In less than 5 years, andami-dami nang nakakawindang na kaganapan sa buhay ko. Hindi ko nga lubos maisip kung paano umabot sa ganito ang lahat.
Una, nakilala ko si Adam Zethe. Nagkagusto ako sa kanya kahit may pagka-weirdo siya at sobrang tahimik niya. Hindi ko na nga alam kung paano talaga nangyari yun, pero sa tulong ng mga mutual friends namin, nakapagtapat kami sa isa't isa at yun nga, naging kami. Pagkatapos nun, magdadalawang taon na sa kami nang bigla na lang siyang nakabuntis ng iba.
Of course, I had to break up with him. I ain't taking a father from his future child--who eventually died because of mishandling.
Doon pumasok sa kuwento ko ang ikalawang Adam ng buhay ko. Si Adam Zein Umbright Lenison, who I call "Azul" for short. Tinulungan niya ako noong naaksidente yung sinasakyan naming bus. After that, parang itinali na lang kami bigla ng tadhana sa isa't isa.
I found out that we were living in the same subdivision--at magkalapit pa talaga yung mga bahay namin. Noong nagsimula naman yung klase ay nalaman ko ring magkaklase na din pala kami. Magka-seatmates pa talaga!
I was busy hating Adam Zethe and avenging myself through being that "rebel", while Azul was busy trying to shift my attention towards him... At nagtagumpay naman siya...
Hindi ko namalayang siya na pala yung lagi kong napagtutuunan ng pansin. Siya na pala yung lagi kong hinahanap. Hindi na nga ako napapakali kapag hindi niya ako kinakausap. Nasanay akong nandiyan siya para iligtas ako mula sarili ko...
And then, shit happened. Pero biro lang yun.
The best thing happened to me...
Azul confessed his love for me. He tried to win me through the challenge I gave him. For four hours, we stayed in one of our university's hallways and tried to get as many hugs from other students as possible... Kapag nalamangan niya ako, sasagutin ko siya...
He was sick but he still did it. He was burning inside but he still went on...
Doon ko napatunayang mahal ko na din pala siya...dahil hindi ko kayang makita siyang nahihirapan o nasasaktan...
Minahal namin ang isa't isa nang sobra-sobra kahit na andami niyang itinago mula sa'kin. Andami kong hindi alam tungkol sa kanya pero hindi rin naman nagtagal at pinaalam din niya sa akin ang lahat.
He's not who I thought he was.
He's not just a typical Korean-blooded guy who transferred in our university.
He is a Prince...
And he wanted to be my prince so badly, but I had to leave him...
His dad, the King, ordered me to leave him...
Kinailangan ko siyang hiwalayan dahil kapag hindi ko ginawa yun, hindi siya uuwi sa kaharian nila at hindi siya makakapag-negotiate sa ibang mga kaharian lalo na sa mga kahariang makikipagdigmaan sa kanila. Kapag hindi niya nagawa yun, maaaring matalo ang kaharian nila sa digmaan at maraming-maraming tao ang mamamatay at masasaktan...
Kaya kahit pareho kaming masasaktan, iniwan ko siya.
Iniwan ko siya para sa kapakanan ng iba...
I broke his heart...and mine as well...
Pero ngayon, nabigyan ako ng pagkakataon para ayusin ang mga nagawa ko...
Matapos ang matagal na paghihintay, makikita na rin ulit kita, namja...
[A/N]: A prologue which can give you an overview of the first 2 books of the "Shuyin Trilogy". Sana po nakatulong ito para mai-refresh sa inyo ang pinagdaanan ni Ryen Eve! The whole story is already completed (dito sa laptop ko), so magiging active na din ako sa paga-update nitong kwento! Huminto muna ako sa iba kong ongoing stories para unahin 'to dahil sobrang nakakabitin nga naman yung Book 2. Huhubels!
Thank you po sa patuloy pa ring sumusuporta sa'kin at sa mga stories ko kahit na nawawala-bumabalik-heto-na-naman ako! Wahahaha!
God bless us all!
Read. Vote. Comment. Support.
#babaengbully
YOU ARE READING
Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]
Roman d'amourShuyin Trilogy (III): Mababalikan ko pa kaya siya ngayong may mahal na siyang iba? Teka... Prince Shuyin? Sino yun? Continuation of "Loving a Prince" [Story includes a glimpse to SERLANDE] NOTE: I recommend you to read "Loving a Weirdo", then "Lovi...