SHUYIN 26: Reminiscing the Past

21 3 0
                                    

SHUYIN 26: Reminiscing the Past



ADAM ZEIN'S POV:


Dalawang araw na lang ay ikakasal na si Adam Zein. Tapos na ang lahat ng pagpaplano at paghahanda sa gaganaping kasal. Tanging ang petsa na lang talaga yung hinihintay ng lahat.

Nalalapit man ang kasal ay hindi na muli pang nagkaharap sina Zein at Persephone. Sabi ng mga magulang ni Zein ay sa araw ng kasal na ulit sila magkikita. Mahirap man aminin ay mas nagugustuhan pa nga ni Zein na hindi niya nakikita si Persephone. Pakiramdam kasi niya ay hindi na ulit siya magiging kumportable dahil sa pag-amin niya dito nung nakaraan.

Ang hindi niya lubos maisip ay kung paano nito nagawang ituloy pa rin yung kasal nila matapos niyang sabihin dito na si Ryen Eve pa rin talaga ang mahal niya.

Napabuntong-hinininga si Zein habang nakatitig nang tulala sa malaking fountain sa harap ng palasyo nila. Nabalik lang siya sa huwisyo nang marinig niya ang ilang boses na tila ba nag-uusap nang nagmamadali mula sa main door ng palasyo. Agad siyang napalingon doon at nakita niya ang kanyang inang suot ang isa sa mga pang-travel nitong attire at nakasunod din dito ang ilang palace assistants na may bitbit na mga bag at ilan pang gamit ni Queen Celestia.

"M-Ma!" Tumayo siya at sinalubong niya ito nang may pagtataka. "Saan po kayo pupunta? Lalabas kayo ng Serlande?"

Mukha namang nabigla ang ina niya sa pagkakakita sa kanya.

"Zein, why are you here? Akala ko ba sumama ka kay Xeven sa kaharian ng Nenuveth?"

"Zein, why are you here? Akala ko ba sumama ka kay Xeven sa kaharian ng Nenuveth?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Nagpaiwan po ako. Sigurado akong magda-drama lang sila ni Zoey dun kaya dito na lang ako."

"Edi sana natulungan mo yung kuya mo sa pagkumbinsi kay Zoey na umuwi na. Ikaw talaga." Nagsimula na ulit maglakad yung ina niya at ang mga assistant na nakasunod dito.

"Mom, wait!" Napahawak siya sa braso ng ina. "Saan ka pupunta? Bakit andami mong dalang bag?"

"I'm about to go abroad, dear. May kailangan lang akong asikasuhin sa Southeast Asia."


Napahinto siya sa narinig.


"Southeast Asia? Nandoon ang Pilipinas, diba? Posible kayang...makadaan si mommy dun?"


"Dadaan po ba kayo sa—"

"Philippines? Yes. Pero sa Davao ako didiretso dahil nandun lang ang mga taong pinagkakatiwalaan natin. And no, you can't go with me. Your wedding is in two days. I'll be back on the day of your wedding, morning." Walang pigil nitong sagot tsaka siya nito hinalikan nang marahan sa noo. "Don't stress yourself out too much, okay? Magiging okay din ang lahat, hijo. Trust me." Ngumiti ito nang matamis at tuluyan na siya nitong nilampasan.

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now