SHUYIN 24: Devastated Prince

31 3 0
                                    

SHUYIN 24: Devastated Prince



Nakatingin lang sa labas ng bintanang nasa kwarto niya si Adam Zein habang patuloy at walang tigil na iniisip si Ryen Eve...

Ilang araw na ang nakakalipas matapos ibinalitang binawian na nga ng buhay ang kanyang mahal, at mula noon ay araw-araw na din siyang balisa at walang-imik sa palasyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang araw na ang nakakalipas matapos ibinalitang binawian na nga ng buhay ang kanyang mahal, at mula noon ay araw-araw na din siyang balisa at walang-imik sa palasyo. Ni hindi na nga siya lumalabas sa kwarto niya.

Parang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya yung mga nangyari noong muli silang nagkakausap ni Ryen Eve noong buhay pa ito.


"Ilang buwan k-kong hinintay ang pagkakataong 'to, namja. Mula nung hiwalayan kita, halos hindi na ako makatulog gabi-gabi, alam mo ba yun? Sobra din naman akong nasaktan dahil sa ginawa ko sa'yo... Akala mo ba madali lang umarteng hindi na kita mahal, ha? Habang sinasabi ko sa'yo noong hindi sapat ang pagmamahal at proteksiyong ibinibigay mo sa'kin, hindi mo alam na puro 'sorry namja', 'patawarin mo'ko namja' yung nasa isip ko. Sa loob-loob ko nagdadasal akong sana mahalata mong nagsisinungaling lang ako nung sinabi kong hindi ka sapat para sa'kin at hindi na kita mahal, para pigilan mo'ko at hindi ko magawa yung iniutos ng ama mo."


"Yeoja..." Paulit-ulit na sinasambit niya sa isipan niya...


"Namja—"

"May Alzheimer's ka ba, ha? Diba sabi ko wag mo na akong tatawaging namja?"

"Eh...w-wag ka nang magalit sa'kin... Nasanay lang naman akong yan yung tawag ko s-sa'yo..."


"Hindi ko na ba talaga maririnig ulit ang salitang yun mula sa'yo, yeoja? Gusto kong marinig na tinatawag mo ulit akong namja..."


Hindi niya namalayang nagpapaunahan na naman pala ang mga luha niya sa pagragasa pababa mula sa mga mata niyang hindi na nawala ang pamumula dahil sa sobrang lungkot at pagdadalamhati...

Napahangos siya habang pilit na pinipigilan ang sarili sa muli na namang pag-iyak. Tuluyan na siyang tumalikod sa bintana at isinandal niya ang kanyang likod sa sandalan ng victorian couch na inuupuan niya. Hawak-hawak ng kanang kamay niya ang kanyang dibdib habang abala naman sa pagpunas ng sariling luha ang kanyang kaliwang kamay.

Walang humpay na sakit ang nararamdaman niya habang naaalala niya ang lahat ng pinagdaanan ni Ryen Eve bago ito tuluyang nawala...


"Mahal na mahal pa rin kita, A-Azul! Hindi ko k-kakayanin kapag tuluyan kang n-nawala s-sa'kin! Please! Sabihin mo sa'king m-mahal mo pa rin ako, Azul... P-Please..."

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now