi ko, and he sighed.

"Pero mahal mo pa?" Tanong ni Changbin, kaya napatingin ako kay Somi. Tumango naman ako ng dahan dahan, and Somi smiled softly at me.

Simula nung nagbreak kami ni Daniel, bukod kay Jihoon ay si Somi ang lagi kong nakakakasama pati na din si Daehwi. Kumbaga, inalis ko na sa buhay ko muna si Daniel kahit na mahirap. Kahit na ang hirap because he is my numerous firsts.

"Mahal ka pa ba?" Tanong ni Changbin sa akin.

I'd like to think na oo. I'd like to think na mahal niya pa din ako at hindi na si Chungha. Na sana ako lang. Ako nalang. Kasi ako, siya lang. Siya at siya lang.

Kaso hindi ko alam ang isasagot ko. Mahal pa ba niya ako?

"Mahal pa siya nun, Changbin. Alam ko. Kaibigan ko si Daniel," sabi ni Somi, kaya naman umiwas ako ng tingin dahil naiiyak ako.

Mahal pa nga sana niya ako. Isang beses pa na makita ko sila ni Chungha, hindi ko nalang kung saan pa ang pwedeng pagkapitan ko.

"Changbin! Saglit, may kailangan tayong pag usapan!" Sabi ni Somi, at saka hinatak naman si Changbin. Nagtataka ako. Ano yun?

"Pero-"

"Ang arte. Tara na! Importante to, saglit lang pramis," sabi ni Somi, at saka naman nagpahatak na si Changbin nang pandilatan siya nito.

Umalis sila, habang gulong gulo naman ako sa mangyayari sa dalawang yun. Anong gagawin nila?

I sighed, at saka ichachat sana si Jihoon. Kaya lang, hindi ko na nagawa yun nang makareceive ako ng chat na galing mismo sa kanya.

Binuksan ko yun, and then leaned back on my seat.

♡♡♡
JIHOON PARK
active now •

jihoon
aerin? hindi ka naman
busy ngayon, di ba?

aerin
um, umuwi kasi si
changbin ngayon kaya
hindi ko lang alam.

jihoon
sabi sakin ni somi
na may kailangan
daw puntahan si
changbin, kaya yun.
pwede mo ba akong
samahan?

aerin
samahan? saan?
anong gagawin?

jihoon
pumunta sa room natin.
sa may tapat. may
kailangan lang akong
kunin. sige na?

aerin
aba, wala kayang
pasok anong pinakasisipag
mo dyan? ako nga hindi
nagrereview, ikaw pa kaya?

jihoon
hard mo a hahaha
pero sige na?

aerin
fine, papunta na ako.
kapag lang wala ka
dyan, malalagot ka sa
akin. bwiset ka.

jihoon
nako haha. lagot
ako nito.
unsent

jihoon
pumunta ka nalang
basta haha
seen

softie ♡ kang danielWhere stories live. Discover now