Epilogue

97.8K 2.7K 572
                                    

Epilogue.

Nakaupo ako sa kubo at pinagmasdan ang paligid habang sinasamyo ang malamig na hangin. Iniadjust ko na din ang aviator shades ko. It’s been a month simula nung huli naming pagkikita ni Rex and everytime na maalala ko yun hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

Akalain mo yun, nakascore ako sa isang seminarista. Ahehehhe.

Hindi na ganun kasakit ang nararamdaman ko tuwing maalala ko siya at ang puso kong bigo. Natanggap ko na ang lahat. Maluwag at buong puso kong tinanggap ang nangyari. Nagpapasalamat na din ako na nakilala ko siya kasi madami din naman akong natutunan sa mga panahon na magkasama kami.

Akala ko nga mahirap magmove on pero hindi pala. Sabi nila ipaglaban mo ang pagmamahal mo pero mas maganda palang mag let go lalo na at alam mong fighting is not a choice and you have nothing left to do but to give up and to move on. Mas magaan sa dibdib at hindi nakaka-stress.  

Oo, inaamin ko na masarap siyang tikman. Hahaha. Hanggang ngayon pangarap ko pa din ang makasakay sa loob ng kanyang boxster  pero madami pa namang lalaki ang may Boxster. At mas madaming lalaki ang may boxer.

At sino ba ako para ipagkait sa Diyos ang isang bagay na sa Kanya naman talaga? Sino ba ako para ipagdamot ang isang bagay na pag aari naman Niya?

Oo nga green minded ako  pero…

Greenminded lang ako at may takot pa din ako sa Diyos.

Greenminded lang ako at nasasaktan din.

At being hurt is part of my greenminded  life because dito ko matutunan kung paano maging malakas at kung paano harapin ang buhay dito sa greenland.

Kaya wag na kayo magdemand pa ng kadugtong ng story namin ni Rex kasi wala na talaga. Hanggang dito na lang talaga kami dahil hindi naman lahat ng babae at lalaki na naging close ay nagkakatuluyan at nagkakaroon ng happy ending kahit gaano pa sila kabagay.

In my case, uu minahal ko siya, pero alam ko naman kung kelan na titigil. Alam ko naman kung kelan na maglelet go at alam ko naman na hindi talaga siya para sa akin.

Bumuntunghininga ako at tiningnan ang tinitinda ko.

‘Buko for sale.

Malaki, mabilog, malaman, malasa at ma-juice.

Pwedeng i-shake, pwede may gatas, at pwede ding fresh.”

Hanggang ngayon wala pa ding bumibili. Hays…

A/N: At dito po nagtatapos ang kwento ng Greenminded. Yung mga chapter names pala ay shades of green. 

Ang Kwento ng GreenmindedWhere stories live. Discover now