Chapter 09

7.3K 185 3
                                    



BAGO umalis si Carlos papuntang kasalan isang sulyap muna ang iginawad niya sa sarili sa harap ng salamin.

Nang makita niyang okay na ang kaniyang porma napangiti siya sa sarili at agad na siyang umalis ng bahay para dumalo sa kasalan na magiging ninong siya.

Kahit simple lamang ang suot niya ngayon kitang-kita naman ang kaniyang kakisigang.

Kararatinv lang nina Janine sa bahay ng ikakasal." Lolo, ang dami na palang tao?"

"Oo apo, mamaya may sayawan na magaganap pag katapos ng kasal."

"Oh, I see. Lolo, puwede bang maiwan muna ako rito pag katapos ng kasal kung uuwi kana agad, gusto kong mapanood ang sinasabi mong sayawan?"

Oo ba apo, pero ihahabilin kita kay Pepe, para bantayan ka niya."

" Lo, huwag na nakakahiya naman, kaya ko naman ang sarili ko, makikipag kaibigan na lang ako sa mga dalaga rito para may makausap naman ako."

"Sige apo, pero sasabihin ko sa kanya na ihatid ka sa bahay pag katapos ng kasiyahan ha."

" Sige p Lo, thank you ang bait talaga ng lolo ko."

"Nang bola ka pang bata ka, halika na baka nag uumpisa na ang seremonya ni Mayor."

Agad na silang bumaba sa sasakyan habang nag lalakad sila patungo sa bahay ng ikakasal napa tanong si Janine sa Lolo.

" Lolo, diba ang ikakasal sa simbahan ginaganap bakit po rito sila sa bahay nila?"

" Apo, dahil kay Mayor, sila ikakasal, kaya pywede na rito sa bahay nila gaganapin."

"Hmmm, hindi pala magastos ang ikakasal rito, Lolo, I like it napaka simple lang."

"Ganito, sa probinsya apo, pero kung may pera sila sa simbahan din."

"Thanks, Lolo for the information,"nakangiti niyang saad.

Ngumiti naman ang Lolo niya sa kanya.

Nang makarating na sila sa harapan ng bahay ng agad naman silang sinalubong nang ama ng ikakasal.

" Magandang hapon, Don Ramil, salamat naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko."

" Walang ano man, Pepe, wala naman kasi akong pupuntahan ngayon siya nga pala kasama ko ang akin apo siya si Janine."pakilala ng matanda sa apo.

" Magandang hapon saiyo ma'am, salamat din po at narito ka."

" Naku po, Manong, huwag kang mag pasalamat sa akin pinilit ko lang si Lolo na isama ako rito."

" Pero salamat pa rin ma'am, ikinagagalak kung makita ka ngayon dito."

Tumango na lamang si Janine sa sinabi nito.

" Doon po tayo sa harapan, Don Ramil, ma'am Janine."

" Ang dami po palang tao, Manong? "

" Oo ma'am, dito po sa baryo pag ganitong may kasalan eh, talagang maraming tao na dumadalo."

"Ah, Pepe, narito na ba si Mayor?"

"Oo, Don Ramil, kararating din lang niya muntik na kayong mag kasabay ng dating."

" Mabuti naman, Pepe, para maumpisahan na agad ang kasal."

" Sige, Don Ramil, sasabihin kong umpisahan na ang seremonya ni Mayor."

Lumapit ito sa harapan ng microphone.

"Magandang hapon, mga kababaryo, dahil narito na ang lahat puwede na nating umpisahan ang kasal ang mga ninong at ninang narito na. At sina Don Ramil Madrigal, kasama niya ang kaniyang apo," anito kaya napalingon ang lahat ng tao sa kinatatayuan ng mag-Lolo.

I LOVE YOU MR. MAGSASAKA (SCANDAL 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon