5. Teal

82.1K 1.9K 263
                                    

Chapter 5

 


Simula nung recollection, naging super close na kami ni Rex. We went to church every Sunday, we date when we have time at ang sweet sweet niya sa akin. He is the perfect gentleman. Everyone thinks that we are together pero hindi namin pinag uusapan ang bagay na yun. Kaya I conclude, na ang tawag sa klase ng relasyon that we have is MU. Uu uso pa yun sa time namin. Hahaha.

Pero aaminin ko na minsan, nagtataka din ako bakit hanggang ngayon hindi pa siya nagtatapat sa akin. Torpe ba siya at puro paramdam na lang? Ako na lang kaya ang manligaw? Pero hindi eh, patience is a virtue, kaya maghihintay ako.

At dumating ang araw na pinakahihintay ko when Rex invited me sa wedding anniversary ng parents niya.  Masayang masaya ako. Ibig bang sabihin ipapakilala na niya ako sa parents niya? Shet! Kami na nga ata talaga kasi ipapakilala na niya ako.  At after ng parents introduction ano pa ba ang kasunod? Eh di kasal na! Rex  is really a man of few words. Ni hindi nanligaw, pero di bali exempted na siya. Pogi naman siya eh.  Hahahaha.

Sinundo niya ako sa bahay kasi sa hotel iheheld ang party. Grabe sa wakas, maghohotel na din kami. Wahaha. Oooppss! Magbehave ka nga Raziel. Pwede ba, kahit ngayong araw pigilan mo ang pagkagreen mo?

So ayun nga pumunta kami sa party ng mga magulang niya at pagpasok pa lang namin, pinagtitinginan na kami ng mga tao.Siempre kasi bagay na bagay kami. And flattered na flattered ako kasi ang gentleman lang ni Rex.  Alam niyo minsan nga naiisip ko, at hindi kagreenan ang iniisip ko ha! So ayun nga, minsan iniisip ko na parang ang surreal ni Rex. I mean, saan ka pa ba makakakita ng lalaking saksakan sa pogi, saksakan sa yaman, saksakan sa kabaitan, saksakan sa pagkagentleman,  saksakan sa pagkasingle at higit sa lahat, magaling magpack. Sa panahon ngayon, it’s either ang mga ganung lalaki ay either taken or bakla. Siguro nga nag iisa na lang si Rex kasi I’m sure na single siya at mas sigurado ako na hindi siya bakla.  Kaya, napakaswerte ko at nagkita kami at nagkasundo. AT ngayon nga, ipapakilala na niya ako sa parents niya. Oo kinakabahan ako pero mas lamang naman ang pagka excited ko.

“Ma’am this is Raziel, Raziel Villegas. Raz, met my Mom and Dad.”  Ngumiti ako sa parents ni Rex nung ipinakilala na niya ako. Ibinigay ko na din ang gift ko at nakipagshake hand sa Dad niya at nakipagbeso sa Mom niya.

“So, ikaw pala ang palaging kinukwento ni Rex sa amin. So are so pretty hija.”  Nakangiting sabi ng Mommy ni Rex.

“Thank you Tita.” Feeling ko namula ako sa sinabi ng Mom niya. Pero siempre pa demure ako. Pero ano daw? Kinukwento ako ni Rex sa kanila? Damn! Kinikilig ako!  Baka nagpaplano na sila ng kasal namin ng hindi ko alam. Naku! Baka hidni green ang piliin nilang motif! Hindi ako makakapayag!

Nag usap pa kami saglit tapos nagpaalam na sina Mommy at Daddy na kakausapin daw ang ibang guest. Naks! Maka Mommy at Daddy naman ako oh!

“Ladies and gentlemen.” Napatingin kaming  lahat sa harap. Magkatabi ang parents ni Rex at nakangiti sa lahat ng bisita.

“Thank you all for coming and for sharing with us this day.”  Nagpalakpakan ang mga guest kasama na din ako.

“Today we are not only celebrating our 25th anniversary. We are also celebrating something very important.” Medyo kinabahan ako sa sinabi ni Daddy. I aanounce na ba ang engagement namin? Holy Shit!

“This is also the thanksgiving and  despidida party of our son, Rex. Next week marks the end of his sabbatical and he will be returning to the seminary. “ Parang sinuntok ako sa dibdib sa narinig ko.

Seminary?

Sabbatical?

And it dawned on me. Rex is a seminarian. Napahawak ako sa dibdib ako at muntik na ako natumba if not for the arms that caught me.

“Are you okay Raz?” I immediately straightened myself. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Lumayo ako ng kunti sa kanya.

It all fits. His gentle manner, ang pagkagentleman niya, and pagiging religious niya and of course ang pagiging single niya. He is a freaking seminary and he is going to be a freaking priest.

Madami pa ang sinabi ang Daddy niya. Thanking him for sharing his time with them. Everyone looked at him and smiled at him. Ako nakatingin din sa kanya pero hidni ko makuhang ngumiti. How could I smile kung parang hinihiwa ang puso ko?

My God!

I fell in love with a seminarian.

I fell in love with a soon to be priest.

At buong buhay ko, hindi ko pinangarap na maging karibal ang Diyos.

“Raz…”  Napapikit ako pagkarinig ko sa boses niya. His gentle, soothing voice.

“Rex, I wanted to go home.”  

Ang Kwento ng GreenmindedWhere stories live. Discover now