Chapter 6.
Nakasakay na kami’t lahat sa kotse tulala pa din ako. Parang humiwalay ang katinuan ko sa katawan ko. Gustong gusto kong hindi paniwalaan ang narinig ko pero parang pirated dvd na nagrereplay ang sinabi ng Daddy ni Rex.
Namamanhid ang buong pagkatao ko pati ang pakiramdam ko namamanhid na din. Gustong kong umiyak at magsisigaw pero hindi ko magawa. Ganito pala ang mabigo. Ang sakit pero hindi mo alam kung saan ang masakit. Pati ata ngipin ko sumasakit na.
Tahimik kami sa loob ng kotse. Mabuti naman at hindi siya nagsasalita. Hindi ko alam kung alam niya ang dahilan ng bigla kong pagyaya pero kasi sinabi kong masakit ang ulo ko kaya kailangan ko ng umuwi. Nag offer pa nga ang Mommy niya na mahiga muna ako sa hotel room na kinuha nila para makapagpahinga pero siempre hindi ako pumayag. Ayaw kong magkalat sa hotel.
Nakatingin lang ako sa harapan ng kotse. Nakatingin ako pero wala akong nakikita, everything is a passing blur.
“Raz, are you okay?” I stiffened nung marinig ko ang boses niya. Raziel naman kasi, sa dinami dami ng lalaking pwedeng mahalin bakit siya pa?
Eh malay ko ba naman na magpapari siya? Sino ang mag aakala na ang lalaking mahilig mag pack eh pangarap palang maging priest? Na mas gusto pala niya ang missionary kaysa sa packing? Aaaahhhh! Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Kaya pala…. Kaya pala mahilig siyang magsimba. Kaya pala close siya sa mga seminarista at sa mga priest.
Waaaaaa!! Gusto ko na lang magpakamatay!
“Raz!” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nakalagay sa lap ko. Para akong napaso kaya agad kong inalis ito. Siguro nga nagtataka nasiya sa pagiging tahimik ko. Paano naman kasi, pag nagkakasama kami, ang daldal daldal ko. Pero ngayon ang tahimik ko.
“Gusto mo bang bumili muna tayo ng gamot?” Gamot? Gamot sa heartache meron ka? Magagamot ba ang sugatan kong puso? Makakayanan ba to ng mefenamic acid?
“Hindi na. Gusto ko na lang umuwi.” Mahinang sagot ko. Alangan naman na maging enthusiastic pa ako.
“Are you okay?” Tanong niya ulit. Ngumiti ako ng tipid.
Oo! Okay lang ako. Hindi mo ba nakikita? I’m alive, alert, awake, enthusiastic. Sa sobrang pagkaalive, alert, awake, enthusiastic ko, gusto kitang ihampas sa pader para magising ka. Bakit ba kasi pagpapari ang pangarap mong propesyon? Pwede ka namang maging ama ng mga anak ko bakit pagpapari pa? Bakit? Bakit? Bakit?
Kung ako ang pipiliin mo, tutulungan kita sqa pagpapack, pwede naman tayong mag missionary kahit hindi ka pari ah!
Gusto kong sabihin yun sa kanya pero hindi ko maisatinig ang mga saloobin ko. Dahil kapag ginawa ko yun para ko na ding kinalaban ang gusto niyang pagsilbihan. At dahil sa mga nangyari, lumalalim ng lumalalim ang mga tagalog ko. Pag hindi na ako brokenhearted, sasali ako sa balagtasan.
“Ang tahimik mo.” Sabi pa niya. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang profile niya kasi nakaharap siya sa kalsada. Na focus ang tingin ko sa mga labi niyang mapupula. Nanghinayang ang buong pagkatao ko. Ni hindi ko man lang nahalikan. Waaaahhhh!!
“Masakit lang talaga ang ulo ko.” At ang puso ko dahil binasag mo. Pero raz, wala naman siyang kasalanan. Hindi naman siya nagpakita ng motibo sayo. Ikaw itong assuming sa relasyon niyo na hindi naman nag eexist. Bakit mo siya sinisisi. Waaaaahhhhhh!
“Andito na tayo.” Nakapark na nga kami sa harap ng bahay namin ng hindi ko napapansin. Dali dali siyang lumabas at umikot sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Isa pa ang pagiging gentleman niya. Sino ang hindi maiinlove sa kanya? Napaka ideal niya. Ang sarap niyang iharap sa altar. Pero ang gusto pala niya, kung haharap siya sa altar, mag isa lang siya at hindi ako kasama. At napakasakit tanggapin ng bagay na yun.
He offered his hand para tulungan akong bumaba sa Boxster niya pero hindi ko kinuha ang kamay niya sa pagtataka niya. At nung hinawakan niya ang siko ko para I guide ako, pumiksi ako. May pagtataka sa mukha niya.
“What’s wrong Raz? You’re acting strange.”
“Wag mo akong hawakan please. Makasalan ako, banal ka. Baka mahawa ka sa akin.” Tapos iniwan ko na siya at dali daling pumasok sa gate namin sa pagtataka niya.