Chapter 7.
“Nasaan ang monay ko?” Untag sa akin ni Gabriel pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ko. Kung makatanong naman tungkol sa monay, parang pag aari niya ang lahat ng monay sa mundo.
“Ang monay ko nasaan din?” Napatingin ako sa kay Michael na katabi ni Kuya Jhudiel na kumakain ng tortang oyster. Favorite niya yan. Ang tortang talaba. Sarap na sarap siya sa pagkain niya ng talaba.
At bakit ba andito ang tatlong to sa opisina ko sa ganitong oras?
“Ang aga aga kumakain ka ng talaba.” Puna ko kay Kuya Jhudiel.
“Anong umaga? Alas diyes na kaya meryenda na to. At ikaw bakit ngayon ka lang pumasok? Dalawang araw ka daw nagkulong sa kwarto mo? Anong nangyari sayo? Buntis ka ba?” Litanya ng kapatid ko.
“Wala namang matris yan.” Komento ni Michael.
“Malay mo, may nabilhan ng matris na magandang klase. Pero hindi naman yun ang importante eh. Bakit wala kang dalang monay?” Sabi din ni Gabriel at nakikain sa tortang talaba na kinakain ni Jhudiel.
“Bakit niyo ako hinahanapan ng monay!?” Bigla kong sigaw. “ Mukha bang nagdadala ako ng monay palagi? May nakadikit ba na monay sa akin? Bakit palagi niyo sa akin hinahanap ang monay! Walang kayong malasakit! Nakakainis kayo! Nakakainis!” Binato ko ang bitbit kong bag sa kanilang tatlo. At nagdadabog at hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko.
“Hoy! Bakit umiyak ka na lang bigla. Parang nagtatanong lang ng monay, umiyak kaagad?” Nagtatakang tanong ni Michael habang hawak ang bag ko na nasalo nila. Nakatingin silang tatlo sa akin na may pagtataka.
“Anong problema Raziel?” Seryosong tanong sa akin ni Kuya Jhudiel. Pinahid ko ang mga luha ko.
“Magpari na lang kayong tatlo para may pakinabang kayo sa sanlibutan! Umalis na kayo sa harapan ko!” Sigaw ko pa sabay upo sa upuan ko. Nakatingin pa din sila sa akin na nagtataka.
“Oi! Nagriring ang cellphone mo.” Sabi ni Michael sabay bukas ng bag ko at kuha ng cellphone.
“Rex calling, sasagutin ko?”
“Wag! Bigla akong napatayo sa upuan at nagdive para kunin ang cellphone na hawak ni Michael. Nakuha ko naman pero nasubsob ako sa sofa tapos biglang kinancel ang tawag.
“Grabe! Home run!” Pinagtawanan nila akong tatlo. Tiningnan ko sila ng masama.
“Brokenhearted ka ano?” Napatingin ako bigla kay Jhudiel. Ampupu! Magkapatid nga kami.
“Waaaaahhhhhh! At umatungal ako. Naalarma silang tatlo, lumapit sa akin at nag group hug kami.
“Okay lang yan Raz, dumadaan talaga ang lahat sa ganyan. Next time kung mainlove ka, sa totoong lalaki na ha. Wag na sa bading.” Umurong ang luha ko.