8. Celadon

72.4K 1.7K 193
                                    

Chapter 8 

Drive lang ako ng drive at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala ako sa sarili at mabuti na lang at hidni ako nadidisgrasya. Hindi na rin ako makaiyak kasi tuyong tuyo na ang mga mata ko. Pati ata mga luha ko nagboycott dahil umibig ako sa lalaking hidni ko dapat ibigin.

Pero malay ko ba na magpapari siya? Dapat kasi ang mga seminaristang katulad niya, may sign na nakapaskil sa mga noo nila na may nakasulat na bawal silang ibigin kasi taken na sila. Dapat ganun para walang magkakamali na katulad ko na sa huli ay wala namang patutunguhan kundi ang pag iyak.

Wala naman na kasi pwedeng gawin kundi ang maggive up. Unless kung makapal ang mukha mong landi landiin pa ang isang taong alam mo naman na magpapari pa. Pwede kong gawin yun at magkunwaring walang malisya pero hindi ako ganun. At kahit gawin ko yun alam kong sa pag iyak pa din ako patutungo sa huli. At kung malandi ko man si Rex, matatahimik ba ako kung alam kung umalis siya sa seminaryo ng dahil sa akin? Makakaya ba ng kunsensiya ko na ninakawan ko ang Diyos?

Ahhhh.. Ang hirap hirap naman ng sitwasyon ko. Hindi na-k-carry ng greenmind ko. Sinabunutan ko ang sarili ko. Tapos nakarinig ako ng nakakabinging mga busina. Green light na pala kaya pinaandar ko ulit ang kotse ko hanggang sa makarating ako sa isang sa tabi ng dagat na nagngangalang Surf Bar. Parang tanga lang ang nagpangalan sa bar na ito.

Pinark ko ang kotse ko at pumasok sa bar. Dumiretso ako sa Surf bar counter at umorder.

“Ano ang pinakamalakas niyong inumin dito? Yung ang oorderin ko.” Sabi ko agad sa bartender.

“Tamang tama Ma’am may bago kaming discover na hard drink and we call it Comfort.” Hindi ko na pinansin ang weird na pangalan ng inumin. Umorder agad ako at ininom. Umorder din ako ng Downy at Joy na inumin na ang sabi ng bartender ang tama daw tumatagal ng isang linggo. Yun ang hinahanap ko. Gusto kong makalimot sa sakit na nararamdaman ko kaya wala akong pakialam kahit umiinom pa ako ng inumin na kapangalan ng  fabric conditioner at dishwashing liquid.

After ng mga 5 shots, hilo na ako at naiinitan kaya hinubad ko ang blazer ko kaya  nakaexpose ang likod ko. Naka backless halter blouse kasi ako.

Pero kahit hilo na ako, masakit pa din ang puso ko. Bakit hindi maalis alis? Antae naman!

Umorder ulit ako ng Comfort at habang hawak ang wineglass naglakad ako papuntang dancefloor and there I drink and dance to my heart content. Wala na akong pakialam, basta sayaw lang ako ng sayaw at kung sino sino ang nakikipagsayaw sa akin.

Bakit hindi na lang ako nainlove sa isa sa mga lalaki dito? Yung mga lalaking, hindi mahirap abutin? Yung mga lalaking game? Yung mga lalaking hindi sobrang bait, hindi sobrang gentleman, hindi sobrang pogi. Yung katamtaman lang. Bakit sa katulad ni Rex pa ako nahulog! Alam ko naman na hindi siya nababagay sa berde kong mundo.

Dapat nainlove na lang ako sa lalakign kayang sakyan ang trip ko. Na naiintindihan ang pagkagreen ko kasi siya may pagkagreen din. Bakit hindi ako nainlove sa kalevel ko?

“Hey!” Medyo tinulak ko ang lalaking kasayaw ko na nakahawak na sa pwet ko.

“Do you want to go somewhere else?” Sabi niya sa tenga ko. Hahaha! Nakakakiliti yun.

“Sure!” Walang isip isip na sinabi ko. Tama yan Raz, ibaling mo sa iba ang pag ibig mong impossible. Hinawakan na ako ng lalaki sa bewang para ilabas sa bar nung biglang may humila sa braso ko.

“Raziel.” Ay shit! Bakit siya andito? Di ba dapat hindi niya alam ang lugar na to kasi banal siya?

“Hey Brod.” Sabi nung kasayaw ko. Ang galing niya. Akalain mo yun. Alam niyang seminarista si Rex kasi brod short for brother ang tawag niya. Samantalang ako, ni hindi ko napansin.

Pero nakita ko na lang ang dalawa kong pinsan na hinihila palayo ang guy at hinihila naman ako palabas ng bar ni Rex. Pero bago pa kami nakalayo I felt a sting at my behind.

“Ouch!”  Tapos napatingin ako kay Kuya Jhudiel. Damn! Pinalo niya ang pwet ko in public. How embarassing.

“Kuya!” Protesta ko.

“Ikaw na ang bahala dyan Rex.” Tapos tumingin siya sa akin. “Magtutuos tayo mamaya sa bahay Raziel.” Sabi niya sa akin na may banta sa mga mata. “Ano ba!” Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin nung nasa labas na kami ng bar.

Hindi na ako nakasagot kasi hinihila nga ako ni Rex palabas ng bar.

Ang Kwento ng GreenmindedWhere stories live. Discover now