Chapter 02

8.9K 227 2
                                    



" LOLO, LOLA!"excited na sigaw ng kambal pag kababa palang nang mga ito sa kotse ni Janine.

" Mga apo ko, salamat naman at dumalaw kayo rito sa amin."

" Opo Lolo, Lola, kasi po hindi muna kami mag aaral, sa susunod na pasukan pa po kami, kaya ang sabi ni mommy dito muna kami habang wala pa po kaming school,"Luis.

" Mabuti naman kong ganun mga apo, para makasama namin kayo ng matagal, halina na kayo sa loob para maka pag miryenda, Veron anak, Jay, pasok na kayo hayaan na ninyo iyan mga gamit mga kasambahay na ang mag dadala sa silid ninyo.

" Sige po mommy, Jay, tara na oh, nasaan ang anak mong si Janine? "tanong ni Veron sa asawa ng hindi niya makita ito.

"Narito lang siya kanina ah."

" Saan naman kaya nag punta ang anak mong iyon kararating lang nating ah?"

" Hayaan mo na siya, Veron, baka nariyan lang siya sa tabi-tabi, pumasok na tayo sa loob,"wika ni Jay sa asawa.

" Wow, ganda naman dito sa bakuran nila lola, ang daming nag gagandahan bulaklak, at ang simoy ng hangin wow sobrang presko ang gaan sa pakiramdam, gusto ko dito,"wika ni Janine habang nag lilibot siya sa bakuran ng mansion ng kanilang Lolo at Lola.

Bawat taong madaanan niya kanya itong binabati.

Nagtataka naman ang mga ito kung sino ang magandang dalaga na bumabati sa kanila.

"Diyosa ba iyan ha, Atong?"dinig ni Janine.

"Aba, siguro. Teka tanungin nga natin."

"Sige ikaw na, Atong."

"Mi-miss, sino ka?"alanganin pang tanong nito.

"Ako po si Janine, anak ni Veron."

"Naku, si ma'am Veron, andito siya, kaya pala, mana ka sa kanya maganda."

Ngumiti si Janine."Salamat, sige po, mag lakad-lakad muna ako."

Tumango naman ang mga ito.

Nang mapagod na siya sa paglilibot kahit hindi pa niya nakita ang kabuuan ng labas ng mansion pumasok na siya sa loob ng bahay nadatnan niyang nag mimiryenda ang kaniyang magulang at kapatid.

" Oh, Janine, saan kaba galing ha, kanina kapa namin hinihintay para mag miryenda?"

" Mommy, diyan lang sa bakuran, ang lawak pala diko nga nadaan lahat eh."

" Talagang malawak anak, di mo ba na puntahan ang taniman ng kape diyan sa likuran ng bahay?"

" Hindi po mommy, nakakapagod na kaya bumalik na ako rito."

" Mommy, we want to see now ang coffee farm puwede po ba?"ani naman ng kambal.

" No, bukas na lang, tayo pupunta, Luis, Lyka, sa ngayon ang dapat ninyong gawin ay mag pahinga muna okay,"turan ni Veron sa dalawa.

" Okay po mommy,"tugon naman nila.

Sa paglipas ng mga araw walang ginagawa ang buong mag-anak kundi pasyalan ang magagandang lugar sa Bataan.

Isang umaga nag pasya ang mag kapatid na Janine at Lyka na mag lakad-lakad sa labas ng mansion.

"Ate, saan ba tayo pupunta ha?"

"I dont no!"

"Ano? You dont no, naman oh, ganito na lang ba tayo, lakad ng lalad, nakakapagod rin kaya?"

"Ayaw mo? Go home!"

"Naman ate eh, ang layo na kaya natin."

"So, huwag kang mag reklamo, Lyka."

I LOVE YOU MR. MAGSASAKA (SCANDAL 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon