Chapter 11

6.7K 171 3
                                    



MGA ARMADONG KALALAKIHAN ang lumabas mula sa dilim.

Napahinto sa tangkang pagpasok sa trankahan sina Carlos.

"Carlos, sino ang mga iyan? Bakit my mga baril silang hawak?"

" Pssstt! Huwag kang mag salita mga taong labas ang mga iyan, at huwag mo rin silang tignan itago mo ang mukha mo sa dibdib ko,"anas ni Carlos.

Ginagawa naman ni Janine ang utos kanya ng binata. isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at niyakap niya pa ito ng mahigpit.

"Oh, God. Kung wala lang ang mga lalakeng iyan gusto ko nang sumigaw ng malakas, I feel so great now ahhh,"lalo siyang nag susumiksik sa dibdib ni Carlos.

Niyakap din naman ni Carlos ang dalaga at ang braso niya'y itinakip niya sa likod nito para hindi makita ng mga lalake.

" Gabi na saan ang punta ninyo?"wika ng isang lalake na papalapit sa kanila.

" Uuwi na kasi kami galing sa kasalan, sir,"tugon ni Carlos dito.

"Asawa mo ba ang babaing iyan O, kasintahan palang ang puti niya ah?"napuna pa rin nito.

Sasagot sa sana si Carlos ng bumulong ang isang kasamaan nito sa lalake.

"Nakakasilaw ang kaputian niya, puwedeng maarbor pare, dahil ang sabi ng kasama ko gusto niya iyan, babae?"

Sa sinabi ng lalake lalong humigpit ang pag kayakap ni Janine sa binata.

"Pasensiya na mga pare pero kahit sino naman eh, hindi pina paarbor ang ASAWA diba?"

Parang gusto ng mag tatatalon sa tuwa ni Janine sa narinig niya. Kahit na nakadama siya ng takot sa sandaling iyon isang ngiti ang namutawi sa kanayang labi. Asawa ba naman ang narinig niya.

Sa sandali naman iyon napalabas ng bahay niya si Mang Isko dahil sa alulong ng mga aso alam niya na may mga taong labas na naman na nasa baryo nila kung kayat naglibot siya at namataan nga niya ang mga ito na kausap si Carlos agad siyang lumapit sa kinaroroonan nila.

"Anong meron dito?" ni Mang Isko.

" Mang Isko, kayo pala mabuti naman at dumating ka, kilala mo ba sila?" ni Carlos.

"Oo Carlos, kilala ko sila. Anong ginawa ninyo rito sa labas bakit dipa kayo pumasok sa loob ng bahay mo, Carlos?"

" Ka uuwi lang namin ng asawa ko galing sa kasal Mang Isko, ng bigla silang nagsilabasan sa dilim. Natakot nga itong honey ko akala niya aswang eh!"

Nakuha naman ng matanda ang ibig sabihin ni Carlos kaya hindi na ito nag tanong pa.

"Mang Isko, sa inyo muna kami tutuloy mag papahinga lang muna kami sandali tapos aalis na rin kami agad,"ang lalake.

"Naku hindi puwede alam naman ninyo na may kapiy-bahay akong pulis baka makatunog siya eh, mapalaban pa kayo pag naggyari iyon maraming madadamay na inosente dito sa baryo. At isa pa alam naman nila na wala ng bumababa pa rito diba."

" Kung ganun sa bahay muna nilang mag-asawa kami tutuloy kahit sandali lang dahil kailangan namin magpahinga kahit kunti bago aalis rito."

Sa sinabi ng lalake nag katingin sina Carlos at Mang Isko si Janine parang nag didiwang ang kalooban sa sinabi ng lalake.

Wala naman nagawa si Carlo, papa Oo na lang siya sa mga ito dahil sa sinabi niyang asawa nga niya ang dalaga.

"Sige mga pare, pasok na tayo sa loob ng bahay namin, pakiusap ko lang sa inyo sana huwag kayong abutan ng liwanag dito."

"Makaka-asa pare, bukas pag-gising ninyo ng asawa mo wala na kami sa bahay mo Mang Isko, nagugutom kami may pagkain ba kayo?"

"Oo meron sige na pumasok na kayo sa loob ng bahay baka may makakita pa sa inyo dito, Carlos, ako na ang bahala sa kanila matulog na kayo ng honey mo, alam ko na pagod rin kayo,"wika ng matanda sa kanilang dalawa.

I LOVE YOU MR. MAGSASAKA (SCANDAL 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon