3. Chartreuse

120K 2.3K 606
                                    

Chapter 3.  Chartreuse

Eggcited na eggcited ako ngayon. Ngayon kasi ang date namin ni Rex. Susunduin niya daw ako. Special ang araw na ito kaya nagsuklay ako.  Bibihira ko lang gawin yun.  Mga 9AM siya dumating. Tinawag na ako ng katulong na may naghihintay daw na pogi sa akin sa labas.

Bumaba na ako at nakita ko siyang nakaupo sa living room at umiinom ng juice. Napatingin ako sa straw  at napalunok ako. Ang swerte ng straw na yun sana naging straw na lang ako para sipsipin niya din.  He will taste all the sweetness that I can offer. Wahaha.

Ngumiti siya nung makita niya akong pababa at it nearly knock me down. Napahawak tuloy ako sa hawakan ng stairs. Grabe! Nakakasilaw ang ngiti! Why so pogi naman kasi Kuya?  Lumapit na ako sa kanya tapos niyaya ko na siyang lumabas. Kabadtrip kasi kanina pa siya pinagnanasaan ng mga katulong namin. Pagdudukutin ko mga mata nun eh.

Oo pinagnanasaan talaga. Ako lang naman ang wholesome sa bahay, lahat sila mga manyak. Ako lang ang wholesome at greenminded.

Nakapark na ang Boxster niya sa harap ng bahay namin. Nawala na yung sira. Magkano kaya ang isisingil niya sa akin?

Pinagbuksan niya ako ng boxster niya at namangha ako nung makita ko ang loob ng malapitan. It was so sleek at napakabango. Siguro ang sarap hawakan ng….manibela nito. Tapos ang sarap din himas himasin ng… upuan. I wonder how it would feel pag nakakulong sa mga palad ko ang … kambyo. Would it perfectly fit my hand? At dahil ba sa automatic ito aarangkada na ba kaagad at my mere touch? Gaano kaya ito kabilis? 

Umupo na ako sa loob ng Boxster niya at inhaled its alluring scent. Nakakaadik.  Hmmmm…

“Rex, magkano ang utang ko sayo?” tanong ko kaagad pagkaupo niya sa upuan. Tiningnan niya ako saka ngumiti. Gaahhhhhd! Napakurap ako ng mga mata.

“Okay na ang pagsama mo sa akin ngayon.” Natuwa naman ako sa sagot niya. Ayyyy inlove na ang lolo niyo sa akin. Nagpapacute pa.

“Talaga? Kung gusto mo sasamahan pa kita habangbuhay eh!” Nagulat siya sa sinabi ko. Pati ako nagulat sa sinabi ko. Taeng mouth ito. Para mapagtakpan ang kahihiyan ko ngumisi na lang ako at sinabing…

“Joke! Hihihi.” Tandaan mo Raziel. Greenminded ka lang pero di ka malandi. Umayos ka!

Ngumiti lang siya sa akin tapos nagkwentuhan na lang kami ng kung ano ano habang nagbabyahe. Ang swabe lang niyang magdrive.  Ang galing niyang diver este driver pala.  Swak na swak lang.

At sa aming pag uusap nalaman ko na kaklase niya nung college si Kuya Ralph at graduate siya ng Business Administration Summa Cum Laude. Basketball player din pala siya nung college so ibig sabihin magaling siyang magshoot. Kahit ba madilim, naisoshoot niya? Wahahaha. Gusto kong malaman yun!!!

“So ano ngayon ang ginagawa mo sa buhay?” Curious na tanong ko.

“Ako ngayon ang humahawak ng business namin. Nasa packing business kami, yung Philippine Packing Corporation.” Ang cute talaga niya ngumiti. Pambihira, pati mata niya nagniningning kapag ngumingiti siya.

Ang Kwento ng GreenmindedWhere stories live. Discover now