SHUYIN 11: Revealed

25 3 0
                                    

SHUYIN 11: Revealed 



RYEN EVE'S POV:


Another sleepless night has passed...


Halos kalahating oras akong lumublob sa mainit na tubig sa bath tub para hintaying mawala ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa kaiiyak ko na naman kagabi.

Sino nga ba naman ang hindi iiyak kung sa harap mo pa mismo hinabol ng mahal mo ang taong mahal niya?


Kahit konti man lang ba, hindi man lang niya maramdamang ako 'to?


Nagbuga ako ng maraming hangin tsaka ako nagpasiyang umahon na mula sa tub. Agad din akong nagbihis ng damit pang-orakulo tsaka ko sinuot na naman ang puting belo.


Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko dahil pakiramdam ko talaga ay ang bigat-bigat ng ulo't katawan ko ngayon. Para bang andaming nakadagan na parang hinihigop nang unti-unti yung lakas ko...


Naglalakad na ako sa hallway at isang liko na lang ay makikita ko na ang dalawang hagdan pababa nang biglang may sumulpot at lumiko din papunta sa direksiyon ko.

Napa-preno ako nang wala sa oras at muntik pa talaga akong masubsob sa kanya!


"Oh, sorry." Mukhang nagulantang din siya at muntik na ring mabunggo sa'kin.

" Mukhang nagulantang din siya at muntik na ring mabunggo sa'kin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"X-Xeven, ikaw pala..." Shit, nandito na naman ang gwapong prinsipe na 'to...

"S-Saan ka pupunta?" Parang may gumagambala sa kanya...

"Okay ka lang ba?"

"Oo naman! So, saan ka pupunta?" Parang hindi talaga siya okay, eh...

"Ahh, kakain sana ako. Ikaw?"

"Pupuntahan ka."


As in? Gusto kong ma-touch pero gutom na talaga ako.


"Samahan mo na lang ako sa dining hall." Ngumiti ako sa likod ng belo at nilampasan ko siya, umaasang susunod siya sa'kin.


Pero bigla na lang niyang hinablot yung kamay ko at hinila niya ako pabalik sa kanya!


"B-Bakit?" Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla!

"Wag. M-May kailangan akong sabihin sa'yo—"

"Oh kaya nga, dun natin pag-usapan sa dining hall. Gutom na kasi ako ehhh." Ngumuso pa ako kahit di naman pala niya nakikita.

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now