SHUYIN 22: Saved Them

26 3 0
                                    

SHUYIN 22: Saved Them



ADAM ZEIN'S POV:

Kumabog at bumilis ang tibok ng puso ko habang gulat na nakatingin kay Red...

Nakatayo lang siya sa di kalayuan habang nakatingin sa sarili niyang dibdib...


Unti-unting kumalat ang dugo sa damit niya, sa kanang dibdib niya...


Shit...


Hindi...


"H-Hindi!" Hindi ko na napigilan pang mapasigaw.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya...

"H-Hindi..." Natataranta kong hinawakan ang kanang pisngi niya gamit ang kaliwang palad ko.

Nanginginig siyang nag-angat ng tingin sa akin at kitang-kita ko ang pamumutla niya at ang pamumula ng mga mata niya...

Nanginginig siyang nag-angat ng tingin sa akin at kitang-kita ko ang pamumutla niya at ang pamumula ng mga mata niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Z-Zein—" Napasingap na lang ako nang bigla siyang bumagsak!

Buti na lang at nasalo ko siya!

"No... Please... No..." Hindi ko na napigilan pa ang nararamdaman ko habang dahan-dahan ko siyang pinapahiga sa damuhan.

Napatakbo na rin sina Xeven, dad, at mom palapit sa'min.

"Ryen Eve—shit! Siya yung tinamaan?!" Gulat na reaksiyon ni Xeven at dali-dali nitong hinubad ang suot na coat para ipigil sa dugong patuloy na lumalabas sa dibdib ni Red...

"Ako dapat yun pero...tinulak niya ako at sinalo niya yung...bala..." Dad...


Masaya akong ligtas si dad...


Pero...


"Z-Zein..." Nanginginig na sambit ni Red sa pangalan ko...


Lumuhod ako sa tabi niya gamit ang kanang tuhod at dahan-dahan ko siyang pinasandal sa kaliwang bisig ko...

Ramdam ko ang pag-init ng mga tenga ko at ang paglabo ng paningin ko...


"I-Ito na ba ang k-kaparusahan ko s-sa mga kasalanang n-nagawa ko sa'yo..?" Umiiyak niyang tanong habang nakatingin sa dibdib niyang puno ng sarili niyang dugo...

"Wag mong sabihin yan..." Red...

"W-Wag ka nang m-mag-alala...m-masaya akong...l-ligtas si King H-Hendrix..."


Tangina...


Ilang beses nga pala kitang pinagsabihang isa ka lang pabigat sa'kin...

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now