Chapter 03

8.1K 195 3
                                    



NGITING-NGITI si Lyka, sa nakikita,"Bagay pala si Ate kay cute na nag aalaga ng kalabaw? They look perfect to each other."

Kahit si Mang Isko aliw na aliw sa dalawa."Dumating na ang pag-ibig na para saiyo, Carlos,"sa isip nito.

Nang makuha na ni Janine ang bungga ng mangga na dalawa agad na siyang nag pababa sa binata.

" Ibaba mo na ako."

" Ilang na ba ang nakuha mo miss?"

" Dalawa lang, tama na ito tag-iisa lang kami ng kapatid ko."

" Bakit di mo dagdagang marami pa naman bungga diyan sa toktok mo ah?"ani ni Carlos pero hindi siya tumingala dahil baka may makita siya ng hindi dapat at baka madagdagan pa ang kakaiba niyang nararamdam sa sandaling iyon dahil sa naaamoy niya mabangon katawan ng dalaga.

" Damn! Nag kamali yata ako sa ginawa ko this woman make me, hot right now,"wika ni Carlos sa sarili.

" No, tama na ito ibaba mo na ako,"medyo pasigaw na turan ni Janine sa binata eh kasi nakadama na siya ng kiliti sa may baywang niya.

Naalinpungatan naman si Carlos sa sinabi ni Janine.

"Okay fine walang sisihan ha," binaba na nga niya kaagad ang dalaga.

" Lyka, tara na heto na ang saiyo,"aniya sa kapatid at sabay hila pa niya rito para ito'y maglakad na naka isang hakbang palang sila ng mag salita ang binata.

" Dika man lang ba mag papasalamat sa kinuha mong mangga miss?"wika nito napahinto sa pag hakbang ang mag kapatid.

" Excuse me, Mr. I dont need to say thank you too!"turan ni Janine sa binata nanakataas pa ang kilay niya.

" At bakit naman hindi? Dapat lang na mag pasalamat ka kasi nakakuha ng bungga ng mangga ko."

" Hindi na kasi binayaran ko naman ang mangga mo, ng higit pa sa thank you Mr."

Napakunot naman ng noo ang binata sa sinabi ng dalaga sa kanya.

" Anong ibig mong sabihin miss?"

" Oh common you now what I mean Mr."

" Miss, puwede ba deretsahin mo nga ako kung ano ang ibig mong sabihin, paligoy-ligoy kapa eh, ang gusto ko lang naman magpa salamat ka sa nakuha mong mangga yun lang!"naiirita na turan ng binata sa dalaga.

" Okay fine, hindi na ako mag papasalamat saiyo kasi nanansing ka naman na sa akin, dahil sa pag hawak mo sa baywang ko, sobrang bayad ko pa sa dalawang mangga na nakuha ko."

" What?"malakas na bigkas ng binata.

" Wow nice what huh!"nakangising turan ni Janine sa binata.

" Sandali nga miss, hindi kita sinansingan okay, tinulungan lang kita para maabot mo ang bungga ng mangga, yon lang yon okay ang kitid naman ng isip mo."

" What me? makitid ang isip ko huh! Pero teka ha, kung talagang gusto mong akong tulungan di sana umakyat ka. Oh, talaga lang na gusto mong hawakan ang bewang ko."

Di naman agad naka sagot ang binata sa sinabi ni Janine at napamura nalang ng lihim ito.

" Damn this woman, ang sarap sakalin ah!"aniya sa sarili pero nag protesta ang kanyang isip at ang sabi..."Oh, sakalin ba O halikan O kaya yakapin?"sigaw ng isip niya lalo tuloy siyang natahimik.

Tahimik lang naman si Lyka palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa."Parang lovers war sila ah cute nilang tignan."

" Silent mean yes, tara na Lyka, baga hindi lang ang baywang ko ang hawakan ng lalake ito,"ani niya sa kapatid.

Nang malayo na ang dalawa saka lamang nilabas ni Carlos ang ngitngit niya sa dalaga.

" Ahhhhhhh! Ibang klase ang babaeng iyon ah, ang sarap niyang pigain, damn!"aniya napatawa naman ang matandang si mang Isko sa sinabi niya di naman niya namalayan naroroon pa pala ang matanda.

" Maganda siya diba Carlos? Para siyang manikin sa ganda,"turan ng matanda sa binata hindi sinagot ni Carlos ang sinabi nito kundi nag tanong siya rito.

" Mang Isko, kilala mo ba kung sino ang babaeng 'yon?"

" Hindi Carlos, ngayon ko lang din sila nakita, pero may narinig ako nun isang araw pa na umuwi na si ma'am Veron, baka anak niya ang dalawang dalaga na iyon."

" Sino naman po ang Veron, na iyan, Mang Isko?"

" Anak siya ng mayaman angkang dito sa Balayong, Carlos, nanirahan siya sa ibang bansa sa matagal na panahon at ngayon lang siya muling nagbalik dito."

" Kung ganun laking ibang bansa ang babae na iyon kaya pala ganun kong manamit eh?"

" Anong kaya pala ang sinasabi mo Carlos?"

" Ang ibig ko pong sabihin Mang Isko, sa tingin ko sa babaeng iyon eh, liberated woman siya."

" Ha anong liberad?..."ani ng matanda dahil hindi nito mabigkas ang sinabi ni Carlos.

" Liberated woman Mang Isko, ang ibig sabihin nun masyadong magaslaw ba pagdating sa mga bagay-bagay."

" Diko ma intindihan ang ibig mong sabihin Carlos, pero isa lang ang masasabi ko saiyo, bagay kayong dalawa, kasi maganda siya at guwapo ka naman, ligawan mo kaya siya Carlos?"

Napatawa si Carlos sa tinuran nito."Mang Isko, hindi ang isang katulad niya ang pinapangarap kong makasama habang.buhay." turan ni Carlos sa matanda."even in my dream,"mahabol ng isip niya.

" Huwag kang mag salita ng patapos, Carlos, dahil hindi mo alam ang ikot ng tadhana, baka pag laruan ka nito eh mag sisisi ka."

" Mang Isko, ang tao po ang gumagawa ng tadhana niya, nasa ating po ang disisyon kong ano ang gusto nating manyari sa ating buhay, dahil tayo ang nag papatakbo nito,"pahayag niya sa matanda.

" Kung iyan ang paniniwala mo Carlos, wala akong magagawa pa, sige ako'y mauna saiyo sa bukid para makita ko kung tapos na iyon pinagagawa mo sa mga tao,"paalam nito.

" Sige po Mang Isko, susunod na lang ako mamaya saiyo, may gagawin pa kasi ako sandali."

" Sige Carlos, huwag mong kalimutan iyon pagkain ng mga tao mo ha,"paalala niya.

" Opo Mang Isko, akong bahala roon,"sagot niya dito agad na silang nag hiwalay na dalawa.

HABANG nag lalakad ang mag kapatid hindi naman maalis-alis ang ngiting nakapaskil sa labi ni Janine kaya napansin ito ng kaniyang kapatid.

" Si Ate, parang timang lang eh, ngingiti-ngiti, oyyy in love na yata siya sa cute na nag aalaga ng kalabaw,"naka ngiting wika nito.

" Hindi no."

" Hindi raw, animin mo Ate, mas guwapo pala siya sa malapitan diba? and he's hot like hot Bicol express, hmmm yummy,"my kilig na turan ni Lyka.

" Hoy! hoy! hoy! Marunong ka narin mag sabi ng hot at yummy ah, inihambing mo pa siya sa ulam. At kinilig ka pa diyan. But is true what you said my dear sister, lalo na nun binuhat niya ako ahhh, I feel na siya si superman ng buhay ko."ani niya at lalong nadagdagan ang ngiti niya sa labi na may kasamang kilig pa.

Napa bungisngis naman si Lyka." Ate, in love kana nga iyan ang tinatawag na love at first sign diba. At iyon sinabi mo noon na, connection to man that you will gonna love?"

" Bakit mo naman nasabi iyan ha, Lyka?"

" Ate, kasi nun makita mo siya sa daan remenber, nakita ko na may kislap iyan mata mo. Kunwari kapa sa sinabi mo na Oo cute niya kasing cute ang mga alaga niyang kalabaw, pero doon sa may-ari ka nakatingin eh."

" Ikaw ang dami mong alam bilisan muna nga lang mag lakad ang bagal mo,"natatawang turan ni Janine sa kapatid. Pero deep inside naman eh, totoo ang sinabi ng kanyang kapatid.

I LOVE YOU MR. MAGSASAKA (SCANDAL 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon