Chapter 17

6.9K 165 3
                                    


"NAKS NAMAN si kuya Carlos, kung maka Janine. Eh, wagas para ba iyang puso mo lumundag sa tuwa pag kakita mo sa kanya!" ni Kat.

"Oo nga, Kat, parang may something sila ah," ni Arnah.

"Ano kaya ang something na iyan?"kunwaring napaisip si Angela.

"Kayo naman oh, ano pa di something in love diba kuya Carlos?" ni Kat.

Oo nga, baka naman sila na ang susunod na ikakasal diba may kasabihan na pag ginawa mo raw ang ginawa ng ikinasal ikaw ang susunod na," ni Arnah.

Pangiti-ngiti lang naman si Janine, gusto niya ang daloy ng usapan ng mga magkakaibigan.

"Tumpak, dahil sa ginawa nga nila noon may ikinasal, wow sigurado ako bongga ang kasalan nilang dalawa," ni Angela.

"Girls, ang layo ng narating ng imahinasyon ninyo ah, pero gusto ko ito sana nga mag katotoo iyan ang mga sinasabi ninyo? "nakangiting turan ni Janine sa mga bago niyang kaibigan.

Biglang naman pipi si Carlos sa mga pinag-sasabi ng mga dalaga.

"Kuya Carlos, saan ka pupunta? ni Kat.

"Ah, mag papaligo ng kalabaw Kat. Oh, tapos na ba kayong nanguha ng labong?"

" Oo kuya, Carlos, medyo marami kaming nakuha ngayon eh, suwerte yata si Janine sa amin."

"Oh, sige maiwan ko na kayo ha."

"Sige kuya Carlos, uuwi na rin kami."

Tumango si Carlos sa mga ito at pinausad na niya ang kalabaw.

" Sandali lang, Carlos. Puwede ba akong sumama saiyo?" mabilis na ani Janine.

"Huwag na sumama kana sa kanilang umuwi baka gabihin ako rito."

"No, sasama ako saiyo, gusto kong sumakay diyan sa kalabaw mo, para naman maranasan ko ito kung ano ba ang feeling na nakasakay sa ibabaw ng kalabaw."

"Hindi puwede, Janine, mamaya mainit na."

" Carlos, please, I want to ride, minsan lang naman,"nag mamakaawa niyang turan sa binata.

Nagkatingin naman ang tatlong dalaga at nag kindatan pa.

"Sige na kuya, isama mo na Janine, para nga naman maranasan niya kung paano ang makasakay ng kalabaw sa tingin namin eh, hindi pa siya nakakaranas sumakay niyan."
Sa totoo lang gusto-gusto ni Carlos na makasama ang dalaga siyempre may kasama ito kaya kunwaring ayaw niya.

"Please, Carlos."

"Kuya please,"sigunda ng tatlo.

"Sige na nga apat kontra sa isa siyempre matatalo ako."

"Yessss!"sigaw pa ni Janine.

"Sige na Janine, sumakay kana."

"Teka, papaano ba ako sasakay diyan?"Inosenteng wika ni Janine.

"Janine, hahawakan ka ni kuya Carlos, tapos itutulak ka namin para madali kang makasakay," ni Angela.

"Oh, halika kana,"inabot ni Carlos amg kamay sa dalaga.

Inalalayan naman siya ng tatlong dalaga para makasampa sa kalabaw.

Nang maka sakay na napasigaw pa siya.

" Yes yahoooo!"

"Kat, Arnah, Angela,hintayin ninyo ako ha."

"Huwag ka na namin hintayin pa Janine, nariyan naman si kuya Carlos. Eh, siya na lang ang kasama mong umuuwi, sige mauna na kami dahil gagawin pa namin itong labong,"ni Kat..

I LOVE YOU MR. MAGSASAKA (SCANDAL 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon