Chapter 08

7.1K 183 4
                                    



" CARLOS!"sigaw ni Mang Isko sa binata.

Kaagad naman dumungaw ito."Oh, Mang Isko, bakit po, may sasabihin ka ba sa akin?"agaran na tungo ni Carlos sa matanda.

"Wala naman, Carlos, yayain na kita sa bahay dahil naroroon na mga kasama kong nag anin sa palayan mo hinihintay ka nila."

"Ganun ba. Mang Isko, sige po susunod na lamang ako sa bahay mo maliligo lang ako sandali."

"Oh sige, Carlos, maiwan na kita."

"Opo, mMang Isko, salamat at pinuntahan mo ako rito sa bahay muntik ko ng makalimutan ito ah."

"Aba eh, talaga makakalimutan mo kung may iniisip kang iba, Carlos,"makahulungan wika ng matanda.

"Si Mang Isko, talaga oh,"napangiti na lang si Carlos.

" Hay naku, Carlos, pinagdaan ko rin iyan no, nasapol ka ba sa dalagang iyon ha, Carlos? " nakangiting tanong ng matanda.

Di naman nakasagot si Carlos, nasapol nga ba siya kay Janine?

"Sige po, Mang Isko, maliligo na ako para makatikim ako ng adobong ahas,"siya ay lumayo na sa bintana.

Pagkatapos niyang naligo bago siya pumunta sa bahay ng matanda dumaan muna siya sa tindahan para bumili ng alak.

Pagdating niya sa tindahan may mga kadalagahan na nakaumpok sa harapan nito.

"Oyyy! Scarlet, si Carlos oh," ni Joyce ng makita niyang papalapit sa tindahan ang binata.

Napalingon naman agad ang dalaga pagkasabi ni Joyce ang pangalan nito.

" Ahhhh, ang guwapo talaga ng mahal ko, nakaka in love siyang tignan may God, malalaglag na yata ang puso ko Joyce, dahil nakita ko naman siya," anito habang nakatingin sa binatang bumili.

" Asus ang OA mo ah, Scarlet, mabuti sana kung malalaglag eh pulitin ni Carlos, at ilagay sa puso niya, kung mamalasin ka baka matapakan pa niya ito dahil sa ibang puso siya nakatingin."

" Kaninong puso saiyo ba ha, Joyce? Kalbuhin kita makita mo, aagawan mo pa ako ha, heto ang tandaan mo Joyce, kay Juan ay kay Juan, ang kay Pedro ay kay Pedro, gets mo ba ang ibig kong sabihin ha, Joyce?"pinang lakihan pa ng mata ni Scarlet ang kaibigan.

" Asus, Scarlet, huwag kanang umasa na mapapa saiyo iyan si Carlos, kong talagang gusto ka niya di sana noon kapa niya niligawan,"hindi naman ito paawat.

Naririnig pala ng binata ang kanilang pinag uusapan kaya napailing na lang siya.

" Heto na, Carlos, saan ba kayo mag iinuman?"

"Diyan po sa bahay ni Mang Isko, Manang."

"Akala ko hindi ka umiinum, Carlos?"

"Umiinum naman po, Manang, pag kailangan lang."

"May birthday ba kina, Isko?"

"Wala naman, Manang, kanina nahuli na nila iyon malaking ahas na matagal ng nagtatago doon sa may kakahuyan sa bukid ko."

" Mabuti naman kung ganun, Carlos, kahit nga ako natatakot na dumaan sa palayan mo na baka makita ko ang ahas na iyon, ngayon puwede na akong dumaan doon dahil wala na pala ito."

" Opo, Manang, sige po tutuloy na ako kanina pa kasi naghihintay iyon mga kasama ni Mang isko, na nagtanin sa palayan ko."

"Oh, sige Carlos, pulutan ba ninyo iyon ahas na nahuli nila? " pahabol na turan ng tindera.

" Opo, Manang,"aniya at agad na siyang umalis sa tindahan.

Nang dumaan siya sa tapat ng mga dalaga napatango siya sa mga ito dahil nakatingin ang mga ito sa kanya.

I LOVE YOU MR. MAGSASAKA (SCANDAL 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon