Chapter 13

7.1K 179 4
                                    



NANG makarating na sila sa bahay kaagad na kinausap ni Veron ang anak.

"Janine anak, umupo ka mo na we need to talk."

"Mommy, puwede bang mamaya na lang matutulog muna ako kahit sandali lamang po."

"No! ngayon na, Janine!" "may diin sabi ng ina.

Wala naman nagawa si Janine kundi sundin ang ina.

Naupo na siya sa tapat ng ina.

"Ano ba ang pag uusap nating, Mommy?"

"About you and that cute man."

Kahit papaano napangiti si Janine sa cute na sinabi ng ina."Mommy, what about him?"

"Anak, may relasyon na ba kayo ng cute na nag aalaga ng kalabaw na iyon ha?"

" Mommy, wala po. Teka po pati ba naman ikaw mommy, cute na nag aalaga ng kalabaw ang tawag mo sa kanya?"

"Kayo eh. Iyan ang tawag ninyo sa kanya, ang sabi mo wala bakit kung makadikit kayong dalawa parang ayaw na ninyong mag hiwalay pa sa isat-isa ha?"

"Mommy, wala talaga kaming relasyon ni Carlos."

" But do you have a feeling for him right? Nakikita ko ito sa mata mo anak."

Hindi naman nakasagot agad si Janine sa sinabi ng ina. Sobra pa nga ang nararamdaman niya para kay Carlos.

" Ate, silent mean yes, umamin ka na kasi sa amin I know naman na super in love ka sa kanya eh,"sabat ni Lyka.

"Oh anak, tama ba ang sinabi ng kapatid mo?"sabat naman ng ama niya.

"Mommy, daddy, kung sakaling meron nga hindi ba kayo tututol sa kanya. Isa lamang siyang magsasaka."

"Janine anak, kahit ano pa siya, kahit siya ang pikamahirap na tao dito sa mundo, we don not care as long na mahal ka niya. At aalagaan ng lubos at higit sa lahat masaya ka anak,"turan ni Jay.

"Tama ang daddy mo anak, pero porket sinabi na namin ito eh, gagawa ka na ng bagay na hindi maganda ha, huwag kang gumawa ng first move, Janine, do you understand?"

"No, mommy, daddy, I promise."

"Are you sure, Janine?"

"Mommy naman, parang wala kang tiwala sa akin ah."

"Ate, ako wala akong tiwala saiyo,"biglang sabat ni Lyka.

"Tseee! Manahimik ka, Lyka!"

"Hmmmpp! I'm saying is true naman ah,"

"Make sure of that, Janine. Magtimpi ka sa nararamdaman mo let him do the first move okay."

"Yes po, sige po, Mommy, Daddy, aakyat na ako matutulog na muna ako sandali," paalam niya sa magulang tumango naman ang mga ito kaya dali-dali na siyang umakyat sa kanyang silid.

Nang makapasok na sa lood nagtatatalon naman siya sa tuwa dahil walang pagtutol ang magulang. At higit sa lahat ramdam niya na meron gusto sa kanya si Carlos.

SA bahay ni Carlos hindi siya mapakali habang nakahiga sa kama his mind keep remaining what happens to them just now, kung hindi lang nag karoon ng putukan kanina baka siya ang nakaputok.

"Muntik nang may nangyari sa amin. Salamat naman at nagkaputukan kung hindi baka kaming dalawa ang nag kaputakan,"napa ngiting wika niya sarili gusto sa niyang matulog pero bawat pag pikit niya ang nangyari sa kanila ng dalaga ang sumisiksik pa rin sa isipan.

"Ahhhhh, Janine, Janine, Janine. Ano ba ang ginawa mo sa akin? Dahil ngayon hindi kana nawawala sa isip ko," tumagilid siya para makatulog pero pag tagilid naamoy niya ang amoy ng dalaga na nadikit sa unan kaya lalong hindi siya nakatulog ang ginawa niya imbis na unanan niya ito kinuha at niyakap na lamang ang una. At doon siya nakatulog.

I LOVE YOU MR. MAGSASAKA (SCANDAL 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon