Shuyin Trilogy (III): Mababalikan ko pa kaya siya ngayong may mahal na siyang iba?
Teka... Prince Shuyin? Sino yun?
Continuation of "Loving a Prince"
[Story includes a glimpse to SERLANDE]
NOTE: I recommend you to read "Loving a Weirdo", then "Lovi...
Natauhan ako nang biglang may humawak nang mahigpit sa braso ko. Bahagya pa akong naalog kaya heto, nasa riyalidad na ulit ako at—
OH SHIT!
"Azul—"
"ADAM. ZEIN." Matiim niyang pag-udlot habang nakatitig sa'kin nang matalim pa sa katana.
"Sorry. Zein..." Okay na? Happy?
Bumuntong-hininga siya at inis niyang hinilamos yung magkabilang palad niya sa mukha niya.
"Bakit ka pa ba nandito? Akala ko ba uuwi ka na?" Wala pa rin talagang nagbabago sa ekspresiyon at pananalita niya.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Hindi ka man lang ba nakakaramdam ng kahit konting lungkot dahil aalis na ako ngayong araw?
"Wala ka kasi sa palasyo kaya—"
"Diretsuhin mo na lang ako. Wala akong oras para makinig sa kadramahan mo." Marahas niya akong binitawan pero nanatili naman siyang nakatayo sa harap ko.
Muli akong napalunok at napatitig sa nagbabaga niyang mga mata. Nakakatakot siya...parang mangangain...
"Gusto ko lang namang magpaalam nang maayos sa'yo..." Dahilan ko at agad namang naningkit ang mga mata niya.
"Nakapagpaalam na tayo sa isa't isa kagabi. Ano pa ba ang gusto mong marinig?"
"May gusto lang akong—"
"At ngayon pa talaga? Ngayon pang may mahalaga akong dapat gawin at nandito pa si Persephone?" Kumunot na naman ang noo niya.
Ganun? Kaya ka nagagalit dahil naiistorbo ko kayo ng Persephone mo?
Haaay...
Eve, wag ka nang magalit sa kanya... Ikaw ang may kasalanan kaya magpakumbaba ka...
"Oh sige na, sorry na..." I pressed my lips together in hesitation. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng naiisip kong sabihin kagabi at kanina...
"Okay na ba? Geh bye—"
"Teka naman." Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siyang umalis.
"Anuba!" He gritted his teeth and forcefully retrieved his hand from my grasp.
"Sorry..." Yumuko na lang ako dahil napalingon sa'min saglit yung ibang tao dahil sa bigla niyang pagsinghal sa'kin.