Shuyin Trilogy (III): Mababalikan ko pa kaya siya ngayong may mahal na siyang iba?
Teka... Prince Shuyin? Sino yun?
Continuation of "Loving a Prince"
[Story includes a glimpse to SERLANDE]
NOTE: I recommend you to read "Loving a Weirdo", then "Lovi...
"Alam kong nade-delay yung negotiation at natatagalan pa, but it will happen in a week, so prepare yourself, Ryen." Bahagyang nakangiti si Xeven na ngayon lang nakadalaw ulit sa'kin.
"Thank you, Xeven." Huminga ako nang malalim. Hindi pa rin ako napapanatag dahil hindi pa rin ako sigurado sa maaaring mangyari pagkatapos naming mag-usap ni Azul...
"Nice bracelet." Napansin niya yung charm bracelet na binigay ni Azul kahapon. "Saan mo binili?"
"Ahh... Binigay 'to ni Azul sa'kin kahapon..." Mahina kong sagot habang nakatitig lang sa bracelet.
"Oh? How unusual of him." Napahawak siya sa baba niya at napatingin sa kawalan na para bang nag-iisip nang malalim...
"H-Ha? Bakit?"
Ilang segundo pa bago siya nakasagot.
"W-Wala. Nevermind." Biglang nag-iba yung ekspresiyon ng mukha niya at may dinukot siya mula sa bulsa ng pantalon niya. "Anyway, I need to put this on your nape."
Pinakita niya sa'kin ang isang...
Shit....
Audio device?
Itong-ito yung nilagay ni Azul sa batok ko noong nasa Pilipinas pa kami!
"A-Ah...eh...para saan ba—"
"Come on. Alam kong nalagyan ka na nito ni Zein dati." He gave me a teasing smile and then he walked towards my back.
"Really? Kelangan mo pa talagang ipaalala, noh?"
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"At least ako na ang maglalagay sa'yo ngayon." Marahan niyang hinawi pagilid yung mga hibla ng buhok ko.